Rise for Education - PUP

  • Home
  • Rise for Education - PUP

Rise for Education - PUP An alliance of organizations, publications, councils, and the academe in the PUP System, united in the fight for our right to education.

NGAYONG ARAW NG KAGITINGAN, ANG SIGAW NG KABATAAN:  ! Kamakailan lamang, aalingawngaw ang balitang aarangkada na ngayong...
08/04/2026

NGAYONG ARAW NG KAGITINGAN, ANG SIGAW NG KABATAAN: !

Kamakailan lamang, aalingawngaw ang balitang aarangkada na ngayong Abril ang Balikatan Exercises 2026. Mariin itong kinukundena ng mamamayang Pilipino simula pa lamang nang mailunsad ito dahil malinaw ang bitbit nito sa bansa: perwisyo sa sambayanang Pilipino.

Sa pagpasok ng libo-libong US Military Forces sa bansa na pinadudulas ng Balikatan Exercises, malinaw na wala itong ibang dala kundi patuloy na pagpapayabong ng kanilang economic at political dominance habang niyuyurakan ang pambansang soberanya ng Pilipinas.

Sa aktwal, ang polisiyang ito ay nakaaapekto sa kabuhayan ng mga mamamayan na inaagawan ng lupa at pinapalayas sa kanilang mga komunidad, at malinaw ding nagiging balon ng abuso at iba pang isyung may kinalaman sa kasarian.

Dahil dito, malinaw ang dapat na maging tindig ng mamamayan, partikular na ng mga Iskolar ng Bayan: NO TO BALIKATAN EXERCISES! Down with US Imperialism! Struggle for National Democracy!

KONDUKTA:
April 9 | 9 AM: Assembly @ Kalaw

SUMAMA SA COORDINATING GC!
https://m.me/j/Aba0jjS2bXs95EsM/?send_source=gc:copy_invite_link_c


MEDIA ADVISORY | PUP Community Joins Baha sa Luneta 2.0 Press Conference 27 November 2025 Mula sa kaliwa’t kanang pagbib...
27/11/2025

MEDIA ADVISORY | PUP Community Joins Baha sa Luneta 2.0 Press Conference

27 November 2025

Mula sa kaliwa’t kanang pagbibitiw sa pwesto at pagsisiwalat ng kriminal na pandarambong sa pondo ng taumbayan sa ilalim ng rehimeng Marcos-Duterte, muling nag-aalab ang galit ng mamamayan, lalo na ng mga kabataan, upang panagutin ang lahat ng sangkot sa korapsyon.

Naghahanda ang maraming lider-estudyante, kawani, at kaguruan ng PUP sa pamamagitan upang muling ipamalas sa Luneta ang ating galit sa patuloy na lumulubhang krisis sa edukasyon at katiwalian ng kasalukuyang estado sa paparating na Protestang Bayan Kontra Kurakot sa November 30.

Sa gitna ng lahat ng ito, mas pinipili pa rin ng estado ang pang-aatake sa mga kabataan na kritikal at matapang na tinututulan ang patuloy na kawalang pananagutan sa korapsyon na nagnanakaw sa ating kinabukasan.

Kaya naman, iniimbitahan ng PUP Sentral na Konseho ng Mag-aaral (SKM) at PUP Rise Against Corruption and Tyranny (RACT) ang lahat ng mga Iskolar ng Bayan sa gaganaping press conference at community planning bukas, November 28, kung saan irerehistro ang panawagan ng buong komunidad ng PUP na muling bahain ang Luneta at isigaw ang ating mga panawagan na panagutin ang lahat ng korap, starting from the top!

Sa press conference rin iaanunsyo ang bilang ng hangad ipadalo mula sa malawak na hanay ng PUP upang makiisang bahain ang Luneta sa ikalawang pagkakataon.

📢 PUP COMMUNITY JOINS BAHA SA LUNETA 2.0 PRESS CONFERENCE
Date: 28 November 2025 (Friday)
Time: 11:00 AM
Venue: PUP Lagoon

Hinihikayat ang lahat ng mga kampus publikasyon na dumalo at maghanda ng mga katanungan para sa bahagi ng bukas na talakayan kasama ang mga tagapagsalita.



