21/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ I ๐๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฅ๐ข๐ฆ๐ฎ๐จ๐ญ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฒ๐ฌ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐ค๐๐ค๐ฎ๐๐ฅ๐ข ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ง๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ญ๐จ
Tuwing ika-21 ng Setyembre, ginugunita ng buong Pilipinas ang anibersaryo ng Martial Law matapos itong lagdaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. noong 1972. Isang lagda na nagdulot ng kasuklam-suklam na bangungot sa kasaysayan.
Layunin sana ng Martial Law ang pagpapalawak ng seguridad tuwing krisis at kalamidad. Ngunit sa halip na maging solusyon, tila naging parusa ito sa milyon-milyong Pilipino, at sa halip na alagaan ang bayan, tila termino na lamang sa pamamahala ang pinagtuunan ng pansin.
Sa ilalim ng batas militar, maraming Pilipino ang nakaranas ng pag-aresto at detensiyon, tortyur, sapilitang pagkawala, pagpatay, at iba pang paglabag sa karapatang pantao. Ang mga pahayagan at iba pang anyo ng pamamahayag ay isinailalim din sa mahigpit na kontrol. Ang mga kuwentong ito ay hindi lamang bahagi ng mga aklat ng kasaysayanโmga karanasan ito ng mga taong nawalan ng kalayaan, pamilya, kabuhayan, at mga mahal sa buhay.
Dahil dito, ang paggunita sa Martial Law ay hindi lamang tungkol sa pag-alala sa isang petsa. Ito ay tungkol sa pagkilala sa mga biktima at sa mga aral na iniwan ng isang madilim na yugto ng ating kasaysayan. Ang pag-alala ay nagsisilbing panangga upang ang mga paglabag na ito ay hindi basta mabura, mabaluktot, o maulit.
Marami ang nagsasabing ang administrasyon ni Marcos Sr. ay isang โ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐โ ng bansa. Ngunit kung gayon, kasali rin ba sa kinang ng gintong iyon ang dugong dumanak, ang takot na bumalot sa mga mamamayan, at ang mga buhay na nawala? Sa masusing pagtingin sa kasaysayan, hindi sapat na tingnan lamang ang mga sinasabing pag-unlad ng panahong iyon nang hindi kinikilala ang mga paglabag at pagdurusang sinapit ng marami. Sapagkat kung ang isang panahon ay kailangang balutin ng matatamis na alaala upang maitago ang mapait na katotohanan, maaaring ang kinang na nakikita natin ay hindi ginto, kundi isang tabing na tumatakip sa isang bangungot ng ating kasaysayan.
Ngayong parehong apelyido na naman ang nakaupo sa puwesto, papayag ba tayong muling magdusa ang mga Pilipino? Magkatulad man ang dugong nananalaytay sa kanila, sana ay hindi magkatulad ang kanilang pamamahala at layunin.
Nawaโy magsilbi itong salamin upang suriin at labanan ang masakit na nakaraan at katotohanan. Huwag nating hayaang muling nakawin ang ating karapatang lumaban para sa kabutihan.
Hindi nangangahulugan ang pag-alala sa nakaraan ng pananatili sa galit. Sa halip, ito ay pagkilala sa halaga ng kalayaan, karapatang pantao, malayang pamamahayag, at karapatang magsalita at magpahayag ng saloobin nang walang takot.
Hindi lahat ng anibersaryo ay kasiyahan ang inaalala. Minsan, ang mga ito ay nagsisilbing babala. Isang babala na huwag nang magpalinlang kailanman sa matatamis na salitang magbubusal lamang sa ating bibig na humihingi ng katarungan.
Ngayong ika-54 na anibersaryo ng Martial Law, magsilbi nawa itong paalala sa lahat na ang tinig ng mamamayan ang tunay na makapangyarihan, at walang sinumang Poncio Pilato ang dapat magnakaw nito.
Ang kasaysayan ay hindi lamang dapat alalahanin kapag dumarating ang anibersaryo. Dapat itong pag-aralan, suriin, at ipagtanggol ang mga aral nito sa bawat panahong sinusubok ang kalayaan at karapatan ng mamamayan.
โ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ ๐ฆ๐๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ -๐๐ฎ๐ฅ๐๐ ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐ฆ๐๐ฌ๐๐ค๐ฅ๐๐ฉ ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ง๐๐ค๐๐ซ๐๐๐ง.โ
โ๏ธ: Ivan Lumbab & Florence Satur
๐จ: Jhaffy Saripada