Ebrahim Polinar Loquete

Ebrahim Polinar Loquete This Page will give you reminders and knowledge about Islamic belief.

25/12/2025

﴾Ang mga kalangitan ay halos magkalansag-lansag mula rito [sa salitang ito], ang lupa ay magkabiyak-biyak at ang mga bundok ay gumuho sa matinding pagkawasak. [Sapagka't] kanilang iniakibat sa Mahabagin [Allâh] ang isang anak [na lalaki].﴿ Qur’an 19:90-91

09/12/2025

GAANO MAN KATAAS ANG IYONG NARATING, DITO PARIN ANG BAGSAK MO❗️❗️❗️

"HUWAG MAGMAYAMABANG (be humble)"❗️

👉Alalahanin ang Sinabi ng Mahal na Propeta (sumakanya ang biyaya at kapayapaan):
“DALASIN ANG PAGGUNITA SA PUMUPUTOL NG KALIGAYAHAN "ANG KAMATAYAN!!"

Ang matayog na pangarap ay pawang babagsak, Anumang nakamit noon sa Kolihiyo, Masteral o Doctoral, Kapangyarihan, Katanyagan ay mawawalan ng saysay sa unang gabi ng iyong pananatili sa iyong libingan❗️

👉👉Ang tanging mapapakinabangan mo ay ang tamang sagot mula sa pinaka mababang tanong noong ikaw ay nasa Elementarya:

SINO ANG IYONG PANGINOON?

ANO ANG IYONG RELIHIYON?

SINO ANG IYONG PROPETA?

👉Alalahanin ang kasabihan: "ANG KAMATAYAN SAPAT NA BILANG BABALA"

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

حديث: ( أكثروا ذكر هادم اللذات )
كفى بالموت واعظا.
✍️ Zulameen Sarento Puti

08/12/2025

MGA KATANUNGAN AT KASAGUTAN TUNGKOL SA PASKO.

Ang mga sumusunod ay hango sa isang panayam sa isang paham sa Islam mula sa Canada na ginanap sa King Fahd National Guard Hospital Kingdom of Saudi Arabia.

Tanong: Ano ang ibig sabihin ng ‘Christmas’ o Pasko?

Sagot: Ito ay pagdiriwang ng kalakhang Kristiyano tuwing ika-25 ng Disyembre bilang paggunita sa mahimalang pagkasilang ni Hesus.

Tanong: Naniniwala ba ang mga Muslim sa mahimalang pagkasilang ni Hesus?

Sagot: Oo. Sapagka’t ito ay nakasulat sa maraming talata sa Qur’an, halimbawa sa kabanata Al’Imran 3:45-47.

Tanong: Magkagayon, di ba dapat magdiwang din ang mga Muslim sa kapanganakan ni Hesus?

Sagot: Bagaman naniniwala ang mga Muslim sa mahimalang pagkasilang ni Hesus, ngunit hindi nila ito ipinagdiriwang sapagka’t ang mismong pagdiriwang na ito ay walang batayan sa Qur’an at maging sa Bibliya.

Tanong: Saan hinango ng mga Kristiyano ang katagang ‘Christmas’ o Pasko?

Sagot: Ayon sa mga iskolar na Kristiyano, ang ‘Christmas’ ay hinango sa mga katagang ‘Christes Masi’, na ang ibig sabihin ay Christ Mass, o ang misang patungkol kay Kristo-Hesus. Ang katagang ito ‘Christmas’ ay unang ginamit noong ika-11 siglo (1100 years ago) mga 1,000 taon matapos umalis si Hesus sa mundong ito.

Tanong: Magkagayon ba’y hindi batid ni Hesus ang katagang ito dahil ito ay ginamit lamang mga isang libong taon pagkaraan ng kanyang pag-alis?

Sagot: Siyang tunay! Maging ang kanyang mga alagad o disipulo ay walang kaalaman sa katagang ito sa dahilang hindi ito tinuran ni Hesus sa kanyang kapanahunan.

