18/06/2026
Isinagawa ang ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐๐ซ๐ญ๐๐ซ ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฐ๐ข๐๐ ๐๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐๐ง๐๐จ๐ฎ๐ฌ ๐๐๐ซ๐ญ๐ก๐ช๐ฎ๐๐ค๐ ๐๐ซ๐ข๐ฅ๐ฅ (๐๐๐๐) sa pangunguna ng ating butihing Mayor, Ninong Erwin Pastrana, at ng pinuno ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Mauban, Roberto C. Gapasangara Jr., bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kahandaan ng ating bayan laban sa mga sakunang dulot ng lindol.
Ang naturang aktibidad ay isinagawa sa Mauban North Elementary School II sa pamumuno ni Principal I Mildred S. Villamayor at ni Administrative Officer II Kenneth T. Caliwanagan, upang higit na maihanda ang mga mag-aaral at kawani ng paaralan sa tamang pagtugon sakaling magkaroon ng malakas na lindol.
Katuwang ng MDRRMO Mauban sa pagsasagawa ng drill ang Bureau of Fire Protection (BFP) Mauban at ang PNP Maritime Group, na nagbigay ng mahahalagang kaalaman at gabay ukol sa wastong paghahanda at mga hakbang na dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng isang lindol.
Sa pamamagitan ng sama-samang pakikilahok at kahandaan, mas napapalakas natin ang kaligtasan at katatagan ng ating komunidad laban sa anumang sakuna.