01/06/2026
BRIGADA ESKWELA 2026 KICK-OFF โจ
Ngayong araw, Hunyo 1, 2026, matagumpay na isinagawa ang Brigada Eskwela 2026 Kick-Off Program sa Mauban South Central Elementary School II sa ganap na ika-8:00 ng umaga.
Sa temang โBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman,โ muling pinatunayan ng ating mga g**o, magulang, mag-aaral, alumni, at mga katuwang sa komunidad ang diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan para sa mas ligtas, malinis, at handang paaralan para sa darating na taong panuruan.
Inaanyayahan natin ang lahat na makiisa sa mga gawain ng Brigada Eskwela mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 5, 2026. Ang bawat oras, kagamitan, at tulong na inyong maibabahagi ay malaking ambag sa paghahanda ng ating paaralan para sa kapakanan at tagumpay ng ating mga mag-aaral.
Taos pusong pagpapasalamat po mula sa lahat ng pamunuan ng MSCESII ๐
DPWH under Engr. Ariel Manuba
SELG officers
Parents and pupils