Tanong: Papaano nagsimula ang pagdiriwang ng kaarawan? Saan ito nanggaling?

Sagot: Bago pa dumating si Hesus, ang pagdiriwang ng kaarawan ay bantog na bantog noon pa sa mga paganong Greko at Romano. Ito ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagdarasal sa mga diyus-diyusan, pag-aalay, masaganang kainan, at ang pagbibigay ng regalo sa may kaarawan.

Tanong: Kung pagano pala ang pinanggalingan ng pagdiriwang ng kaarawan, bakit hindi ito tinutulan ng simbahang Kristiyano?

Sagot: Sa unang tatlong siglo makaraang mawala si Hesus sa daigdig, ang simbahan ay may malakas na oposisyon laban sa pagdiriwang ng kapanganakan (birthday) sapagka’t ito ay isang kaugaliang pagano.

Tanong: Papaano naman nalaman ang kapanganakan ni Hesus?

Sagot: Ating mababasa sa Collier’s Encyclopedia -- “Ang eksaktong kapanganakan ni Hesus ay imposibleng malaman kahit gamitin pa ang mga nakasulat sa Ebanghelyo pati na rin ang kasaysayang nauukol kay Hesus”. Gayundin, sa New International Dictionary of Christian Church, mababasa natin na walang mapagbabatayan sa kasaysayan na nagbibigay katibayan sa araw, at buwan ng pagkasilang ni Hesus.

Tanong: Saan nanggaling ang Disyembre 25 na siyang araw na ipinagdiriwang ng mga Kristiyano tuwing Pasko?

Sagot: Ating matutunghayan sa Collier’s Encycolpedia na ang pagpili ng Disyembre 25 ay nakuha sa mga paganong Romano sa kanilang pagdiriwang ng ‘Mitalis Solis Invicti’, isang pagdiriwang sa kapangyarihan ng ‘Diyos na Araw’ (Sun God) sa relihiyong ‘Mithraism’. Gayundin, ating mababasa sa ‘Encyclopedia of Religions and Ethics’ na may isang matandang kaugalian ang mga Romano sa pagdiriwang ng ‘Saturnalia’ (God of Saturn) tuwing ika-25 rin ng Disyembre.

Tanong: Papaano ipinagdiriwang noon ng mga paganong Romano ang kanilang Mithraism at Saturnalia?

Sagot: Malawakang pagdiriwang ito sa kanilang buong bansa sa araw ng Disyembre 25. Ito ay isang pista opisyal, nakasara ang mga paaralan, walang ipinatutupad na parusa sa mga nakapiit, nagpapalit ng bagong damit, pinahihintulatan ang sugal na ‘dice’, nagbibigayan ng regalo, at manika ang ipinamimigay sa mga bata. Sadyang magkatulad ang pagdiriwang ng Pasko sa mga panahong ito.

Tanong: Sino ang nagtakda na gawing Disyembre 25 ang pagdiriwang ng Pasko?

Sagot: Matapos mabinyagan si Constantine sa pananampalatayang Kristiyanismo, ang simbahan sa Roma ay ipinag-utos ang pagdiriwang ng kaarawan ni Hesus tuwing ika-25 ng Disyembre. Ang panahon ni Constantine ay noong ika-4 na siglo. Sa panahong ito lamang itinakda ang Disyembre 25 bilang kapanganakan ni Hesus.

Tanong: Papaano nangyaring isinama ng simbahang Kristiyanismo ang petsang ito sa kanilang pananampalataya?

Sagot: Huwag nating kalilimutan na ang Kristiyanismo ay ipinalaganap sa mga Romano at upang hikayatin ang mga paganong ito, isinama sa pagdiriwang ng simbahan ang kanilang mga paganong kaugalian. Ito ay tanda na ang simbahan ay ginamit itong paraan upang akitin ang mga Romano na ipagdiwang ang kaarawan ni Hesus sa petsang ito upang makalimutan nila ang kanilang pagsamba sa Araw.

