PUP Iskolaris

PUP Iskolaris

Share

Iskolaris After The Break | 02.12.26

Register Now!: 🔗https://tinyurl.com/ISKOLARISATB-REGISTRATIONFORM
No Registration, No Entry!

20/12/2025

ISKOLARIANS, TODAY IS THE DAY 📣‼️

Ito na ang araw para sa organic encounter mo, Iskolarians!

We're excited to see your shining and glamorous ootd para hanapin ang icing sa ibabaw ng cupcake mo, este magsaya para sa nalalapit na pagtatapos ng taong ito.

Kaya ano pang hinihintay mo? GET READY NA! 🤩💙

19/12/2025

Event Jingle Iskolaris 2025 | “𝗗𝗶𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗜𝘀𝗸𝗼𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀”

Isang handog na ibinuo mula sa konsepto ng mga pangarap na minsang naglalaho sa gitna ng paglalakbay. Sa gitna ng pagod, pangamba, at mga hamon ng pagiging iskolar, ang Iskolaris 2025 ay nagsisilbing sandaling pahinga at liwanag. Isang paalala na hindi ka nag-iisa sa iyong kwento.

Sabi nga ng kanta: “Hinga muna, may kasama ka rito.”

Magsilbi nawa itong palantandaan na ito’y isang paghinga, at kanlungan ng pakikibaka.

Lyrics & Concept: Samantha Viaña, Leif Josef Hizob, John James Buban, Hyang Mi Nitro
Instrumental Composition & Arrangement: Blue Raver Chavez
Vocals: John James Buban, Hyang
Recording, Mixing & Mastering: JP Asuzano

Photos from PUP Iskolaris's post 19/12/2025

Ang Iskolaris ay isang protesta—Maniningil Tayo.

Hindi na ito simpleng usapin ng kakulangan o pagkawala ng mga simbolo ng pagdiriwang. Ito ay malinaw na larawan ng mas malalim na krisis, isang pamahalaang may badyet ngunit walang pananagutan, may pondo ngunit walang malasakit sa mamamayan.

Mula noon hanggang ngayon, bitbit natin ang panawagan: singilin ang korapsyon, ipaglaban ang edukasyon, at ipagtanggol ang karapatan ng mamamayan. Sa gitna ng pandarambong, panunupil, at kapabayaan ng rehimeng Marcos–Duterte, pinipili nating mag-ingay—sa sining, sa musika, at sa lansangan.

Kung pinatay nila ang ilaw ng pag-asa, sisindihan natin ito sa lansangan. Sapagkat ang tunay na pagdiriwang ay hindi nasusukat sa palamuti, kundi sa pagkakaisa at paglaban para sa karapatan.

Ngayong Iskolaris 2025, ipinagpapatuloy natin ang laban. Para sa bawat pisong ninanakaw, may libong tinig na lalaban. Para sa bawat atake, may mas matibay na paninindigan.

Bukas, hindi tayo lalabas para magmakaawa.
Lalabas tayo upang maningil.
Maningil ng pananagutan.
Maningil ng hustisya.
Maningil ng malayang kinabukasan.

Ipagdiwang natin ang liwanag ng sama-samang pagkilos. Magkita-kita tayo sa University Avenue bukas ng 12:00 PM! ✊✨

Photos from PUP Iskolaris's post 19/12/2025

Excited ka na rin buhh!? 🤩

Para sa mas masaya, maayos, at unforgettable experience mo ngayong Iskolaris, narito ang Event Guidelines just for you, Sinta ‼️

Mangyaring aktibong makilahok sa selebrasyong ito nang mayroong pakikiisa at disiplina upang hindi uuwing luhaan ang lahat. 🥳🛎️

Kaya i-take note mo na ito, besss! Magdala ng payong at pamaypay dahil babasain tayo ng good vibes! At syempre, huwag kalimutang mag-enjoy nang may pagtindig. OH BWELOOO! ✨💙

19/12/2025

Isang araw na lang! 🙈

'Di na talaga kami matutulog, beh! At 'wag na 'wag kang matutulog para palampasin ang pinakahihintay nating selebrasyon ng taon! 🌟✨

Uyyy, excited na yan s'ya! Napili mo na ba kung sinong jowa ang dadalhin mo? Isama mo na lahat yan, keri lang naman. 😂

Aasahan namin kayo, bukas sa PUP University Avenue, Iskolarians!

19/12/2025

YOOHOO ISKOLARIANS! HANDA NA BA KAYO? 🫵🤩

Be prepared for the most extravagant event na magaganap only here sa sintang paaralan dahil tiyak na bubusugin kayo ng Iskolaris 2025 sa mga kahanga-hangang performances, mga tawanan, at mga paninindigan dahil sabay-sabay tayong titindig at tatapusin ang taon na ipinagdiriwang ang bawat laban sa lansangan.

