PLMar SHS- HUMSS Department

PLMar SHS- HUMSS Department

Share

The official page of Humanities and Social Sciences Department of PLMar Senior High School

Photos from PLMar SHS- HUMSS Department's post 22/04/2026

HUMSS Student Council Batch 2025–2026, now signing off. 💙🤟🏻

As this school year comes to a close, so does a chapter of service that has shaped us in more ways than we ever imagined.

Serving you has never been just a duty—it has been a privilege and an honor we will forever be grateful for. And though our term may have ended, the impact of this journey will remain with us wherever we go.

Padayon, Humanistas! 📣

🤟🏻

Pubmat by: Czyrie Lastrilla | HUMSS Student Council P.I.O.
Caption by: Gabriel Lana | HUMSS Student Council President

Photos from Marikina PIO's post 21/04/2026

𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 | 𝗣𝗟𝗠𝗮𝗿 𝗦𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗚𝗿𝗮𝗱𝘂𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗛𝗨𝗠𝗦𝗦) 🎓

Isang mainit na pagbati sa 301 mag-aaral ng PLMar Senior High School – HUMSS Department na matagumpay na nakapagtapos.

Ang okasyong ito ay hindi lamang pagdiriwang ng kanilang tagumpay, kundi pagkilala sa kanilang sipag, tiyaga, at sa patuloy na suporta ng kanilang pamilya at mga g**o.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Cong. Marcy Teodoro ang mga mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang nasimulan at huwag bibitaw sa kanilang mga pangarap.

Samantala, ipinaalala ni Mayor Maan Teodoro na ang diploma ay sumisimbolo hindi lamang ng pagtatapos, kundi sa bawat pagsubok na kanilang nalagpasan—mga karanasang humubog sa kanilang lakas ng loob at paninindigan. Tunay na pinatunayan ninyo: you took the test—and you rose above it.

Congratulations, Graduates! 🙌🏻

19/04/2026

ONLY 24 HOURS LEFT BEFORE GRADUATION! 👨‍🎓👩‍🎓

One last day before we step into a new chapter filled with dreams and opportunities. May we make these final moments unforgettable. 💙

Batch 2025-2026 Humanistas are soon signing off! 🤟🏻

💙

17/04/2026

AAAND… BIRTHDAY NA NG REYNA NG HUMSS! 🎉

HAPPY BIRTHDAY, MA’AM REYNA! 🥳 Your dedication and unwavering support inspire every Humanista around you to be better every day. Whether in academics or in the moments that you make others laugh, you always shine the brightest. May your day be filled with the same joy and positivity you share with others, and may this year bring you even more success, growth, and golden memories. ✨

Full of love,
HUMSS Department 💙

16/04/2026

Dahil graduation season na naman, balikan natin ang mga salitang nagbigay inspirasyon at direksyon sa ating lahat—mula sa isang tunay na ehemplo ng pagiging Humanista.

Si Gabriel Agbada—dating HUMSS Student Council President, Leadership Awardee, Student of the Year 2025, at nagtapos na may pinakamataas na karangalan—ay patunay na ang talino, sipag, at malasakit sa kapwa ay kayang magdala sa atin sa rurok ng tagumpay.

Ang kanyang tinig noon ay hindi lang para sa kanyang batch, kundi para sa lahat ng nangangarap, lumalaban, at hindi sumusuko.

Sa bawat pagtatapos, may panibagong simula.
At tulad niya, nawa’y dalhin natin ang tapang, paninindigan, at puso ng isang tunay na lider saan man tayo dalhin ng ating landas.




14/04/2026

Narito ang naging mensahe ng ating HUMSS Department Head kanina sa ginanap na Recognition Day sa Marikina Convention Center.

"Magandang araw po sa ating lahat—sa ating minamahal na mga magulang, g**o, at higit sa lahat, sa ating mga mag-aaral na pinararangalan ngayong araw.

