31/01/2026
๐ข๐ฃ๐๐ก๐๐ข๐ก ๐ ๐ฆ๐๐๐ก ๐๐๐ ๐ ๐๐จ๐๐จ๐๐๐ฅ?
๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐: ๐จ๐๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐
๐, ๐ช๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐
๐ซ๐๐๐๐๐๐ ๐๐: ๐จ๐๐๐๐ ๐น๐๐๐๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐๐, ๐ฌ๐
๐๐๐๐-๐ฐ๐-๐ช๐๐๐๐
Nagsisimula na naman ang panibagong semestre. Para sa iba, pagkakataon ito para makasama ang mga kaibigan, ngunit para sa nakararami, ito ay hudyat ng panibagong bugso ng stress mula sa nagkakapatong-patong na requirements at mga gawaing pang-akademiko. Iba-iba man ang ating nararamdaman, iisa lang ang katotohanan: hindi madaling maging estudyante lalo na sa panahon ngayon.
Bilang mga mag-aaral, pasan-pasan namin araw-araw ang pressure na maging mahusay sa harap ng mataas na ekspektasyon ng aming mga magulang, g**o at ng lipunan. Madalas, nakakalimutan ng marami na kami ay tao rinโnapapagod, nalilito, at may mga sandaling gusto na ring sumuko.
Ilan lamang ito sa mga boses na sumasalamin sa aming pinagdadaanan:
โExcited sa OJT, pero sa pila, hindi!โ โ 3rd Year, BIT
โAng daming kailangang ipasa, iba-iba ang mga proseso. Ano ba talaga?โ โ 3rd Year, ENTREP
โKakayanin pa kaya ng oras ko?โ โ 3rd Year, BTVTED
Taun-taon na lang, iisa ang naririnig na hinaing. Tila naging isang tradisyong hindi matapos-tapos ang kalbaryo ng bawat estudyante tuwing sasapit ang panahon ng OJT. Ang masaklap, madalas itong ituring na "bahagi lang ng pag-aaral," ngunit sa mga nakararanas, hindi ito biro.
Pagdating sa OJT, hindi lang ito basta listahan ng mga kailangang ipasa o mga pirma sa papel. Kalakip nito ang bawat pisong pinaghihirapang kitain ng aming mga magulang at ang bawat pawis ng mga working students para lang sa pamasahe. Ito ay mga oras na ninanakaw mula sa dapat ay oras ng pahinga, at lakas ng katawan na unti-unting nauubos para lang makasabay sa tila walang katapusang daloy ng proseso.
Nakapanlulumo ang malito sa mga panuntunang hindi magkakasundo, kung saan ang bawat galaw ay tila mali. Ang paulit-ulit na pag-print ng dokumento dahil sa maliliit na pagkakamali ay hindi lamang gastos sa bulsaโisa itong patunay na tila walang puwang ang pang-unawa para sa mga nagsisimula pa lamang matuto. Kailan ba hihinto ang paulit-ulit na siklong ito?
โGinto pa man din ang print. Diyos ko!โ โ 3rd Year, ENTREP
โWala talaga Silang maayos na process tapos lagi Silang pabago bagoโ โ 3rd Year, ENTREP
โHAHAHHAHAHHAA, RAMING REQUIREMENTS๐ญโ โ 3rd year, ENTREP
โThen nakakalito na rin about sa mga announcement, hindi na namin alam kung ano ba dapat unahin. then hindi na rin namin alam kung kanino mag papapirma kasi paiba-iba ng announcement.โ โ3rd Year, BIT
Saan ba kami lulugar?
Kailangan na lang ba kaming palaging mag-adjust sa mga kalakarang tila hindi isinasaalang-alang ang aming kapakanan? May mga estudyanteng sabay na nag-aaral at nagtatrabaho, pilit na pinagkakasya ang sarili sa dalawang mundo para lang maabot ang kanilang pangarap. Sa kabila ng pagod na ito, tila laging kulang ang konsiderasyon at pang-unawang ibinibigay sa amin.
Hindi namin hinihingi ang isang madaling daan. Ang hinihiling lang namin ay kaunting pag-unawa sa gitna ng magulong proseso.
Estudyante lang din kami. May mga pangarap kaming gustong abutin, may mga limitasyong dapat igalang, at higit sa lahat, may boses na nararapat pakinggan.
Kailan natin gagawing tulay ang komunikasyon sa halip na pader? Hindi baโt mas mapapadali ang lahat kung ang bawat hakbang ay may linaw at ang bawat boses ay may puwang?