Walang ka pa ring ka-date? Okay lang yan! Malay mo sa d-day mo na maranasan ang organic encounter 👀 Kaya jumoin-force ka na sa darating na December 20 sa PUP University Avenue! 🥰

Photos from PUP Iskolaris's post 19/12/2025

ICYMI, ISKOLARIANS! ✨

Isa ka ba sa mga nanood ng patikim sa Iskolaris ngayong Sabado? Huyyy!

Check the highlights of our mini event last Wednesday on PUP Lagoon—from Iskolartree, drag performances, hanggang sa mga naki-kanta, sayaw, at caroling! Talagang ramdam na ramdam na ang diwa ng Pasko sa Sinta!

Kaya, tara na bukas sa PUP University Avenue! Don't forget to register and donate din. 🙂‍↕️

FOR DONATIONS:
GCASH - 09668614727
JANNICA GANGGO | Note: Iskolaris2025

Register Here! 🫶🏻
https://forms.gle/rH62WKhsSpS11Dks5
https://forms.gle/rH62WKhsSpS11Dks5
https://forms.gle/rH62WKhsSpS11Dks5

Photos from PUP Iskolaris's post 19/12/2025

AWLRIGGHHHTTT ANDITO NA SINA MAGAGANDA'T MGA POGING AMBASSADORS NG ISKOLARIS 2025 💋😎

Let’s give a warm welcome to these lovely faces for the biggest event of the year: Ms. Junyka Santarin, Mr. Angeles Castro, and Mr. Edison Sorio. More than just faces, sila rin ang magdadala ng energy to make the event ecstatic (ECSTATIC?!) Kaya abangan at maki-sabay na sa saya! 💃

This event is strictly for PUPians only, outsiders are not allowed.
📆: December 20 | 12:00 PM
📍: PUP University Avenue

Photos from PUP Iskolaris's post 19/12/2025

MEET THE SPONSORS!

Few days left na lang ISKOLARIS 2025 D-DAY na! This exhilarating (exhilarating?!) event would not be possible without these generous sponsors. Sabay sabay tayong magpahayag ng pasasalamat sa kanilang pagbabahagi para sa ating masayang pagdiriwang na magaganap ngayong December 20 sa PUP University Avenue! 🥰

Matsalove sa inyo mga sah! Kayo ang aming mga day ones 😎🤙

SPONSORS:
⭐ Goodday Friz
⭐ Trina's
⭐ Luana
⭐ Sugar Beyks
⭐ Pastil sa Tabi - Sta. Mesa
⭐ Tuseran
⭐ Tanglaw Clothing
⭐ Prime Media Photography Studio

🔗Register na rin kayo mga ka-sah!
https://forms.gle/rH62WKhsSpS11Dks5
https://forms.gle/rH62WKhsSpS11Dks5
https://forms.gle/rH62WKhsSpS11Dks5

Photos from PUP Iskolaris's post 18/12/2025

THE LONG WAIT IS OVERCHHH DAHIL HETO NA SILA 👀‼️

Kumapit ang lahat as we finally reveal the full lineup of performers for ISKOLARIS 2025. Sama-sama tayong maki-sing, maki-dance, and maki-laugh with them sa gaganaping selebrasyon 💃

Kaya HU MAN DA sa kanilang mga kavouge at pasavouge na performances na mapapanood ngayong paparating na December 20 sa PUP University Avenue from 12 PM - 6PM 🤩 Mark your calendars, Iskolarians!

This event is strictly for PUPians only, outsider are not allowed.

Huwag na nating palampasin pa! Register ka na please 🥺(over sa beg!)
https://forms.gle/rH62WKhsSpS11Dks5
https://forms.gle/rH62WKhsSpS11Dks5
https://forms.gle/rH62WKhsSpS11Dks5

18/12/2025

2 DAYS TO GO UNTIL ISKOLARIS 2025! 🌟 ANDDD PERFORMERS REVEAL MAMAYA OMGGGGG!!!!!!

May organic encounter man o wala, basta’t makakapunta’t makikisaya, okayyyy?

Tsaka hindi lang naman kasiyahan ang sasapit ngayong December 20, kasama na rito ang ating mga kampanyang tiyak na gugunita sa taong nagdaang pamamalagi natin bilang mga Iskolar ng Bayan!

Bubuhayin natin ang University Avenue ng ating nagliliyab na diwa, mga Iskolarians, trew?

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

Manila