Mahad Baseco Al-Arabie Al-Islamie

Mahad Baseco Al-Arabie Al-Islamie

Share

Madrasah

Photos from Mahad Baseco Al-Arabie Al-Islamie 's post 14/05/2026

ID 2026-2027

30/03/2026

ENROLLMENT IS ONGOING

Welcome to Ma’had Baseco Arabic Islamic Institute

Where Knowledge and Values Grow Together

FREE School Supplies
Para sa mga unang mag-eenroll
(Donated by HDIP)

Start of Enrollment:
April 4, 2026

Start of Regular Classes:
April 25, 2026
8 Dhul-Qa‘dah 1447 AH

Open for Levels:
Kinder (روضة)
Ibtidaiyah (ابتدائية)
Mutawassitah (متوسطة)
Sanawiyah (ثانوية)

Programs Offered:
Arabic Language
Islamic Studies
Academic Subjects
Qur’an Memorization (Hifz Program)

Qualified Teachers
Highly experienced teachers with strong academic backgrounds from reputable academies and institutions.

For Enrollment:
Pumunta lamang sa tanggapan ng Ma’had at hanapin ang aming President:
Sheikh Abdulmanan Omar

Location:
Blk 9 Brgy. 649 Baseco Port Area, Manila

Contact: 09617348705

Enroll now and secure your child’s future!

Photos from Mahad Baseco Al-Arabie Al-Islamie 's post 11/03/2026

بسم الله الرحمن الرحيم

بقلوبٍ مؤمنةٍ بقضاء الله وقدره، نتقدم بأحرّ التعازي وصادق المواساة إلى أسرة الفقيد، سائلين الله تعالى أن يتغمّده بواسع رحمته، وأن يغفر له، ويرفع درجته في عليين، ويجعل قبره روضةً من رياض الجنة.

لقد كان الفقيد ـ رحمه الله ـ من أهل العلم والدعوة، وقد أسهم بعلمه وتعليمه وخدمته في نشر الخير والعلم بين طلاب معهد باسكو العربي الإسلامي، فنسأل الله أن يجعل ذلك في ميزان حسناته، وأن يجعله صدقة جارية له إلى يوم القيامة.

نسأل الله أن يلهم أهله وذويه الصبر والسلوان، وأن يجزيه عن الإسلام والمسلمين خير الجزاء.

إنا لله وإنا إليه راجعون.
Lubos po kaming nakikiramay sa pamilya ng ating minamahal na Ustadz na pumanaw na. Nawa’y tanggapin ninyo ang aming taos-pusong pakikiramay sa mabigat na pagsubok na ito.

Dalangin namin na patawarin siya ng Allah, lawakan ang kanyang libingan, at gawin itong hardin mula sa mga hardin ng Paraiso. Nawa’y gantimpalaan siya ng Allah sa lahat ng kanyang naiambag na kaalaman, pagtuturo, at serbisyo para sa mga mag-aaral at sa komunidad ng Ma'had Baseco Al-Arabie Al-Islamiyah.

Ang kanyang dedikasyon sa pagtuturo ng kaalaman at paggabay sa mga mag-aaral ay mananatiling alaala at inspirasyon sa amin. Ang mga kaalamang kanyang itinuro ay patuloy na magiging ṣadaqah jāriyah para sa kanya.

Hinihiling din namin sa Allah na bigyan ng lakas, pagtitiis, at kapanatagan ang kanyang pamilya at mga mahal sa buhay sa panahon ng kanilang pagdadalamhati.

إنا لله وإنا إليه

Ito na pala ang huli nyang litrato sa Mahad Baseco

Photos from Mahad Baseco Al-Arabie Al-Islamie 's post 31/01/2026

Alhamdulillah.
Una sa lahat, kami ay lubos na nagpapasalamat sa Allah ﷻ sa lahat ng Kanyang biyaya at patnubay. Kasunod nito ay ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naglaan ng kanilang oras, lakas, at kabuhayan upang tumulong at umambag sa Ma’had Baseco Al-‘Arabie Al-Islamie.

Lubos naming pinahahalagahan ang aming mga sponsors ng walong (8) asatidz sa taong ito. Batid po namin na ang pagsuporta ay hindi naging madali. May mga pagkakataong imbes na para sa sariling pangangailangan o pamamalengke, ay inuna pa ninyo ang pagsuporta sa aming mga g**o. Tunay po itong sakripisyo na tanging ang Allah ﷻ lamang ang ganap na nakababatid.

Gayundin ang aming taos-pusong pasasalamat sa mga taong walang sawang nag-aabot ng tulong sa tuwing may mga programa ang ating madrasah. Hindi na po namin kayo babanggitin isa-isa, sapagkat ang Allah ﷻ ang higit na Nakaaalam kung sino kayo at ng kabutihang inyong lihim na ginawa.

Sa aming mga minamahal na lider na hindi kami iniwan, hindi kami pinabayaan, at patuloy na umaalalay sa amin sa lahat ng pagkakataon—kayo po ay bahagi ng tagumpay at pagpapatuloy ng aming institusyon. Tunay na walang sapat na salita o katagang maaaring lumabas sa aming mga bibig upang ipahayag ang lalim ng aming pasasalamat.

At bilang pagtatapos ng aming mensahe, kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa aming mga masisipag, matitiyaga, at tapat na mga g**o—mga ustadz at ustadzah—na patuloy naming nakakasama sa hirap at ginhawa. Sa bawat pagsubok at kakulangan, kayo ay nananatiling matatag at kaisa namin sa adhikain, tunay na buhay ang diwa ng “walang iwanan.” Kayo ang haligi ng aming Ma’had at ang liwanag na patuloy na gumagabay sa aming mga mag-aaral.

Kaya’t ang tanging maiaalay namin sa inyong lahat ay taimtim na du‘a sa Allah ﷻ. Nawa’y pahabain pa Niya ang ating mga buhay sa kabutihan, palakasin ang ating pananampalataya, at ipagkaloob ang ikhlās at istiqāmah sa paglilingkod sa Kanya. Nawa’y gantimpalaan Niya kayo mula sa mundong ito hanggang sa kabilang-buhay, at palitan ng higit na mas marami at mas mabuti ang lahat ng inyong ginugol at isinakripisyo.
Kayo po ay patuloy na kasama sa aming mga panalangin.

Āmīn yā Rabbal ‘Ālamīn.

Lubos na nagpapasalamat,
Office of Ma’had Baseco

26/01/2026

اعلان رسمي

يعلن معهد باسكو العربي الاسلامي رسميا عن حفل الختام والتكريم المزمع اقامته في:
📅 31 يناير 2026
📍 مسجد الرحمن، بلاك 9، منطقة باسيكو، مانيلا

يهدف هذا البرنامج الى تكريم جهود وانجازات طلابنا واختتام العام الدراسي 2025–2026 رسميا.
ندعو طلابنا واولياء الامور والمعلمين وافراد المجتمع للمشاركة في هذه المناسبة المباركة.

"نتعلم العلم الشرعي لنصلح انفسنا ومجتمعنا.

PORMAL NA ANUNSYO

Ang Ma’had Baseco Al-arabie Al-islamie ay opisyal na nag-aanunsyo ng Programa ng Pagtatapos at Pagkilala, na gaganapin sa:

📅 Enero 31, 2026
📍 Arrahman Mosque, Blk 9, Baseco Port Area, Manila

Layunin ng programang ito na kilalanin ang pagsusumikap at tagumpay ng ating mga estudyante at opisyal na tapusin ang Taon-Pampaaralan 2025–2026.

Inaanyayahan namin ang mga estudyante, magulang, g**o, at miyembro ng komunidad na makiisa sa makabuluhang okasyong ito.

“Tinututuhan natin ang kaalamang Islamiko upang ayusin ang ating sarili at ang ating komunidad.”

゚viralvideo

Photos from Mahad Baseco Al-Arabie Al-Islamie 's post 04/01/2026

Lubos po kaming nababahala nang aming mabalitaan ang kalagayan ng isa sa mga unang naging President ng aming mga mag-aaral, si Ustadz Mohammad Silongan, na kasalukuyang naka-confine sa Regional Hospital ng Cotabato City matapos masangkot sa isang aksidenteng dulot ng malakas na pagkakakuryente.

Ang nasabing insidente ay nagdulot ng matitinding pinsala sa kanyang katawan, kung saan ilang bahagi nito ay nagkaroon ng malubhang sugat bunga ng lakas ng kuryenteng tumama sa kanya.