Tanong: Hindi ba ipinagbawal ng simbahan ang pagdiriwang ng Pasko sa kanilang mga tagasunod?

Sagot: Noong taong 1642 hanggang 1652, ang mga Kristiyanong Puritano sa Inglateria ay nagpalabas ng batas sa pagbabawal ng misa at pagdiriwang sa araw na ito. Gayundin, ito ang naging desisyon ng mga Kristiyano sa Amerika na dala ng mga dayuhan.

Tanong: Bakit naging laganap ngayon ang kaugaliang ito sa mga Kristiyano?

Sagot: Nang dumating ang taong 1900, ang maraming mga dayuhan sa Amerika na galing sa Germany at Ireland ay nagbigay-buhay na naman sa paganong pagdiriwang na ito. Kahit na may oposisyon at pagtutol ang simbahan, ito ay natabunan dahil sa dami ng mga imigrante. Sa paglipas ng panahon, ang pagdiriwang ng Disyembre 25 ay naging laganap at ito ay itinuring na rin ng simbahan ng Kristiyanismo bilang isang pamamaraan ng kanilang dibosyon sa pananampalataya.

Tanong: Ang lahat ba ng Kristiyano ay nagdiriwang ng Pasko tuwing Disyembre 25?

Sagot: Bagaman karamihan ng Kristiyano nagdiriwang sa kaarawan ni Hesus tuwing Disyembre 25, ang pagdiriwang ng mga Armenians (Eastern Church) ay kanilang isinasagawa tuwing ika-6 ng Enero magpahanggang ngayon.

Tanong: Ano ang dapat gawing hakbang ng isang karaniwang Kristiyano tungkol dito?

Sagot: Kung ikaw ay tunay na masugid na tagasunod ni Hesus, alalahanin ang kanyang tinuran sa inyong mismong aklat: Ako ang landas, ang katotohanan, at ang buhay…. Nararapat lamang sundin ang landas at katotohanang itinuro ni Hesus. Ang Pasko ay walang kaugnayan sa pagtuturo ni Hesus. Ang pagdiriwang nito ay hindi magbibigay kasiyahan sa kanya at sa Nagsugo sa kanya dahil hindi naman niya ito ipinatupad. Ito ay hindi bahagi ng landas ng kanyang itinuro.

Tanong: Ang mga Muslim ba’y pinahihintulutang sumama sa pagdiriwang na ito? Maaari ba silang bumati din ng “Merry Christmas”?

Sagot: Hindi! Sapagka’t ito ay isang hayagang pagkunsinti sa isang kaugaliang pagano, isang gawaing hindi naaayon sa turo ni Hesus. Ang anumang pakikibagay tungkol dito ay tuwirang paglabag sa pangunahing katuruan ng Islam – ang pag-iwas sa mga gawaing pagano. Ang Islam ay kinasusuklaman ang pagkukunwari, kaya naman, hindi nababagay sa isang Muslim na makisama sa anumang nauukol sa Pasko sa kabila ng kanyang di-paniniwala dito.

Tanong: Marami ba akong matutuhan tungkol kay Hesus sa Qur’an?

Sagot: Si Hesus ay nababanggit sa maraming pahina ng Qur’an. May isang kabanata na may pamagat na ‘Maria’ bilang pagbibigay dangal sa kanyang ina. Nakatitiyak ka sa pagkamakatotohanan ng Qur’an sapagka’t ito na lamang ang nalalabing rebelasyon na nananatili sa orihinal nitong anyo mula nang ipahayag ito kay Propeta Muhammad. Mababasa mo rin sa Qur’an na si Hesus ay hindi diyos o anak ng diyos bagkus isa siya sa mga bantog na Propetang ipinadala ng Dakilang Lumikha upang ituro sa tao na walang diyos na dapat sambahin kundi yaong nagsugo sa kanya – ang Allâh.

Tanong: Saan ako maaaring magtanong tungkol sa pag-aaral sa Islam?

