Deped Tayo B. Aguilon E/S

Deped Tayo B. Aguilon E/S all about education concern of aguilonians

Family Reading Night Entries📖📒Kindergarten - Red
30/11/2025

Family Reading Night Entries📖📒
Kindergarten - Red

SB Motoderazo
22/11/2025

SB Motoderazo

Pagbati sa aming mga young journalist na nakipagtunggali sa Division Schools Press Conference (DSPC) 🎉🏅Julia D. Moster  ...
22/11/2025

Pagbati sa aming mga young journalist na nakipagtunggali sa Division Schools Press Conference (DSPC) 🎉
🏅Julia D. Moster
Column Writer
🏅Christine Joyce M. De Alba
Editorial Cartoonist

Ang mabigyan ng pagkakataon na mapabilang sa DSPC qualifiers ay isang malaking karangalan para sa ating paaralan.
Nakita ng lahat ang inyong dedikasyon at pagsisikap na makasungkit ng medalya.
Ipinagmamalaki namin kayo! 🎉🥳

Maraming salamat po sa mga g**o, magulang at sa pang-ulong g**o, Madam Imelda Veluz sa inyong pag-alalay, buong suporta at tiwala sa mga young journalist. 🤗💖
Higit din ang pasasalamat na aming ipinaaabot sa pamunuan ng barangay Motoderazo sa pangunguna ni Kapitana Rhubylen B. Moreno, sa kanyang buong pagtitiwala, suporta at tulong na ipinagkaloob sa mga mag-aaral na nabanggit. Pagpapala po sa inyong lahat!

17/11/2025

I got over 50 reactions on my posts last week! Thanks everyone for your support! 🎉

Pagbati sa mga batang nag-uwi ng karangalan sa B. Aguilon ES 🎉🥳 🥇JULIA D. MOSTER1st Place -Column Writing English Catego...
12/11/2025

Pagbati sa mga batang nag-uwi ng karangalan sa B. Aguilon ES 🎉🥳

🥇JULIA D. MOSTER
1st Place -Column Writing
English Category

🥈CHRISTINE JOYCE DE ALBA
2nd Place- Editorial Cartooning
English Category

Pagbati rin sa sumusunod na mga batang nakilahok at buong kakayahang nagpakita ng galing sa kanikanilang laban;

🏅ZYRIEL YURIE S. PARIÑO
🏅ANGELA JADE CIELO
🏅ZHELXIE LIYAG
🏅JOHN VINCENT JULIANO
🏅RAFAELA AGUILON
🏅TRIXIA YESHA GARCIA
🏅Katherine Parame
🏅Kissha Candava
🏅Remkha Gabrielle Aguho
🏅Lhorenz Larr Nazareno

Ang papuri ay sa Diyos!
Maraming salamat po sa lahat ng taong nasa likod ng tagumpay na ito.
Taos-pusong pasasalamat po sa mga magulang, g**o at pang-ulong g**o, Madam Imelda Veluz.
Ating ipagpatuloy ang nasimulan!

🏆🥇

Happy follow-versary to my awesome followers. Thanks for all of your support! Karla Mia Solis
02/10/2025

Happy follow-versary to my awesome followers. Thanks for all of your support! Karla Mia Solis

ARAL PROGRAM KICK-OFF, ISINAGAWA SA B. AGUILON ELEMENTARY SCHOOLMasigla at puno ng pag-asa ang naging kick-off ng ARAL (...
15/09/2025

ARAL PROGRAM KICK-OFF, ISINAGAWA SA B. AGUILON ELEMENTARY SCHOOL

Masigla at puno ng pag-asa ang naging kick-off ng ARAL (Academic Recovery and Accessible Learning) Program sa B. Aguilon Elementary School nitong Lunes ng umaga.

Layunin ng programa na tulungan ang mga mag-aaral na mas mapaunlad ang kanilang pagbabasa, pagsusulat, at iba pang kasanayang pampagkatuto. Pinangunahan ng pang-ulong g**o at mga g**o ang pagbubukas ng programa.

