30/08/2026
ANG PANAWAGAN NG PUP COMMUNITY NGAYONG NATIONAL PRESS FREEDOM DAY: PATALSIKIN ANG REHIMENG MARCOS JR!
Patuloy pa ring nasa bingit ng kapahamakan ang kalagayan ng mga alagad ng midya sa administrasyon ni Marcos Jr. Isang malaking halimbawa nito ay ang kasalukuyang kinakaharap nina Frenchie Mae Cumpio, Jacob Baluyot, RJ Ledesma, at daan-daan pang mga mamamahayag sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan, Php. 3,501,369 lamang ang budget na ibibigay ng gobyerno sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas mula sa Php. 15.7B nitong proposal budget para sa taong 2027 na mayroong epekto sa kung paano bibigyan ng pondo ang mga kampus-publikasyon sa loob ng pamantasan.
Habang patuloy na pinapahirapan ang sektor ng edukasyon at midya, wala pa ring napapanagot sa malawakang korapsyon na pinapangunahan ni Ferdinand Marcos Jr. Hindi pa rin humaharap si Sara Duterte sa impeachment court para sa mga kasong kinakaharap nito sa taumbayan. Sama-sama tayong manawagan para sa karagdagan budget sa sektor ng edukasyon at sama-samang singilin ang pasistang rehimen sa kapabayaan nito sa mamamayang Pilipino.
Patuloy na ipaglaban ang malayang pamamahayag! ✊❤️🔥
DUMALO AT MAGPADALO SA PAGKILOS NG PUP PARA SA NPFD:
September 1, 2026
🔻 10:30 - Mass-up Del Rosario
🔻 11:00 - Program Lagoon
SUMALI SA COORDINATING GC:
https://m.me/j/vr71J5D9QdMPeF-G/?send_source=gc%3Acopy_invite_link_t