TAMA NA! SOBRA NA! PUP, WALKOUT NA! KOMUNIDAD NG PUP, BAGUHIN ANG BULOK NA SISTEMA!Habang kinakaharap natin bilang isang...
05/10/2025

TAMA NA! SOBRA NA! PUP, WALKOUT NA! KOMUNIDAD NG PUP, BAGUHIN ANG BULOK NA SISTEMA!

Habang kinakaharap natin bilang isang komunidad ang mababang badyet sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas taon-taon na nagreresulta ng pagtitiis natin sa sira-sirang mga pasilidad, masikip at mainit na mga silid-aralan, kakulangan sa serbisyo, mababang sahod ng mga g**o at kawani, at mas lumalalang kalagayan, si Marcos Jr. at ang kanyang mga opisyales ay pinagnanakawan tayo ng bilyun-bilyong pisong nararapat sa atin!

Para sa taong 2026, sinasakal tayo ng 9.1 bilyon na kakulangan sa badyet, habang bilyun-bilyon ang napupunta sa bulsa ng mga korap na politiko sa pangunguna ni Marcos Jr.! Panahon na upang ipamalas ang ating sama-samang lakas at paninindigan! Hindi na tayo mananahimik sa ating mga silid-aralan habang ninanakaw ni Marcos Jr. ang ating kinabukasan. Mga Iskolar ng Bayan, sama-samang lumikha ng kasaysayan! Ipanawagan natin ang pagpapanagot at paniningil kay Marcos Jr. at sa lahat ng alipores niyang harap-harapang binubulsa ang kaban ng taumbayan!

Ating patunayan na ang kasaysayan ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ay nakahabi sa kasaysayan ng militanteng tradisyon ng mga Iskolar ng Bayan!

UNITED PUP WALKOUT AGAINST CORRUPTION
October 10, 2025 (Biyernes)
— Decentralized Programs | 10:00AM–11:00AM
— All-Campuses Main Program | 12:00NN

Huwag matakot lumiban sa klase, matakot lumiban sa paglikha ng kasaysayan! Magsuot ng ITIM bilang pakikiisa sa ating isasagawang makasaysayang kilusang walkout!







As swiftly as the Marcos Jr.'s administration steals the hard-earned money of the Filipino people, that's how slow it is...
04/10/2025

As swiftly as the Marcos Jr.'s administration steals the hard-earned money of the Filipino people, that's how slow it is to heed the calls of us, the Iskolars ng Bayan, for sufficient funding for our university. While massive funds are allocated for fascism and corruption, only crumbs are left for the basic sectors, including education.

This is clearly evident in the low budget given to state universities and colleges (SUCs), such as Polytechnic University of the Philippines (PUP) that will only receive P3.62 billion for Fiscal Year 2026, a figure far short of, and not even half, its P12.7 billion proposed budget.

With what this government is doing to us, Iskolars ng Bayan, and to the Filipino in general, we must stand united and continue to demand accountability from those involved in the corruption in our country, as well as to call for a higher and sufficient budget for our university.

Hence, we call on everyone in our university to join the PUP System-wide Walkout on October 10, 2025, to demand accountability from Marcos Jr.'s administration and to assert our right to free, accessible, and quality education!

Iskolar ng Bayan, this concerns you. Let’s RISE for education that is genuinely free, accessible, and of quality for all!



MALAYA NA SI GIO! PERO HINDI PA TAPOS ANG LABAN!Matapos ang mahigit sampung (10) araw ng iligal na pagkakakulong, muling...
01/10/2025

MALAYA NA SI GIO! PERO HINDI PA TAPOS ANG LABAN!

Matapos ang mahigit sampung (10) araw ng iligal na pagkakakulong, muling nakapiling ni Gio Caballes—Iskolar ng Bayan mula sa PUP—ang kaniyang pamilya at komunidad. Ang kanyang paglaya ay nagsilbing patunay ng lakas ng kolektibong pagkilos at pagkakaisa ng kabataan at ng sambayanang Pilipino na hindi nananahimik sa harap ng pang-aabuso, intimidasyon, at pasismo ng gobyerno.

Gayunpaman, nananatiling malinaw na hindi rito nagtatapos ang laban. Ang iligal na pag-aresto kay Gio at sa iba pa noong Setyembre 21—araw na sumasariwa sa alaala ng Batas Militar at pagsingil sa mga korap sa gobyerno—ay matingkad na halimbawa ng panunupil at pagyurak sa karapatan ng mamamayan. