23/06/2026
Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang pagpupulong ng LAURELIADO Klab na naglalayong maghalal ng mga bagong opisyal na magsisilbing katuwang sa pagpapatupad ng mga programa at gawain ng samahan. Sa pamamagitan ng maayos at demokratikong proseso, naipahayag ng bawat kasapi ang kanilang tiwala at suporta sa mga kandidatong handang maglingkod para sa ikabubuti ng organisasyon.
Bukod sa paghalal ng mga bagong lider, naging mahalagang bahagi rin ng pagpupulong ang pagkilala at mainit na pagtanggap sa mga bagong mag-aaral sa unang taon na kabilang sa mayoryang Filipino. Ang kanilang pagdalo ay nagsilbing hudyat ng panibagong yugto ng pakikibahagi at pakikipagkaisa sa mga adhikain ng LAURELIADO Klab.
Nawaβy magsilbing inspirasyon ang araw na ito upang higit pang mapatatag ang samahan, mapaunlad ang kakayahan ng bawat kasapi, at mapanatili ang diwa ng pagkakaisa, paglilingkod, at pagmamahal sa wikang Filipino. Binabati namin ang mga nahalal na opisyal at malugod naming tinatanggap ang mga bagong kasapi sa ating organisasyon.
President: Mike Rachele Escote
Vice President: Jiah Lubrino
Kalihim:Rose Marie Maque Cantallpez
Treasurer: Jelly Lumogdang
Assistant treasurer: Janine Singco
Auditor: Chris John Cindo
Documentary:Johaira Madi Sulayman
: Yahya Angkad
Business Manager: Deding Abusama
:Junny Arocha
FIRST REPRESENTATIVE:
Second Year-Charish Dela Torre
First Year-Apple Tuya De Castillo
Third Year-Deding Abusama
Fourth Year-Karen Joy C. Olana