14/04/2026
๐ฐ๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐ฉ๐ฌ๐บ๐ป ๐บ๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐ ๐น๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐! โจ
The Bachelor of Elementary and Secondary Teaching Society proudly presents the ๐๐ง๐ค๐๐ง๐๐ข ๐๐๐ฅ๐ง๐๐จ๐๐ฃ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ซ๐๐จ of our organization from the Department of Early Childhood and Elementary Education and the Department of Secondary Education.
They are the student leaders who are entrusted to serve as the voice of their respective programs by bridging effective communication, fosters collaboration within the college, and ensuring that the needs and concerns of every student are heard and represented within the organization.
As they begin their journey with BEST Society, may they be guided by integrity, commitment and genuine representation for service. We look forward to working together in strengthening our organization and creating a more connected and empowered college! ๐ซ
Welcome aboard, ๐๐๐๐๐ข๐๐ฌ! ๐
09/04/2026
๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐๐ด๐ผ ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐๐ถ๐, ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ง๐ถ๐ป๐๐ฏ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐๐ถ๐
Ngayong ika-9 ng Abril, taos-puso nating ginugunita ang Araw ng Kagitingan o ang pagbagsak ng Bataan noong 1942 dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa pamamagitan ng temang โGiting ng Bayani, Pamana sa Salinlahi,โ binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng pag-alala at pagbabahagi ng mga kuwento ng mga bayaning nagtanggol sa bansa (Pilipino at Amerikanong Sundalo) upang ang kanilang prinsipyo, pagmamahal sa bayan, katapangan, katatagan, at paglilingkod ay patuloy na magsilbing inspirasyon sa mga Pilipino sa kasalukuyan hanggang sa susunod na henerasyon.
Ipinagdiriwang natin ang ika-84 na anibersaryo ng makasaysayang araw na ito. Taas-noong ipinagmamalaki, kinikilala, at pinararangalan ang kanilang sakripisyo. Hindi sumuko at nagpatinag sa uhaw, gutom, karamdaman, init, at pagmamaltratong naranasan sa kamay ng mga Hapon. Patunay lamang ito na kahit gaano man kadilim ang landas na tinatahak, mayroon pa ring liwanag at pag-asang maaaninag.
Bilang mga mag-aaral na magsisilbing g**o sa hinaharap, tungkulin nating isulong at itaguyod ang pag-alala sa kanilang kabayanihan. Hindi lang dapat ito manatiling isang aralin sa loob ng aklat ng kasaysayan, bagkus maging instrumento tungo sa paghubog ng diwa at kamalayang panlipunan na nagtataguyod sa makabayang oryentasyon ng pambansang identidad at pagkakakilanlan.
07/04/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ง๐ ๐๐ญ-๐๐๐ฆ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐. ๐๐ซ๐ข๐ฌ ๐๐๐ข๐ง ๐๐๐ญ๐ข๐ซ๐!
Sabay-sabay nating batiin ng isang masayang kaarawan ang ating resident kulog sa gitna ng ulan, ang isa sa mga creative genius at Ingat-Yaman ng DAMLAY PUP Sta. Mesa, Bb. Rein Satira!
Rein, sa panibagong taon ng iyong buhay, nawaโy lalo pang bumuhos ang saya, pagkamalikhain, at mga biyaya saโyo. Huwag mong hayaang matuyuan ang punla ng iyong talentoโpatuloy mo itong diligan ng sipag, inspirasyon, at pagmamahal, gaya ng ginagawa mong pagbibigay-buhay sa ating mga proyekto.
Mula sa iyong mga ka-DAMLAY, maligayang kaarawan saโyo, Rein! Huwag kang magsawang magdala ng liwanag at ligaya kahit sa pinaka-stress na araw!
04/04/2026
๐๐ถ๐ป๐ด๐ด๐ผ ๐ป๐ด ๐ ๐๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐
Sa pagtatapos ng Araw ng Semana Santa, ipinagdiriwang natin ang tagumpay ng pag-ibig na hindi kailanman magwawakas, ang Kan'yang Muling Pagkabuhay. Nawaโy magsilbi itong paalala na anumang hirap o pagsubok ang ating pinagdaanan, may bagong umaga at panibagong simula na naghihintay sa atin.