Sagot: Bukas ang lahat ng tanggapang pang-Islam sa mga nagnanais malaman ang Islam. Makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na Islamic Center sa inyong pook o di kaya magpadala sa amin ng mensahe dito sa ilan sa mga accounts namin sa social media o di kaya’y tumawag CellPhone #: (+966) 531496682 | (+63) 9662079599

____________________
🔎 (FaceBook | X | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)

08/12/2025

𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗡𝗘𝗖𝗞𝗟𝗔𝗖𝗘 𝗔𝗧 𝗕𝗥𝗔𝗖𝗘𝗟𝗘𝗧 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗬 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗪𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗟𝗔𝗠‼️

Dahil ito ay kabilang sa mga natatangi lamang sa mga kababaihan hindi ng mga kalalakihan, at ang panggagaya sa mga kababaihan ay mahigpit na ipinagbabawal sa islam.

عن ابنِ عبَّاسٍ رضي اللَّه عَنْهُما قَالَ: "لَعَنَ رسُولُ اللَّه ﷺ المُخَنَّثين مِنَ الرِّجالِ، والمُتَرجِّلاتِ مِن النِّساءِ".

Ayon kay Ibn Abbas kalugdan nawa silang dalawa ng Allah kanyang sinabi:

"Isinumpa ng Sugoﷺ ng Allah ang mga bakla mula sa mga kalalakihan at ang mga tomboy mula sa mga kababaihan."

وفي روايةٍ: "لَعنَ رسُولُ اللَّهِ ﷺ المُتَشبِّهين مِن الرِّجالِ بِالنساءِ، والمُتَشبِّهَات مِن النِّسَاءِ بِالرِّجالِ" رواه البخاري.

at sa isang salaysay: "Isinumpa ng Sugoﷺ ng Allah ang mga kalalakihang gumagaya sa mga kababaihan at ang mga kababaihang gumagaya sa mga kalalakihan." Al-Bukhari

قال العلامة الشيخ ابن عثيمين رحمه الله:

" اتخاذ السلاسل للرجال للتجمل بها محرم؛ لأن ذلك من شيم النساء، وهو تشبه بالمرأة، وقد لعن الرسول صلى الله عليه وسلم المتشبهين من الرجال بالنساء "

📘(فتاوى في الطهارة والصلاة / ج1 / ص22)

𝙎𝒊𝙣𝒂𝙗𝒊 𝒏𝙞 𝘼𝒍𝙡𝒂𝙢𝒂𝙝 𝙄𝒃𝙣𝒖 𝑼𝙩𝒉𝙖𝒚𝙢𝒆𝙚𝒏 𝒌𝙖𝒂𝙬𝒂𝙖𝒏 𝒏𝙖𝒘𝙖 𝙨𝒊𝙮𝒂 𝒏𝙜 𝘼𝒍𝙡𝒂𝙝:

"Ang pagsusuot ng kuwintas ng mga kalalakihan bilang pampapogi ay ipinagbabawal, dahil iyon ay kabilang sa mga katangian ng mga kababaihan at isang paggaya sa babae. At tunay na isinumpa ng Sugo ng Allah ﷺ ang mga kalalakihang gumagaya sa mga kababaihan."

📘Fatawa sa taharah at salah 1/22

Mula kay: Shaykh Khadafy B. Mangansakan

27/11/2025

BAWAT HAKBANG PATUNGONG MASJID AY DALAWA ANG GANTIMPALA (reward"❗❗❗

"mapatawad ang kasalan at itataas ang Antas"👍

👉 Narito ang iilan sa kahigitan ng iyong hakbang patungong Masjid:

1- Ang kanang hakbang ay ITITINATAAS ANG TAO SA PINAKA MATAAS NA ANTAS SA PARAISO

2- Ang kaliwang hakbang ay NAPAPATAWAD ANG KASALANAN

3- Ang Hakbang ay KATUMBAS NG RIBAT (pakikibaka sa landas ni Allah)

4- Sila na naglalakad patungong Masjid ay BIBIGYAN ng KUMPLETONG LIWANAG sa araw ng paghuhukom

5- Ang siyang pinaka malayo ang nahakbang ay magkakamit ng PINAKA MALAKING GANTIMPALA

👉 Alalahanin na ang iyong hakbang patungong MASJID at pabalik sa iyong tahanan ay punong-puno ng biyaya, walang hanggang gantimpala, at kabilang sa iyong mga Sadaqa (kawanggawa)!!