Sa taong ito, siya ay kasalukuyang nag-aaral ng Kulliyah sa wikang Arabic sa Cotabato City.

Buong pagpapakumbaba naming hinihiling sa lahat na isama siya sa ating mga panalangin, nawa’y ipagkaloob sa kanya ng Allah ang mabilis, ganap, at tuluy-tuloy na paggaling.

Sa nais maka kumusta at maka usap kanya ito Ho fb nya 👇🏼

Mohammad Silongan

゚viralvideo

04/12/2025

Invitation

We warmly invite all our students and their parents or guardians to join and witness our Musabakah Students Competition: Knowledge & Sports
📅 December 6-7, 2025
📍 Ma’had Baseco & Amado, Baseco Port Area, Manila

مسابقة الطلاب: العلم والرياضة
انضموا إلينا لتشجيع طلابنا في هذه المنافسة المثيرة

Come and support our students as they showcase their talents in knowledge and sports!

゚viralシfypシ゚viralシalシfollowers

19/09/2025

Paalala sa lahat ng minamahal naming mga estudyante ng Ma’had Baseco.

Assalamu Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuh.

Inaanyayahan po namin kayo na pumasok bukas sapagkat tayo ay magkakaroon ng review bilang paghahanda sa nalalapit na Final Exam para sa 2nd Grading na gaganapin sa susunod na linggo, In shaa Allah.

Lubos naming hinihikayat ang lahat na makadalo upang maging handa at mas maayos ang resulta ng ating pagsusulit.

Jazakumullahu Khayran.

---
Office of Ma'had

19/07/2025

Pasabot!
So langon o mga studyante nu Mahad na sabap Kanu ka importante nu G*i na Aden bon klase tanu saguna a Ahad Inshallah.

18/07/2025

📢 PAALALA SA LAHAT NG AMING ESTUDYANTE
Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh

Ipinaabot po namin sa lahat ng aming mga estudyante na kanselado ang klase ngayong araw ng Sabado dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng panahon.

Minabuti po ng pamunuan na kayo ay manatili sa inyong mga tahanan para sa inyong kaligtasan.

Hinihikayat po namin kayo na gamitin ang oras sa pagbabasa ng Qur'an at pagbalik-aral sa mga napag-aralan.

Jazakumullahu Khairan sa inyong pang-unawa. Mahad Baseco Al-Arabie Al-Islamie


゚viralシfypシ゚viralシalシ

Photos from Mahad Baseco Al-Arabie Al-Islamie 's post 18/07/2025

Taos-pusong Pasasalamat
Ng tanggapan ng Ma'had
(Officers/Ustadzis/Parents)

Maraming salamat po sa aming butihing Chairwoman ng Barangay 649, Hon. Diana Espinosa, sa kanyang taos-pusong pagtugon sa aming pangangailangan sa Ma'had Baseco Al-arabie Al-islamie.

Sa tuwing may pasukan, palaging suliranin namin ang kakulangan sa upuan para sa aming mga mag-aaral. Dumating pa sa punto na kami mismo, kabilang ang aming mahal na presidente ng Ma’had, ay gumawa ng mga upuang pinagtatagpi-tagping kahoy para lamang may maupuan ang mga bata.

Ngunit ngayong araw, Alhamdulillah, kami ay lubos na nagagalak sa pagkakaloob ng 100 piraso ng school chairs with arms mula sa aming minamahal na Chairwoman. Isang malinaw na patunay ito ng kanyang malasakit at suporta, anuman ang relihiyon—Muslim man o Kristiyano—at anuman ang institusyon—pampaaralan man o madrasah.

Ganon din po ang aming taus-pusong pasasalamat kay Ustadzah Fatima Macaundar isa sa mga masigasig na staff ng barangay, na buong sipag at tiyagang tumulong at nag-asikaso upang maisakatuparan ang aming kahilingan.

Mabuhay po kayo, Chairwoman Diana Espinosa!
Nawa’y pagpalain at patnubayan kayo palagi ng Allah sa inyong dakilang paglilingkod.

Jazakumullahu khayran!

---
Shiekh Abdulhamid Abdulmanan
Principal
Shiekh Abdulmanan M. Omar
Ma'had President

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

Manila