10/02/2012
Magandang Araw Ka'Maskom!
Nais ko pong magpasalamat sa lahat ng mga nakilahok, nakisaya, nagpakita ng kakaibang talento,NAGBIGAY KOOPERASYON AT PAKIKISAMA, at para sa lahat ng nagibigay ng oras at panahon na paghandaan at pagkagastusan ang bawat presentation at activity na inihanda para sa pagdiriwang ng ating ika-9 na taon bilang isang kolehiyo. Di nyo po alam kung gaano nyo ako, kami, napasaya sa mga hiyaw at tawanan nyo kagabi sa Groovy Night. Biglang nawala lahat ang pagod na naranasan namin para mapaghandaan lamang ang araw kahapon at para makapagbigay ng kasiyahan sa inyo aming Ka'Maskom.
Salamat unang-una kay LORD, thank you po sa pagdinig sa prayers ko na maging matagumpay ang Groovy Night. Salamat din sa CMC Faculty and Staff sa suporta at pagiintindi. Sa BMC 4-1 at sa ilang mga 4th year na tumulong sa akin para sa production na kahit the day before lang nasabihan ay napakahusay pa rin. Salamat sa BMC 1-3 sa pagtulong kay Anna sa Physical Arrangements at sa pagiging maaasahan nyo pag kailangan namin kayo. Kay Allan Reyes sa pagtulong sa amin mula Day 1 ng event. Sa 2-3 esp kay Gheca sa koopersayon. Sa SC na sa tuwing nagkakaroon ng pagsubok ay hindi nag-iiwanan . Salamat din sa tulong. At huli, sa buong CMC COMMUNITY na napakahusay at napakagaling.
Sana po ay nag-enjoy kayo di lamang sa ating CMC on Cloud 9 Groovy Night, kundi pati rin sa iba pang events na inihanda ng SC at ng College para sa ating lahat.
Happy na, Cloud 9 pa! GO CMC!
WE ARE THE BEST! PLM should realize na napakahusay ng ating kolehiyo at di nararapat na ipares o isama sa iba. Sana magising sila na CMC is not just a college. ITS A FAMILY OF INCREDIBLES! :)
Hanggang sa susunod na taon Ka'Maskom! Kitakits!
-Gelai, CMC College Rep. :D