09/12/2024
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐โ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ โ๐๐๐๐๐๐๐โ ๐๐ โ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐"
Kabilang sa State Colleges and University Athletics Association o mas kilalang SCUAA ang Philippine Normal University. Nasa labing siyam (19) na isports ang kalahok sa patimpalak na ito. Ngayong ika-34 na taon nito, kapansin-pansin ang samu't saring reaksyon at kritisismo mula sa social media ang natanggap ng isang grupo dahil sa kinalabasan ng kanilang laro. Nagdulot ito ng pagkadismaya at pagkababa ng moral mula sa grupo na sangkot sa issue pati na rin sa ibang mga atleta. Hindi nila inaasahan na ganito ang mangyayari sa kabila ng kanilang pag tindig sa ating unibersidad.
Ayon sa datos na nakalap ng nakaraang konseho, karamihan sa mga guro-atleta at artista ay nakakaranas ng kakulangan sa pinansyal na suporta, maayos na pasilidad, at mental health services, habang ang iba ay nararamdaman ang hindi pantay na pagtrato at limitado ang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa Pamantasan. Karamihan din sa kanila ang naniniwala na kailangang pagbutihin ng Pamantasan ang suporta nito upang masigurong ang lahat ng mag-aaral ay may pantay na pagkakataong umunlad sa kanilang larangan.
Lubos na nakakalungkot na ganito ang naging reaksyon ng mga kamag-aral, alumni, at ibang mga tao sa kabila ng ganitong danas ng ating mga atleta. Naglipana ang pangungutsa, mga hindi magagandang pananalita, at kritisismo. Nawaโy ating maunawaan na hindi madali ang pagiging atleta. Tunay na mahirap pagsabayin at balansehin ang pag-aaral at paglalaro. Napakaraming pagkakataon ang kanilang sinakripisyo para sa pag-eensayo at paggawa ng gawaing pang-akademiko. Sa kabila ng pagmamahal ng mga atleta sa kanilang larangan, nakakalungkot na ganito ang kanilang natanggap mula sa madla.
Ang Student Performers and Athletesโ Guild ay madiin na kinokondena ang mga ganitong gawain sa loob ng ating unibersidad. Walang espayo ang โmockeryโ at โcyberbullyingโ sa ating komunidad. Walang anumang uri ng diskriminasyon at pangungutsa ang matamasa ng mga atleta pati na rin ang bawat isa. Bagkus, dapat natin silang bigyang halaga at respeto dahil hindi lang sila basta atleta, sila rin ay kapwa natin estudyante.
Para sa mga kapwa guro-atleta, mataas na pagpupugay sa patuloy na paglaban para sa ating Inang Pamantasan. Ang dedikasyon at ang pagmamahal ninyo sa inyong mga larangan ay hindi mapapantayan ng kahit ano man. Kami ay tumitindig para sa inyo at patuloy kayong susuportahan.
Sa kabila ng lahat, nananawagan ang Student Performers and Athletesโ Guild na patuloy nating suportahan ang lahat ng mga guro-atleta. Bigyan sila ng respeto at dignidad at hindi biro ang kanilang danas upang itaguyod ang kanilang mga larangan. Patuloy silang lumalaban para sa kanilang mga sarili, sa minamahal nilang larangan, at para kay Inang Pamantasan. Walang salita ang maihahambing sa natatanging dedikasyon, kasipagan, at kahusayang kanilang binubuhos para rito. Natatangi at kakaiba ang mga puso ng ating mga atleta.
Maraming salamat sa patuloy na paglaban at pag representa ng ating Inang Pamantasan! Padayon at laban lang, Torchbearers!
Datos na nakalap ng dating pamunuang konseho taong 2023-2024 sa ilalim ng komiteng EDRC:
https://drive.google.com/drive/folders/1ptFX-YeBeqDi99Jg3uhrnGXQNz3ZpsxN?usp=sharing