15/12/2025
𝑰𝒃𝒂'𝒕 𝒊𝒃𝒂 𝒆𝒎𝒐𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒔𝒂 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒐𝒏𝒈 𝒂𝒓𝒂𝒘 𝒏𝒂 𝒑𝒓𝒆𝒔𝒆𝒏𝒕𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏?!! 𝑯𝑼𝑾𝑨𝑾 🫣
Sa bawat hakbang sa entablado at sa bawat eksenang aming isinabuhay, matagumpay naming naitawid ang aming Dulaan bilang huling hamon ng semestre.
Isang pagtatanghal na bunga ng walang sawang ensayo, pagod na may halong saya, at pusong buo ang paniniwala sa kakayahan ng isa’t isa. 🎭 Hindi naging madali ang prosesong ito, ngunit sa tulong ng isa’t isa, aming napatunayan na ang teatro ay hindi lamang pagtatanghal—ito ay tinig, damdamin, at repleksyon ng aming mga karanasan bilang mag-aaral at bilang Pilipino. 🇵🇭✨
Para sa amin na humarap sa kaba, nagtiwala sa proseso, at nagbigay-buhay sa kwento—Isang malaking pagbati! Sa wakas, natapos na natin 'to. 🥹🎉
Ito ay para sa amin, at para sa sining na patuloy naming dadalhin.