15/09/2024
AP8 MAJOR PETA | Ang Sining ng Nakaraan
(Gr. 3) 8 - St. Andrew
Sa silong ng mga bituin, sa kalupaan ng silangan. Ang Dinastiyang Tsina ay humabi ng kasaysayang walang hanggan. Mula sa mga pader na batid ang hangganan ng daigdig. Hanggang sa mga pilosopiyang nagbibigay-tinig,
Sa kasalukuyan, ang kanilang mga aral ay nananatili. Mga yapak nilang marami ang sumusunod. Tapang at talino, diyan kilala ang mga Tsino. Kilala sa buong Mundo, Isang bansang organisado.
Sa ating mga kamay, taglay ang kapangyarihan, Upang ingatan ang kasaysayan at pagyamanin ang kaalaman. Sa bawat larawan, salita, at awit ng pag-alala, Mapananatili ang kanilang pamana’t karangalan ng walang pagkasira.
03/09/2024