29/04/2026
๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐: ๐ฝ๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐ผ๐ง๐๐ก, ๐๐๐จ๐๐ฎ๐จ๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐ผ๐ฉ ๐๐๐ก๐๐ฎ๐จ๐๐ฎ โ ๐๐๐๐ก๐๐ก๐๐ ๐๐๐ฎ ๐จ๐ ๐ผ๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐๐ง๐๐๐ฃ
๐๐๐๐๐ง๐๐ญ๐ ๐๐: ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ง๐ข ๐๐จ๐๐ง ๐จ๐ ๐๐ซ๐ โ๏ธโช
Ipinanganak bandang 1412, tinawag ni Joan ang kanyang sarili bilang โJoan the Maidenโ (Jehanne la Pucelle), at kalaunan ay nakilala bilang โThe Maid of Orlรฉans.โ Sa panahon ng Lancastrian phase ng Hundred Yearsโ War, ang kanyang pambihirang tapang at matibay na paniniwala ay nagluklok sa kanya bilang isang bayaning pambansa ng France. Nagmula si Joan sa isang pamilyang magsasaka, anak nina Jacques dโArc at Isabelle Romรฉe, sa maliit na nayon ng Domrรฉmy sa hilagang-silangang France. Nagmula ang kaniyang paglalakbay mula sa malalim na pananampalataya at payak na pamumuhay. Noong 1428, sa edad na humigit-kumulang 17, nagtungo siya sa Vaucouleurs upang humiling ng armadong eskorta patungo kay Charles VII, ang dauphin at hindi pa nakokoronahang hari ng France. Ang kanyang paninindigan ay nakaugat sa mga diumanoโy pangitain at tinig na banal, na ayon sa kanya ay nagmula kina San Miguel Arkanghel, Santa Margarita, at Santa Catalina, na nag-atas sa kanyang tulungan si Charles VII at palayain ang France mula sa pamamayani ng England. Bagamaโt dalawang beses siyang tinanggihan, sa huli ay napapayag niya si Robert de Baudricourt, ang kumandante ng garison, na bigyan siya ng eskorta patungong Chinon.
Ang kanyang pagdating sa Orlรฉans ay nagbunga ng agarang pagbabago. Sa loob lamang ng siyam na araw, napukaw ni Joan ang diwa ng mga sundalong Pranses at napawi ang pagkubkob โ isang tagumpay na lubhang nagbago sa direksiyon ng digmaan. Sinundan ito ng kanyang mahalagang papel sa Loire Campaign, na nagwakas sa tagumpay ng France laban sa England sa Battle of Patay. Dahil sa mga tagumpay na ito, nagmartsa ang hukbong Pranses patungong Reims, kung saan noong Hulyo 17, 1429, pormal na kinoronahan si Charles VII bilang Hari ng France sa Reims Cathedral, kasama si Joan sa kanyang tabi. Gayundin, ang Siege of Orlรฉans, na tumagal mula Oktubre 12, 1428 hanggang Mayo 8, 1429, ay itinuturing na isang mahalagang punto ng pagbabago sa Hundred Yearsโ War. Ito ang unang malaking tagumpay ng hukbong Pranses matapos ang mapaminsalang pagkatalo sa Battle of Agincourt. Naniniwala ang marami noong panahong iyon na kung bumagsak ang Orlรฉans, matutupad sana ni John of Lancaster ang ambisyon ng kanyang kapatid na si Henry V na sakupin ang buong France. Subalit sa pagdating ni Joan, ang tila tiyak na tagumpay ng England ay biglang gumuho.
Gayunpaman, noong Mayo 1430, muling humawak ng armas si Joan upang tulungan ang Compiรจgne, ngunit siya ay nabihag ng mga Burgundian noong Mayo 23 at kalaunaโy ibinigay sa mga Ingles. Upang pahinain ang lehitimasyon ni Charles VII, isinailalim siya sa isang pulitikal na paglilitis sa pamumuno ni Pierre Cauchon, at inakusahan ng erehiya. Sa kabila ng malinaw na mga iregularidad sa proseso, siya ay hinatulan at sinunog sa tulos sa Rouen noong Mayo 30, 1431, sa edad na humigit-kumulang 19. Noong 1456, sa pahintulot ni Pope Callixtus III, muling sinuri ang kaso ni Joan. Natuklasan ang pandaraya at maling pamamaraan sa unang paglilitis, kayaโt pinawalang-bisa ang hatol at nilinis ang kanyang pangalan. Mula noon, siya ay pinarangalan bilang martir, at pagkaraan ng Rebolusyong Pranses ay naging makapangyarihang simbolo ng nasyonalismo at pananampalataya ng France. Siya ay beatified noong 1909, canonized noong 1920, at idineklarang ikalawang patrona ng France noong 1922.
๐บ๐ผ๐ด๐ผ๐บ๐ผ๐ณ๐ถ๐ต๐ฎ, ๐บ๐ผ๐ด๐ฐ๐บ๐ฐ๐ฉ๐ถ๐ณ, ๐จ๐น๐จ๐ณ๐ฐ๐ต๐ฎ ๐ท๐จ๐ต๐ณ๐ฐ๐ท๐ผ๐ต๐จ๐ต!
๐ผ๏ธ: Kyla Mariz De Rama & Raniel Manansala
โ๏ธ: Asher Jade Baroja