👉 NARITO ANG IILAN SA MGA BATAYAN!

♦️a- Sinabi ni Propeta Muhammad (sumakanya ang biyaya at kapayapaan): "Ninanais ba ninyong ipabatid ko sa inyo ang mga nakakapawi ng inyong kasalanan at nag-aangat ng inyong karangalan?…Paramihin ang hakbang patungong Masjid.” Inulat ni Imam Muslim

♦️b-Karugtong ng Hadith: “Ito ay isang Ribat (pakikibaka sa landas ni Allah).

♦️c-Sa ibang Hadith: “Ang kalilwang hakbang ay nagpapawi ng kasalanan at ang kanang hakbang ay nagtataas ng kanyang antas sa Paraiso" Inulat ni Imam Muslim

♦️c- Hinangad ng Banu Salama na lumipat at magpatayo ng bahay na malapit sa Masjid ng propeta dahil ang kanilang tahanan ay malayo sa Masjid.
Sinabi ng Mahal na Propeta: "Huwag na kayong lumipat dahil ang lahat ng inyong hakbang patungong Masjid ay inyong magiging tanda (gagantimpalaan kayo ng malaki sa araw ng paghuhukom)

♦️e- Sinabi ng Mahal na Propeta: "Ang pinaka malaking gantimpala ay sila na malayo ang nahakbang. Magpalayo ng habang" Inulat ni Imam Muslim

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

حديث: ”ألا أدلكم على ما يمح الله به الخطايا, ويرفع به الدرجات؟.....كثرة الخطا إلى المساجد.“ رواه مسلم 251
حديث: "فَذَلِكُمْ الرِّبَاطُ , فَذَلِكُمْ الرِّبَاطُ" رواه مسلم 251
حديث: " خَطْوَتَاهُ إِحْدَاهُمَا تَحُطُّ خَطِيئَةً , وَالأُخْرَى تَرْفَعُ دَرَجَةً" رواه مسلم 666
حديث: " إن أعظم الناس أجرًا في الصلاة أبعدهم إليها ممشى فأبعدهم" رواه مسلم

✍ Zulameen Sarento Puti

24/11/2025

𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗞𝗜𝗞𝗜-𝗣𝗜𝗬𝗘𝗦𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔̃𝗙𝗜𝗥

Ang Piyesta ay kabilang sa Relihiyon, kaya hindi ito pweding isawalang bahala ng mga mananampalataya, sinabi ng Propeta ﷺ:
"لكل قوم عيد، وهذا عيدنا." متفق عليه.

Ibigsabihin: "Bawat sambayanan ay may piyesta, at ito ang piyesta natin (Ang Eid)." ~ Bukhari at Muslim.

At ang pakiki-piyesta sa mga walang pananampalataya o pagsali sa kanila sa kanilang mga pagdiriwang ng sarili nilang piyesta ay mariing ipinagbabawal sa pananampalatayang Islam.

Sinabi ni Shaikh Ibn Baz rahimahullah: "Ipinagbabawal sa mananampalatayang Muslim ang pagsali sa mga piyesta ng mga Kristiyano, Hudyo, o sinupaman na katulad nila, dahil ipinag bawal ng Propeta ﷺ na sila ay tularan."
~ Majmou' Al Fatawã, 6/405.

At bilang paglilinaw, narito ang ilan sa mga dahilan:

Una: Sinabi ng Propeta ﷺ: "Sinuman ang taong kanyang tularan ang isang sambayanan ay sa kanila mapapabilang." ~ Abu Daud.

