02/04/2026
Nagpapasalamat kami sa patuloy na suporta ng ating pamahalaang lungsod ng Marikina at sa pagdalo sa katatapos lang na graduation ceremony ng KMES sa pamumuno ng ating mahal na Mayora Maan Teodoro kasama ang mga masisipag na konsehal katulad nila Councilor Angel Nuñez , Councilor Elvis Tolentino ,Konsi Jared Feliciano at iba pang kasamahan..Salamat sa paghahandog ng surpresang regalo na HP laptop at tablets sa tatlong natatanging mag-aaral na nagsipagtapos. Salamat din po sa pagbibigay ng pagkakataon na maidaos ito sa isang komportbale, malamig at magandang lugar ng Marikina Convention Center, sa free snacks sa mga graduates and parents, sa libreng toga at toga pictures.. 🙇
Ganun din naman, umaapaw rin ang aming pasasalamat sa ama ng Distrito 2 na si Congressman Cong. Miro Quimbo sa pagdalo kasama si Konsi Zigfred Ancheta at pagbibigay ng inspirasyon sa lahat ng graduates at sa pagbibigay ng Marikina Youth Leadership Award plus P10,000 sa natatanging nagtapos na my mataas na karangalan at leadership award. Salamat din po sa inyong service vehicle na umalalay sa pagdadala sa mga graduates and parents mula sa KMES papuntang MCC.🙇
Salamat din po sa patuloy na suporta sa aming paaralan Kapitan Greg Punzalan at masisipag na kagawad Alcala Dante, Kgwd. Ana Montoya, Kgwd. Sandy, Kgwd. Edwin and Let Adigue.
Salamat din po sa MLhuiller sa pagbibigay ng award at insurance sa mga natatanging mag-aaral.
Ang inyong presensya ay nagpapakita ng inyong pagmamahal at pagpaparamdam sa aming paaralang KMES na kami ay inyong inaalagaan at minamahal bilang parte ng komunidad at ng lungsod.
Masarap makita na hindi nyo hangad ang kasikakatan at pulitika kundi ang mapagsilbihan at magbigay ng kasiyahan sa inyong mga nasasakupan. Maraming salamat na kayo ay lagi naming nalalapitan sa twing may kailangan ang aming paaralan. Ibalik po sa inyo ng ating Ama ang pagpapala at kalakasan.🙏