24/09/2025
"Kaisa ang puso at diwa para sa tagumpay ng ating paaralan!"
Ika-19 ng Setyembre 2025, pagkatapos ang ilang taon na pagkaantala ay muling nakilahok ang Paaralang Elementarya ng Kilapnit sa paligsahan sa iba't ibang klase ng laro na ginanap sa Don B. Del Mundo Memorial School. Sa nasabing paligsahan ay muling nagpakita ng tapang at determinasyon ang bawat isa upang maipakita ang kanilang natatanging galing. Samantala, nasungit naman ni Cherna R. Anay, mag-aaral ng ikalimang baitang, ang ikalawang pwesto sa 800 metro na takbuhan. Habang si Heidi L. Hugom, mag-aaral ng ikalimang baitang, ay nanalo rin sa ikalawang pwesto sa 1500 metro na takbuhan.
Ang partisipasyon at suporta na ipinakita ng mga mag-aaral, g**o at magulang ay tunay nga na katangi-tangi.