Pangalawa: Ito ay nagpapahiwatig ng pagkalugod at pagmamahal sa kanila, at ito'y matinding ipinagbawal ng Qur-an, [Al Mumtahanah: 01].

Pangatlo: Kabilang sa binanggit ng Allah sa Qur-an na katangian ng mabubuti Niyang alipin ay;
{ لَا یَشۡهَدُونَ ٱلزُّورَ }
"Hindi nila sinasaksihan ang Zowr.." [Al Furqan: 72].

Ibigsabihin: Hindi sila pumupunta sa mga lugar na kung saan ay may nagaganap na "Zowr", ito ang lahat ng uri o anyo ng kasalanan, tulad ng pagsisinungaling, panlilibak, atbp.

Sinabi ng mga Ulama: "Kabilang dito ang pagpunta sa piyesta ng mga walang pananampalataya."

✍️ Dr. Muhd-ata Abdulkarim

28/09/2025

“Sinuman ang magpawala sa mananampalataya ng suliranin mula sa mga suliranin ng mundo ay papawalin ni Allah sa kanya ang suliranin mula sa mga suliranin sa Araw ng Muling Pagkabuhay. At sinuman ang magpaginhawa sa sinumang nahihirapan, ay papaginhawain siya ni Allah sa mundo at sa Huling Araw.” [Muslim]

07/09/2025

HATOL NG PAGSASANGLA SA MGA PAWNSHOP

👉 Isa sa talamak na haram na hindi namamalayan ng iba sa panahon ngayon ay ang pagsasangla sa mga pawnshop, dahil sa kawalan ng kaalaman sa hatol nito o talagang sinasadya.

● Ang katotohanan (reality) ng ginagawang pagsasangla sa isang Pawnshop ay UTANG/LOAN/DEBT, na kung saan isasangla o iiwan mo sa kanila ang bagay na pagmamay-ari mo (cellphones, golds at ibpa) pagkatapos ay uutangan o bibigyan ka nila ng pera subalit may interest na 5% or 10% (depende sa Panwshop).

- Ang mga Pawnshop ay nagkakaiba ng patakaran, ang iba ay sa mismong araw nila kukunin ang interest, ang iba naman ay kapag tutubusin muna ito.

👉 ANONG HATOL NITO?

Ang lahat ng uri ng utang na may patubo/interest na usapan, ito'y itinuturing na Riba, at ang Riba ay kabilang sa malalaking kasalanan.

At ang pautang na may patubo/interest ay napagkaisahan ng lahat ng mga Ulamâa (IJMA') na ito'y Haram/Riba mula sa nakaparaming batayan sa Qur'an at Hadith.

PAALALA:

● Ang pagpapa-utang sa iba ay kabilang sa napakagandang gawain sa Islam, at maaari kang kumuha ng bagay mula sa kanya (sangla) bilang garantiya subalit HUWAG MAGKAKAROON NG USAPAN NA KAPAG HINDI NABAYARAN SA NAKATAKDANG ORAS AY MADADAGDAGAN ANG UTANG.

- Sa nabanggit na halimbawa, pwede nyong mapagkasunduan na ang isinangla sa iyo ay iyong ibebenta kung hindi nya mabayaran sa nakatakdang oras, subalit ang kukunin mo lamang ay ang halaga na pinautang mo sa kanya at ibabalik mo sa kanya ang sobra sa halaga ng bagay.

● Pawnshop: Naging haram kasi dito ang pagsasangla sa kadahilanang may interest/patubo sa utang na kanilang ibinigay sa iyo, kaya ito'y maliwanag na Haram.

● Ang alam ko ay lahat ng uri ng Pawnshop sa Pinas ay ganito ang kanilang transaction, kasi nga ito ang business nila, jan sila kumikita.