Ayon sa pamunuan ng paaralan, ang ARAL Program ay magsisilbing dagdag-gabay para matulungan ang mga mag-aaral na makahabol sa mga aralin at mas maging handa sa susunod na baitang. Buong komunidad ay umaasang magiging daan ito upang mas mapaunlad ang kalidad ng edukasyon at maitawid ang bawat mag-aaral tungo sa mas maliwanag na kinabukasan. 🎉📚

PASASALAMAT AT MALUGOD NA PAGTANGGAPIsang taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ng buong pamunuan at pamilya ng B. Aguil...
15/09/2025

PASASALAMAT AT MALUGOD NA PAGTANGGAP

Isang taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ng buong pamunuan at pamilya ng B. Aguilon Elementary School kay Madam Sherryl Grace Tolentino sa kanyang mahusay at walang sawang paglilingkod para sa paaralan.

Kasabay nito, buong kagalakang tinanggap ang bagong Administrative Officer, Sir Mark Jeffrey Cueto. Malugod ang pagtanggap at tiwala na ipagpapatuloy at lalo pang pauunlarin ni Sir Jeff ang mga nasimulan ni Madam Sherryl para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral at paaralan.

Muli, maraming salamat po, Madam Sherryl Grace Tolentino, at isang mainit na pagbati ng maligayang pagdating, Sir Mark Jeffrey Cueto! 🎉📚💙

Malugod naming ipinagmamalaki ang husay at sipag ng ating mga manlalaro na nagdala ng karangalan sa ating paaralan sa na...
14/09/2025

Malugod naming ipinagmamalaki ang husay at sipag ng ating mga manlalaro na nagdala ng karangalan sa ating paaralan sa nagdaang District Meet 2025:

♟️ Chess

Zyriel Yurie Parino – Rank 4

Ranz Vincent Tubiera – Rank 7

Katherine Param – Rank 18

Zander Montero – Rank 30
👏 Coach: Maribel Arizapa

🏸 Badminton

Gabrielle Aguho
Zhelxie Liyag
Zhel Andrea Rogelio
Aljor Dulom
Lhorenz Larr Nazareno
Prince Kian Manibo
👏 Coaches: Lea Jane Enriquez
Marejane Driz

🏐 Volleyball

Hendrix Patulot
Lebron James Reyes
Asher John Manalo
Vincent Oliverio
Francis Ocampo
Jay-de Manibo
B-Jhey Albia
Ian Rey Larga
Prince Kian Manibo

Kissha Candava
Christine De Alba
Trixia Garcia
Angela Jade Montero
Aila Jean Manibo
Kendra Denise Monreal
Rafaela Aguilon
Lynses Ann Patulot

👏 Coach: Allessa Delos Reyes
Assistant Coaches: Luzviminda Manalo
Mary Jane Rabi

Ang inyong dedikasyon, disiplina, at galing ay tunay na inspirasyon sa buong komunidad ng ating paaralan. Salamat sa pagpapakita ng magandang halimbawa ng sportsmanship at sa pagbibigay dangal sa ating paaralan.

Lubos din ang pasasalamat na ipinaaabot dahil sa buong tiwala at suporta ng ating butihing school head, Madam Imelda Veluz.

Kissha Candava at Jacob Bacay, Matagumpay na Nakilahok sa Mr. and Ms. Values 2025 Isang mainit na pagbati at papuri kina...
02/09/2025

Kissha Candava at Jacob Bacay, Matagumpay na Nakilahok sa Mr. and Ms. Values 2025

Isang mainit na pagbati at papuri kina Kissha Candava at Jacob Bacay sa kanilang matagumpay na pakikilahok sa katatapos lamang na Mr. and Ms. Values 2025!

Ipinamalas nina Kissha at Jacob ang tunay na diwa ng kagandahang-asal, katalinuhan, at pagiging huwaran ng kabataan. Sa entablado ng patimpalak, hindi lamang nila dala ang kanilang ganda’t tindig, kundi pati na rin ang malalim na pagpapahalaga sa mabuting-asal, respeto at integridad --mga katangiang tunay na dapat tularan.

Bagamat ang kompetisyon ay isang araw lamang na kaganapan, ang iniwan ninyong inspirasyon at dangal sa ating paaralan ay pangmatagalan. Ipinagmamalaki namin kayo, at nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa iba pang mag-aaral na ipagmalaki ang kanilang mga pinaniniwalaan at pagpapahalaga.

Mabuhay kayo, Kissha at Jacob!
Salamat sa inyong dedikasyon at karangalang ibinahagi.
Tunay na kayo ay huwarang kabataan ng bagong henerasyon!

Address

Motoderazo
Matandang Naujan
5204

Telephone

+639654066996

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Deped Tayo B. Aguilon E/S posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Deped Tayo B. Aguilon E/S:

Share