Sa araw na ito, buksan natin ang ating puso sa kagalakan at liwanag na hatid ng Kan'yang muling pagkabuhay. Ibahagi natin ang pag-asa sa iba sa pamamagitan ng kabutihan, pagmamahal, at pananampalatayang buhay na buhay sa ating mga gawa. Sapagkat sa bawat pagtatapos ay may bagong simula at sa bawat dilim ay may liwanag na sisikat.
Panginoon, salamat sa biyaya ng bagong buhay at pag-asa. Nawaโy maging ilaw kami sa iba at tagapaghatid ng Iyong pagmamahal araw-araw. Amen.
04/04/2026
๐ฆ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐ฑ๐ฒ ๐๐น๐ผ๐ฟ๐ถ๐ฎ
Sa araw ng pananahimik at taimtim na paghihintay, tayo ay inaanyayahang magtiwala sa pangako ng muling pagkabuhay. Bagamaโt madilim at walang katiyakan ang ating paligid, ang araw na ito ay paalala na ang liwanag ay darating sa tamang panahon. Ito ang sandali ng pag-asaโang panahong hinuhubog ang ating pananampalataya upang manatiling matatag kahit hindi pa natin nakikita ang katuparan.
Nawaโy gamitin natin ang araw na ito upang magmuni-muni, magpatawad, at maghanda ng puso para sa bagong simula na hatid ng muling pagkabuhay.
Panginoon, punuin Mo ang aming puso ng pag-asa at tibay ng pananampalataya habang hinihintay namin ang Iyong liwanag. Amen.
03/04/2026
๐๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฒ๐ ๐ฆ๐ฎ๐ป๐๐ผ
Sa araw na ito ng katahimikan at malalim na pagninilay, ginugunita natin ang pinakadakilang sakripisyoโang pag-aalay ng buhay alang-alang sa ating kaligtasan. Ito ang araw ng pagharap sa sakit, paghihirap, at pagdurusa, ngunit kasabay nito ay ang paalala na ang tunay na pag-ibig ay handang magsakripisyo para sa iba.
Nawaโy magsilbi itong hamon sa atin na magpatawad, magpakumbaba, at yakapin ang ating sariling krus nang may pananampalataya. Sa bawat luha at pagsubok na ating nararanasan, alalahanin nating hindi tayo nag-iisa na may pag-ibig na handang umakay at magligtas sa atin.
Panginoon, palakasin Mo ang aming loob sa gitna ng aming mga pagsubok at turuan Mo kaming magpatawad tulad ng Iyong pagpapatawad. Amen.
03/04/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ฉ๐๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ซ๐๐ค๐ญ๐จ๐ซ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ฎ๐ฅ๐ ๐๐๐ง๐ ๐๐๐ซ๐ฆ๐ข๐๐ง๐ญ๐จ!
Simula pa lamang, dama na namin ang iyong hindi matatawarang dedikasyon at malinaw na hangarin para sa samahan. Saksi kami sa iyong pagpaplano, ideya, at pangunguna sa mga proyektong puno ng kahulugan na nagbibigay-buhay sa ating programa.
Nakikita namin ang iyong potensyal na maglingkodโhindi lamang sa loob ng pamantasan kundi maging sa labas nito. Saludo kami sa iyong walang pag-aalinlangang pagtanggap sa mga hamon at tungkulin. Nawaโy patuloy na magningas ang iyong pagmamahal sa ginagawa moโhanggang sa mga susunod mong taon sa kolehiyo.
Ngayong araw at sa mga susunod pa, nawaโy mapuno ang iyong buhay ng biyaya, saya, tagumpay, at maraming pagkakataon. Muli, maligayang kaarawan, Pau!
02/04/2026
"๐บ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
๐โ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐โ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐
๐๐๐
๐๐."
