18/06/2026
#๐๐บ๐ฝ๐ฒ๐ฎ๐ฐ๐ต๐บ๐ฒ๐ป๐
Opisyal nang nagsimula ang pre-trial conference para sa impeachment case ng Bise Presidenteโisang mahalagang yugto bago ang mismong paglilitis ng Senado bilang impeachment court.
Sa yugtong ito, tinatalakay ng magkabilang panig ang mga isyung pagtutuunan, mga ebidensiyang ihaharap, at mga testigong tatawagin upang maging mas maayos at malinaw ang takbo ng impeachment trial.
Ang Articles of Impeachment ang mga paratang. Ang Answer ang tugon ng Bise Presidente sa mga alegasyon. Samantala, ang pre-trial brief ang nagsisilbing plano o gabay ng bawat panig para sa paglilitis at nagsasaad ng mga pangunahing usaping tatalakayin sa pagdinig.
Habang umuusad ang kaso, mahalaga ring tingnan ang karanasan ng senator-judges sa nakaraang impeachment proceedings, sapagkat magkakaiba ang antas ng kanilang naging paglahok sa ilan sa pinakamahahalagang paglilitis sa kasaysayang pampulitika ng bansa.
Tara Tena't magbantay, makialam, at manindigan para sa ๐บ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐๐น๐๐ต๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ถ๐๐๐ผ๐ป.
17/06/2026
#๐๐ป๐๐ถ๐ฃ๐ผ๐น๐ถ๐๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น๐๐๐ป๐ฎ๐๐๐๐๐ถ๐น๐น
Bago ang sine die adjournment ng Kongreso, naipasa ng Kamara ang House Bill No. 8389 o ang Anti-Political Dynasty Bill. Gayunman, hindi ito umusad sa Senado dahil hindi na natalakay sa kabila ng pagkakasama nito sa mga prayoridad na panukalang nakatakdang pag-usapan sa special session.
Sa panukala, ipinagbabawal ang sabay-sabay na paghawak ng posisyon ng mga magkakamag-anak hanggang sa second degree ng consanguinity (magulang, anak, kapatid, lolo't lola, apo) o affinity (biyenan, manugang, bayaw, hipag) sa iisang antas ng pamahalaanโnational (Presidente, Bise Presidente, Senador), Kongreso (District o Partylist Representative), o local (Mayor o Vice Mayor ng lalawigan, lungsod, o munisipalidad)
Mahalagang maunawaan ang mga terminong ito sapagkat nakabatay rito ang saklaw ng panukala at ang magiging pamantayan sa pagtukoy ng mga political dynasty.
Gayunpaman, maaari pa ring humawak ng posisyon ang mga miyembro ng iisang pamilya sa magkakaibang antas ng pamahalaan nang sabay-sabay.
Bagama't nililimitahan ng panukala ang sabay-sabay na paghawak ng posisyon sa parehong antas ng pamahalaan, nananatiling bukas ang usapin kung hanggang saan nito mababawasan ang impluwensiya ng mga political dynasty sa bansa.
17/06/2026
๐ฆ๐ฝ๐ฒ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐๐น๐ฎ๐๐ ๐ถ๐ ๐ถ๐ป ๐ฆ๐ฒ๐๐๐ถ๐ผ๐ป
Pati ang Kongreso, napabalik sa "special class" matapos ipatawag ng Pangulo ang isang special session sa gitna ng legislative recess.
Sa ilalim ng Section 15, Article VI ng 1987 Constitution, may nakatakdang kalendaryo ng regular sessions ang Kongreso. Gayunman, maaaring ipatawag ng Pangulo ang isang special session anumang oras upang talakayin ang mga panukalang batas at usaping nangangailangan ng agarang aksyon.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpatawag ng special session ang isang Pangulo. Noong March 2020, nagpatawag si dating Pangulong Duterte ng special session upang agarang tugunan ang pandemya ng COVID-19, na nagresulta sa pagpasa ng Bayanihan to Heal as One Act. Muli rin siyang nagpatawag ng special session noong October 2020 upang maipagpatuloy ang deliberasyon sa panukalang 2021 National Budget.
