01/08/2026
🇵🇭
𝙈𝙖𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙖𝙣𝙜 𝙒𝙞𝙠𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙢𝙗𝙖𝙣𝙨𝙖! 𝙈𝙖𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙚𝙧𝙡𝙖𝙨 𝙣𝙜 𝙎𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣𝙖𝙣!
Sa bawat kulay, sa bawat kasuotan, at sa bawat mukha ng ating kultura, iisang katotohanan ang namamayani.
Ngayong Buwan ng Wikang Pambansa, tangan natin ang temang “𝙒𝙞𝙠𝙖𝙣𝙜 𝙁𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙤 𝙖𝙩 𝘼𝙄: 𝙆𝙖𝙨𝙖𝙣𝙜𝙠𝙖𝙥𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙣𝙖𝙣𝙖𝙡𝙞𝙠𝙨𝙞𝙠 𝙖𝙩 𝙏𝙪𝙡𝙖𝙮 𝙨𝙖 𝙔𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙄𝙢𝙥𝙤𝙧𝙢𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣.” Isang paalala na sa gitna ng pag unlad ng teknolohiya, nananatiling mahalaga ang ating wika bilang daluyan ng kaalaman at pagkakakilanlan.
Hindi lamang natin ipinagdiriwang ang mga salitang ating ginagamit, ipinagdiriwang din natin ang kasaysayan, identidad, at pagkakaisa na kaakibat nito. Mula sa mga akda ni Rizal hanggang sa mga tinig ng iba’t ibang katutubong pamayanan, ang ating wika ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa ating pinagmulan at kasalukuyan.
Sa patuloy na pag usad ng panahon, mabilis ang pagbabago ng mundo. Ngunit, nananatiling matatag ang Wikang Filipino bilang puso ng komunikasyon ng bawat Pilipino. Ito ang wikang hindi lamang nauunawaan, kundi tunay na nararamdaman.
Ipagdiwang natin ang ating wika hindi lamang sa isang buwan— araw-araw natin itong gamitin, pagyamanin, at ipagmalaki.
Buhay ang wika, dahil buhay ang Inang Bayan!
Publikasyong Biswal: Avrille Guevarra
Isinulat ni: Samantha Luague