27/04/2026
Ang Presyo Ng Paniniwala
“Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig; kilala ko sila at sumusunod sila sa akin.” - Juan 10:27
Hindi lahat ng nakarinig ay naniwala.
Hindi lahat ng naniwala ay sumunod.
May mga taong may alam… pero piniling manahimik.
May mga taong may tinig… pero hindi nagsalita.
May mga taong may kapangyarihan… pero hindi ginamit.
Sa araw-araw, alam natin kung ano ang tama.
Tahimik, pero malinaw.
At kung tapat tayo, hindi tayo kulang sa kaalaman.
Minsan, kulang tayo sa paninindigan.
Dahil ang totoo, may presyo ang pagsunod.
May mawawala. May masasaktan. May magugulo.
Mas madaling manahimik. Mas ligtas sumabay. Mas komportable umiwas.
Apan unsaon man kung ang kahilom mao na ang pagtalikod sa tinuod?
Sa puntong ito, hindi na tanong kung narinig natin ang Diyos.
Ang tanong, hanggang saan ang kaya nating panindigan?
Dahil ang pananampalataya ay hindi nasusukat sa dami ng alam.
Nasusukat ito sa tapang na piliin ang tama kahit may kapalit.
Ang tinuohan, bisan unsang pinulongan, tinuohan gihapon (Sebwano).
Ti pammati, uray anya a pagsasao, pammati latta (Ilokano).
So kapamagpaniniwala, maskin anda a basa, isa ra (Maranao).
Hindi lahat pipili nito.
Pero ikaw…
Kung alam mo ang tama,
kung naririnig mo ang Diyos,
kung may kakayahan kang kumilos…
Bakit ka pa rin nananatiling tahimik?
Manalangin tayo…
Panginoon, palakasin Mo ang aming pananampalataya sa gitna ng takot. Turuan Mo kaming hindilamang makinig at sumunod. Sa bawat pagkakataong may kakayahan kaming pumili, piliin nawa naminang katotohanan, kahit may kapalit. Amen.
__________________________________
Pagninilay mula kay John Mark Mampusti
G**o, Benilde Senior High School
Sanggunian:
United States Conference of Catholic Bishops. 2026. Daily Readings for April 28, 2026. Gospel John 10:22–30. https://bible.usccb.org
Vatican. The Holy Bible. John 10:22–30.
Catechism of the Catholic Church. 1997. On faith, conscience, and moral decision-making. Libreria Editrice Vaticana.
Universalis. 2026. Mass for Tuesday of the Fourth Week of Easter. https://universalis.com
26/04/2026
26/04/2026
25/04/2026
24/04/2026
24/04/2026
23/04/2026
22/04/2026
21/04/2026
21/04/2026
20/04/2026
20/04/2026