Tara Tena't alamin ang kapangyarihang ipinagkaloob sa Pangulo upang tipunin muli ang Kongreso sa panahon ng recess, at kung paano ito ginagamit upang tugunan ang mga usaping nangangailangan ng agarang pagkilos ng pamahalaan.
Dahil sa politika, may mga pagkakataong kahit bakasyon, tuloy pa rin ang sesyon.
LIVE: Senate holds special session | ABS-CBN News (June 17, 2026)
Watch the live broadcast as the Senate of the Philippines holds a s...
16/06/2026
#๐ฃ๐ฟ๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ ๐ผ๐ป๐๐ต: ๐ฆ๐ข๐๐๐๐ฆ๐ ๐๐พ๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐ ๐๐ถ๐น๐น
Mahigit dalawang dekada na ang lumipas. Hanggang kailan mananatiling panukala ang isang panukalang naglalayong tiyakin ang pantay na pagtrato sa lahat?
Mga mahal, makibeki! 'Wag mashokot! Ipasa na ang SOGIESC Equality Bill!
Pride is power. Pride is protest. Pride is hope.
13/06/2026
#๐ฃ๐ฟ๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ ๐ผ๐ป๐๐ต: ๐๐ฒ๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐ถ๐๐
Bawat tao ay may natatanging s*xual orientation, gender identity and expression, at s*x characteristics (SOGIESC) na humuhubog sa kanilang pagkakakilanlan at pakikisalamuha sa mundo. Ang mga ito ay mahahalagang aspeto ng pagkatao na nararapat igalang, kilalanin, at protektahan.
Sa ating pagtalakay sa SOGIESC, mahalagang maunawaan ang bawat bahagi nitoโngayon ay ang gender identity o ang malalim at personal na pag-unawa ng isang tao sa sarili niyang kasarian. Maaaring ito ay tumugma o hindi sa kasariang ibinigay sa kanya noong siya ay ipinanganak.
Bilang pagkilala sa mga karapatang ito, isinulong sa Pilipinas noong unang bahagi ng dekada 2000 ang SOGIESC Equality Bill bilang panukalang batas laban sa diskriminasyon batay sa SOGIESC. Layunin nitong tiyakin na ang lahat ay may pantay na karapatan at oportunidad anuman ang kanilang pagkakakilanlan.
Mahigit dalawang dekada na ang lumipas, nananatili pa rin itong isa sa pinakamahabang nakabinbing panukalang batas sa Kongreso. Sa kabila ng patuloy na panawagan para sa proteksiyon laban sa diskriminasyon, nahaharap pa rin ito sa matinding pagtutol mula sa ilang sektor.
Mga mahal, makibeki! 'Wag mashokot! Ipasa na ang SOGIESC Equality Bill!
Pride is power. Pride is protest. Pride is hope.
12/06/2026
: ๐๐๐ป๐๐ผ ๐๐ฎ๐ฏ๐ถ๐ป๐ฑ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ
Sa panahong mas madaling mawalan ng tiwala kaysa maniwala, mas madaling manahimik kaysa makialam, at para sa ilan ay mas madaling umalis kaysa manatili, mahalagang balikan ang tunay na kahulugan ng kalayaan.
Hindi lamang ito kuwento ng nakaraan. Isa rin itong hamon sa kasalukuyanโna patuloy na mahalin, paglingkuran, at pangarapin ang bayan sa kabila ng mga pagkukulang at pagsubok nito.
Para kay Lyrae Estelle, ang paggunita sa Araw ng Kalayaan ay hindi lamang pag-alala sa nakaraan, kundi paanyaya na panatilihing buhay ang pagmamahal sa bayan at ang paniniwalang may kinabukasan pa ring dapat ipaglaban.