20/01/2022
๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐
๐ฆ๐ฎ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐๐ผ๐ฟ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ถ๐บ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ฒ๐ฑ ๐น๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐น๐
Enero 20, 2022 โ Patuloy na itinataguyod ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang adbokasiya para sa probisyon ng tamang impormasyon sa ating mga mag-aaral base sa konteksto ng kasaysayan ng Pilipinas at sa mga may legal na batayan.
Ang pagtuturo ng kasaysayan at legaI na impormasyon ay isa sa mahalagang pundasyon natin upang mahubog ang mga paniniwala, karakter, at pagmamahal sa bansa ng mga mag-aaral.
Sa dami ng pagkukuhanan ng impormasyon, kabilang ang mga globo, mapa, reference books, storybooks, at katulad na mga publikasyon, computer programs, at iba pang mga learning materials mula sa lokal o mga ginawa at inangkat abroad, nananawagan ang Kagawaran sa lahat ng mga indibidwal, mga entidad, o mga institusyon na kukuha ng anomang learning materials na siguruhin na ang nilalaman ng mga materyal na ito ay nakaayon sa scientifically proven principles o napapaloob sa konteksto ng kasaysayan ng Pilipinas at mga claim nito.
Habang tayo ay nananawagan sa lahat ng education stakeholders na samahan tayo sa pagpupursiging mabigyan ang ating mga mag-aaral ng tama at wastong kaalaman, pinaaalalahanan din natin ang lahat na maging maingat. Lubhang mahalaga na maingat na suriin ang mga naturang learning resources, lalo na sa mga inangkat na learning materials, na maaring naglalaman ng mga paglalarawan o impormasyon na hindi wastong sumasalamin o sa malala, ay taliwas sa kung ano ang Pilipinas, bilang bansa, mga paninindigan nito sa mga bagay na may kinalaman sa Philippine national territory, historical accounts, at sa kultura, kaugalian, at tradisyon ng mga tao.
Bagaman maaaring may ibang pananaw ang ibang mga bansa sa mga usapin na may kinalaman sa kanilang angking teritoryo, nararapat tandaan na tayo, bilang mga Pilipino, ay dapat kilalanin ang ating teritoryo na itinakda ng batas.
[Full article (English): https://www.deped.gov.ph/2022/01/20/on-inaccurate-depiction-of-the-philippine-territory-in-imported-learning-materials/]
January 20, 2022 โ The Department of Education (DepEd) has consistently advocated for the provision of accurate information to our learners based on the Philippine historical context and those with legal bases. Teaching historical and legal facts is one of the cornerstones of our approach to mold ...