👉 MAHALAGANG TANONG UKOL SA BAGAY NA ITO:

Tanong: Ustadh, paano kung isasangla ko sa Pawnshop ang aking cellphones o alahas na ang aking hangarin ay hindi ko na ito tutubusin na parang ibebenta ko na sakanila?

Sagot: Mas mainam na iwasan, dahil baka magbago din ang isip mo sa mga susunod na araw at maisip mo na ito'y tubusin, kaya wag mo ilagay ang sarili mo sa alanganin kasi masasadlak ka lamang sa Haram, kung talagang nais mong ibenta, iyong ibenta sa mga cellphones shops o mga kakilala na bumibili ng mga cellphones o ginto, at ito'y napakarami sa atin.

Ang kinita na nagmula sa haram na transaction tulad ng Riba, ay nagiging sanhi upang hindi katanggap-tanggap ang ating mga panalangin at pagSamba, gabayan nawa tayo ni Allâh.

📝 Sinulat at inipon ni Shiekh Abu Haneen Ibn Abdullah (Hafidhahullâh)

04/09/2025
23/08/2025

“Ang mga matutuwid (al-abrār) ay nag-uutos at nagpapaalala sa isa’t isa sa tatlong bagay:
ang pagpigil sa dila,
ang palagiang paghingi ng kapatawaran (istighfār),
at ang pagpili ng pag-iisa (paglayo sa walang kabuluhang pakikihalubilo).”

- Ang tatlong ito ay parang kalasag ng isang mananampalataya: bantayan ang dila, palaging humingi ng kapatawaran, at umiwas sa mga bagay na walang pakinabang. Sa ganitong paraan, mas magiging ligtas ang puso, gawa, at pananampalataya.

✍️ Abubassam Muhaymin

23/08/2025

Ipaubaya mo ang lahat sa Allâh

Sinabi ni Imam Ibn Al-Qayyim (kahabagan nawa siya ng Allâh: ❝Huwag mag-alala tungkol sa mundo, dahil ito ay pag-aari ng Allâh. At huwag mag-alala tungkol sa kabuhayan, dahil ito ay nagmumula sa Allâh. At huwag mag-alala tungkol sa hinaharap, sapagkat ito ay nasa mga kamay ng Allâh. Isang bagay lamang ang dapat mong alalahanin (o pagtuunan ng pansin) at iyon ay kung papaano ka kalulugdan ng Allâh, dahil kapag nakuha mo ang lugod ng Allâh saiyo kalulugdan ka Niya, at pakalugdan ka Niya (sa lahat ng mga nilalang), protektahan ka at Kanya ka Niyang pagyamanin.❞

قال الإمام ابن القيم رحمه الله : ❞ لا تحمل هم الدنيا فإنها لله ، ولا تحمل هم الرزق فإنه من الله ، ولا تحمل هم المستقبل فإنه بيد الله ، فقط إحمل هماً واحداً كيف ترضي اللّٰه ، لأنك لو أرضيت اللّه رضي عنك ، وأرضاك وكفاك وأغناك ❝

____________________
🔎 (FaceBook | X Instagram | YouTube | SnapChat | Google)

24/06/2025

ANO ANG MUNDONG ITO?

Inilarawan ito ni Propeta Muhammad ﷺ sa kanyang sinabi 1400 years na ang nagdaan:
ألا إن الدنيا ملعونة ملعون ما فيها، إلا ذكر الله وما والاه، وعالم أو متعلم.
"TUNAY NA ANG MUNDO AY ISINUMPA, ISINUMPA (RIN) ANG ANOMANG NILALAMAN NITO, MALIBAN SA PAG-ALAALA SA ALLAH (DHIKR), AT ANOMANG MINAMAHAL NIYA (ALLAH), AT ANG ʿALIM O MAG-AARAL (NG ISLAM)." [Inulat ni Termidhi at Ibnu Majah, tinahsin ito at tinaghrib ni Termidhi].

Address

Caraga Region
Mindanao
8501

Telephone

09777896373

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ebrahim Polinar Loquete posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category