28/08/2024
"Pagdiriwang ng BUWAN NG WIKA 2024"
Bago ang pagsisimula ng mga patimpalak sa unang araw ng pagdiriwang noong Agosto 27, 2024, abala ang mga g**o sa Filipino, kasama ang mga opisyales sa FILIPINO CLUB, sa paghahanda ng mga kakailanganing materyales para sa mga aktibidades. Nagsimula ang mga patimpalak sa oras na 1:00 hanggang 4:00 ng hapon. Ang mga paligsahan sa paggawa ng islogan at poster ay ginanap sa Science Laboratory ng Ilink College of Science and Technology, Inc. Samantala, mula 2:00 hanggang 4:00 ng hapon, itinakda ang Tagisan ng Talino na idinaos sa High School Library sa nasabing paaralan. Matapos ang paligsahan, ipinahayag ni Bb. Ana Rose S. Degiñon, LPT, Koordinaytor at g**o sa Filipino, ang mga resulta ng Tagisan ng Talino. Sa parehong oras, natapos din ng mga kalahok ang kanilang mga likha para sa islogan at poster. Ang mga patimpalak sa unang araw ng pagdiriwang noong Agosto 27, 2024, ay matagumpay na naisakatuparan.
Para naman sa ikalawang araw ng pagdiriwang noong Agosto 28, 2024, mula pa lamang sa umaga ay abala na ang mga g**o sa Filipino at mga opisyales sa Filipino sa paghahanda ng mga kagamitan at kakailanganin para sa ilulunsad na programa sa hapon. Nagsimula ang programa sa itinakdang oras na 1:40 ng hapon sa lobby ng Ilink College of Science and Technology, Inc. Dumalo ang mga kalahok, mga g**o, mga hurado, ang VPAA, at ang Punong-g**o na si Susan R. Vicente, MAed. Ang mga tagapagdaloy ng programa ay sina Bb. Renjoy Batomalaque, katuwang sa tagapag-ugnay at tagapayo sa baitang 7/ g**o sa Filipino, kasama si Cedric Conjugacion, isang mag-aaral sa baitang 11.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang panalangin na pinangunahan ni Bb. Aievelyn B. Dela Cerna, Pangulo ng Filipino Club, kasunod ang pag-awit ng Pambansang Awit @ Ilink Hymn ni Bb. Kyla C. Antonio, Bise Presidente ng Filipino Club. Ang pambungad na pananalita ay ibinigay ni Punong-g**o Susan R. Vicente, MAed, kung saan binigyang-diin niya ang tema ng pagdiriwang, "Filipino: Wikang Mapagpalaya." Sinundan ito ni Gng. Alma Silvano, katuwang ng tagapag-ugnay ng Filipino Club at tagapayo sa baitang 11, sa pagpapaliwanag ng kahulugan ng tema ngayong taon 2024. Ipinakilala naman ni Bb. Ana Rose S. Degiñon, LPT, tagapag-ugnay sa Filipino ang pamantayan ng mga patimpalak at ang mga hurado na huhusga sa bawat isa. Ang mga patimpalak na isinagawa ay ang paggawa ng islogan at poster, spoken word poetry, harana, at makabagong tugtog sa makalumang tunog.
Nagsimula ang patimpalak sa spoken word poetry, na nilahukan ng mga mag-aaral mula baitang 7 hanggang 12. Ang unang kalahok ay si Nizza Grace Mana-ay mula sa baitang 7 seksyon Roldan na may pamagat na "Wikang Filipino: Alab ng ating Diwa." Sinundan siya ni Shine Garcia mula sa baitang 8 seksyon Layug, at ni Hazel Keith Caña mula sa baitang 9 seksyon Degiñon, na may pamagat na "A-BA-KA-DA, Dahil tayo'y Malaya na." Sumunod ay sina Rae Anne Hilario mula sa baitang 10 seksyon Arandilla, Ginoong Rey Laurence Besana mula sa baitang 11, at Bb. Charis S. Deguinon mula sa baitang 12 seksyon Anggao. Matapos ang patimpalak sa spoken word poetry, nagbigay ng espesyal na mensahe si Dr. Rose P. Maghari, VPAA. Sinundan ito ng isang pampasiglang pagtatanghal ni Ginoong Abdul Rauf Ali mula sa baitang 12 seksyon Abdullah.
Sumunod ang ikalawang patimpalak na "Harana," na nilahukan ng iba't ibang mga pangkat mula sa baitang 11. Ang mga kalahok ay mula sa STEM strand seksyon Silvano, ABM strand seksyon Lebrero, HUMSS strand seksyon Cedeño, seksyon Martinez, at seksyon Fabila. Pagkatapos ng Harana, itinanghal ang mga napiling Lakan at Lakambini ng Buwan ng Wika 2024, kung saan limang lalaki at limang babae ang pinili.
Ang huling patimpalak ay ang "Makabagong Tugtog sa Makalumang Tunog," na nilahukan ng mga seksyon mula sa baitang 12. Ang mga kalahok ay mula sa STEM strand seksyon Macalib-ug, ABM strand seksyon Perocho, TVL-AS strand seksyon Dequito, HUMSS strand seksyon Abdullah, at HUMSS strand seksyon Anggao.
Pagkatapos ng mga paligsahan, ipinakilala ng mga tagapagdaloy ang mga opisyales ng Filipino Club kalakip ang mga tagapag-ugnay sa Filipino. Isinunod ang paggawad ng mga tropeyo at sertipiko sa mga hurado, tagapagdaloy, at mga nagwagi sa iba't ibang patimpalak. Pinangunahan ni Dr. Rose P. Maghari, VPAA, at ni Gng. Susan R. Vicente, MAed, Punong-g**o ng HS Department, ang pagpapakaloob ng mga nanalo mula sa islogan, poster, tagisan ng talino, spoken word poetry, harana, Lakan at Lakambini 2024, at makabagong tugtog sa makalumang tunog.
Bilang pangwakas, nagbigay ng pananalita si Bb. Ana Rose S. Degiñon, LPT, na nagsilbing tagapag-ugnay ng Filipino at tagapayo sa baitang 9, at isinara ni Bb. RENJOY BATOMALAQUE, LPT ang programa para sa Buwan ng Wika 2024 na may temang "Filipino: Wikang Mapagpalaya."
"MABUHAY ANG WIKANG FILIPINO, MALAYA TAYO!👏👏🫰💕
💕💕🎉👏