Sa paglalakbay na ito, hindi naging madali ang lahat. Naging mahirap, ngunit masaya. Nakakapagod, ngunit tunay na satisfying. Ang buhay ng isang Humanista ay hindi biro. Maraming gabing kulang sa tulog, maraming araw na puno ng pagdududa, ngunit pinili ninyong magpatuloy. At ngayon, narito kayo—matatag, lumaban, at nagtagumpay.

Bilang inyong Department Head, nasaksihan ko ang inyong paglago, hindi lamang sa talino, kundi sa puso at pagkatao. May isang pagkakataon na tumatak sa akin: may isang mag-aaral na, sa kabila ng personal na pinagdadaanan, ay patuloy na lumalaban at hindi sumusuko. Hindi siya ang pinakamataas ang marka, ngunit siya ang isa sa may pinakamalalim na pagpapahalaga sa respeto, integridad, at sipag. Doon ko muling nakita kung bakit ang ating motto ay “Dangal at Husay.”

Ang Husay ay hindi lang nasusukat sa grado, kundi sa pagsusumikap at dedikasyon. Ang Dangal naman ay makikita sa paraan ng pakikitungo sa kapwa, sa paninindigan sa tama, at sa pagiging mabuting tao kahit walang nakakakita.

Sa ating mga magulang, maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta, sakripisyo, at pagmamahal. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa inyong mga anak, kundi para rin sa inyo.

At sa inyo, mga Humanista, baunin ninyo saan man kayo dalhin ng inyong mga pangarap ang Dangal at Husay. Huwag kayong matakot mangarap, at huwag kayong susuko sa hamon ng buhay.

Lagi ninyong tandaan: once a Humanista, always a HUMANISTA.

Maraming salamat at mabuhay kayong lahat."

-Paul John Pascual
PLMar SHS- HUMSS Department Head

09/04/2026

DANGAL AT TAPANG PARA SA BAYAN 🇵🇭✊

Today, April 9, we celebrate the Day of Valor (Araw ng Kagitingan) to honor the courage of those who stood strong in the face of adversity. Their resilience shaped our history and secured the freedoms we have today. May their legacy continue to inspire us to stand firm in our convictions, to serve with integrity, and to love our country with the same unwavering spirit they had for our nation.

💙

Pubmat and caption: Czyrie Lastrilla | HUMSS Student Council P.I.O.

26/03/2026

“Saan man tayo hipan ng amihan, hindi pagpapalit ang pagkakaibigan.”

Sa dami ng pinagdaanan natin bilang HUMSS Batch 2026, hindi lang basta alaala ang nabuo natin kundi mga ugnayang dala natin kahit saan tayo dalhin ng panahon. Mula sa tawanan sa classroom, pagod sa activities, hanggang sa sabayang pangarap para sa kinabukasan—lahat ng iyon ay mananatiling bahagi ng kung sino tayo.

Salamat sa saya, sa ingay, sa kwento, at sa samahang hindi matutumbasan. Hindi man pare-pareho ang landas na tatahakin natin, sigurado akong dala natin ang puso ng isang Humanista—may malasakit, may paninindigan, at may pangarap para sa iba.

Mamimiss namin kayo, hindi lang bilang mga estudyante kundi bilang mga taong naging bahagi ng tahanang ito.

At tandaan ninyo, palaging bukas ang pintuan ng HUMSS para sa inyo. Dito kayo nagsimula, dito kayo hinubog, at dito kayo laging babalik.

Once a Humanista, always a Humanista.

- Sir Paul Pascual 🩵

📸: Faz Frances Ignacio
Edited by Sir Paul.

25/03/2026

Ngunit sa'n man tayo hipan ng amihan
'Di ipagpapalit ang pagkakaibigan 🪁

Paalam ba nga ba? 🥹

25/03/2026

Saranggola'y lilipad sa kahel ng kalangitan
Paalam na nga ba sa ating nakaraan
Ngunit sa'n man tayo hipan ng amihan
'Di ipagpapalit ang pagkakaibigan... 🪁

Want your school to be the top-listed School/college in Marikina City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Marikina City