Project 1UP

Project 1UP

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Project 1UP, Mariveles.

Project 1UP promotes family literacy in the community, develop relevant resources to support family literacy initiatives, and provide training for families to become literacy providers in their community.

20/07/2021

YEAR 1 GRAND RAFFLE

Task 7: Hikayatin ang Pisikal na Aktibidad at Ehersisyo (July 19-23, 2021)

Sa pahina 8 hanggang 9 ng PURSIGE, hikayatin ang ating mga anak na isagawa ang mga mungkahing gawaing bahay na may kalakip na ehersisyo. Kuhanan ng larawan ang ating mga anak habang isinasagawa ang mga nasabing gawain.

Tandaan: Matapos gawin ang TASK 7 ay icomment sa post na ito ang picture ng output. Sa July 23 lamang maaaring magcomment.

Maraming salamat!

29/06/2021

YEAR 1 GRAND RAFFLE

Task 6: Magtatag ng mga Oras Para sa Pagtahimik o Pagmuni-muni (June 28- July 02, 2021)

Sa pahina 7 ng PURSIGE, subukin natin kung ang iyong tahanan ay Reader Friendly. Sagutin lamang ang mga sumusunod na tanong:

1. Nakikita ba ng iyong mga anak ang mga matatanda o nakatatandang kapatid na nagbabasa (at pinag-uusapan ang binasa) nang hindi bababa sa tatlong beses sa isang linggo?

2. Napatay mo ba ang TV at pinapalitan ang oras ng pagbabasa?

3. Maaari mo bang pangalanan ang isang libro o kwentong binasa ng iyong anak sa linggong ito sa bahay?

Tandaan: Matapos gawin ang TASK 6 ay icomment sa post na ito ang picture ng output. Sa July 02 lamang maaaring magcomment.

Maraming salamat!

22/06/2021

YEAR 1 GRAND RAFFLE

Task 5: Simulan at Tapusin ang Araw sa Pamamagitan ng Pagsubaybay (June 21-25, 2021)

Sa pahina 6 ng PURSIGE, itanong sa mga mag-aaral ang mga nakatalang gabay sa pangungumusta. Hayaan silang isulat ang mga sagot sa isang papel at kuhanan ito ng larawan.

Tandaan: Matapos gawin ang TASK 5 ay icomment sa post na ito ang picture ng output. Sa June 25 lamang maaaring magcomment.

Maraming salamat!

15/06/2021

YEAR 1 GRAND RAFFLE

Task 4: Tulungan ang Mag-aaral sa “Pagmamay-ari” ng Kanyang Pagkatuto (June 14-18, 2021)

Sa pahina 5 ng PURSIGE, itala ang mga pagkakataon na humihingi ng tulong ang mag-aaral mula sa tagapagdaloy ng karunungan (learning facilitator) sa mga aralin ngayong linggong ito.

Tandaan: Matapos gawin ang TASK 4 ay icomment sa post na ito ang picture ng output. Sa June 18 lamang maaaring magcomment.

Maraming salamat!

07/06/2021

YEAR 1 GRAND RAFFLE

Task 3: Manatiling Nakikipag-ugnayan sa G**o (June 07-11, 2021)

Sa pahina 4 ng PURSIGE, naipaliwanag ang wastong pakikipag-ugnayan sa g**o gaya ng sumusunod:

1. Magpakilala sa pamamagitan ng pagsasabi ng iyong pangalan, kung taga saan, at relasyon sa mag-aaral.

2. Sabihin o ipaliwanag ang pakay sa g**o.

3. Gumamit ng magagalang at angkop na mga salita.

4. Tiyakin na magpasalamat matapos masagot ang iyong tanong, kahilingin, o ano mang paglilinaw.

Icomment sa post na ito ang isang screen shot ng isa sa inyong mga pag-uusap na nakasunod sa mga pamantayan.

Tandaan: Matapos gawin ang TASK 3 ay icomment sa post na ito ang nasabing picture. Sa June 11 lamang maaaring magcomment.

Maraming salamat!

31/05/2021

YEAR 1 GRAND RAFFLE

Task 2: Pumili ng isang Magandang Lugar Upang Matuto (May 31- June 04, 2021)

Sa pahina 3 ng PURSIGE, siyasatin mo kung may maayos na lugar ng pag-aaral ang iyong ginagabayan sa modular distance learning. Lagyan ng tsek (/) ang kahon na nakasusunod sa pamantayan

Tandaan: Matapos gawin ang TASK 2 ay kuhanan ng picture at icomment sa post na ito ang nasabing picture. Sa June 4 lamang maaaring magcomment.

Maraming salamat!

25/05/2021

YEAR 1 GRAND RAFFLE

Task 1: Itakda ang mga Gawain na Inaasahang Matapos (May 24- 28, 2021)

Sa pahina 2 ng PURSIGE, bumuo ng schedule ng iyong karaniwang pansariling mga gawain sa buong linggo. Tiyakin na maisasama ang oras ng paggabay sa pag-aaral ng mag-aaral.

Tandaan: Matapos gawin ang TASK 1 ay kuhanan ng picture at icomment sa post na ito ang nasabing picture. Sa May 28 lamang maaaring magcomment.

Maraming salamat!

24/05/2021

Congratulations sa ating SESSION WINNER!!!

Ikaw? Gusto mo rin bang MANALO?

Sundin lamang ang mga steps na ito:
1. iLIKE at iFOLLOW ang official fb page na https://www.facebook.com/projectoneup

2. magREGISTER sa https://forms.gle/uPKKopwcJxbuaRKr8

3. icomment ang buo mong pangalan at ilagay ang hashtag na

4. sagutan ang evaluation matapos ang live session sa link na https://forms.gle/oELJW4qgp28ytnLS6

5. manalo ng e-load linggo-linggo at isang GRAND PRIZE sa pagtatapos ng program implementation

21/05/2021

Abangan ang Year 1 Grand Raffle! Manalo ng CASH PRIZE!!!

Photos from Project 1UP's post 22/04/2021

Isang matagumpay na pagpapadaloy ng karunungan kasama ang ating session facilitator Sr. Clariza B. Moren, MPS ukol sa paksang “Pagtatatag ng Quiet Time at Pagmumuni sa Tahanan”. Kita- kita tayo hanggang sa susunod na live session. Abangan din ang ating WINNER para sa ika-apat na session.

Want your school to be the top-listed School/college in Mariveles?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address

Mariveles