โ
โNgayong ika-2 ng Abril, ating ginugunita ang ika-238 na anibersaryo ng kapanganakan ni Francisco "Balagtas" Baltazar, ang kinikilalang โPrinsipe ng Panulaang Tagalog.โ Sa kanyang mga akda, ipinakita niya na ang panitikan ay hindi lamang pagpapahayag ng damdamin, kundi pagsisiwalat ng katotohanan sa lipunan. Sa pamamagitan ng matatalim na talinghaga at makapangyarihang pananalita, naipinta niya ang anyo ng pang-aapi at kawalan ng katarungan sa panahon ng kanyang kinabibilangan upang imulat ang sambayanan sa nangyayari sa lipunanโmga reyalidad na patuloy pa ring umiiral at dapat harapin.
โ
โHigit pa sa pagiging makata, si Balagtas ay naging tinig ng paninindigan. Ang kanyang mga isinulat ay nagsilbing paalala na ang wika at literatura ay may kapangyarihang magpagising, magmulat, at magbigay-lakas sa bayan. Sa paggunita sa kanyang buhay, nawaโy ipagpatuloy natin ang kanyang diwaโang magsalita, magsulat, at manindigan para sa tama at makatarungan.
02/04/2026
๐๐๐๐ฒ๐ฏ๐ฒ๐ ๐ฆ๐ฎ๐ป๐๐ผ
Sa ating paggunita sa Huwebes Santo, inaanyayahan tayong pagnilayan ang halimbawa ng kababaang-loob at wagas na paglilingkod. Ito ang araw na nagpapaalala sa atin na ang tunay na pagmamahal ay nasusukat hindi sa salita kundi sa gawaโsa mga simpleng sakripisyong iniaalay natin para sa kapwa.
Nawaโy matutunan nating ibaba ang ating sarili upang maitaas ang iba, at magmahal nang walang hinihinging kapalit, tulad ng Kan'yang ipinamalas. Sa gitna ng ating abalang buhay, maglaan tayo ng sandali upang manahimik, magnilay, at muling ituon ang ating puso sa paglilingkod na may malasakit at kabutihan.
Panginoon, turuan Mo kaming maglingkod nang may kababaang-loob at magmahal nang tapat at wagas. Amen.
01/04/2026
๐๐๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ค๐๐ง? ๐๐๐ครซ๐ญ ๐๐๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ค๐๐ง!
Handa ka bang maglaho ang panitikan sa mundo? Ang sagot ay dapat hindi, dahil sa bawat pahina ng panitikan ay nakaukit ang ating pagkakakilanlan, kasaysayan, at kolektibong alaala bilang isang bayan. Ito ang nagsisilbing tulay ng nakaraan at kasalukuyan, at gabay tungo sa mas malalim na pag-unawa sa ating sarili at sa mundong ating ginagalawan. Kung mawawala ang panitikan, tila na rin nating pinawi ang tinig ng ating mga ninuno at ang diwa ng ating pagka-Filipino.
Ngayong Abril ay ipinagdiriwang ang Pambansang Buwan ng Panitikan alinsunod sa Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong 2015. Ngayong taon, tampok ang temang โBekรซt Panitikan: Panitikan ng Katwiran at Kalikasan.โ Hango ang โbekรซtโ sa mga Agutaynรซn ng Palawan, na nangangahulugang pagkakaisa at pagbibigkisโisang paalala na ang panitikan ay hindi lamang likha ng iisang tinig, kundi bunga ng sama-samang karanasan, damdamin, at adhikain ng sambayanan.
Sa temang ito, higit na pinahahalagahan ang ugnayan ng panitikan sa katwiran at kalikasanโkung paanong ang mga akda ay nagiging daluyan ng kritikal na pag-iisip at kamalayang panlipunan, kasabay ng pagmulat sa kahalagahan ng pangangalaga sa ating kapaligiran. Sa bawat tula, kuwento, sanaysay, kanta, at pelikula ay naipapahayag ang mga hamon ng kasalukuyan at ang panawagan para sa pagkilos, pagkakaisa, at pagbabago.
Kaya naman, sa halip na hayaang maglaho ang panitikan, atin itong buhayin, payabungin, at ipaglaban. Sapagkat hanggaโt may nagsusulat, nagbabasa, at nakikinigโmananatiling buhay ang panitikan, at kasama nito, ang diwa ng ating bayang sinilangan.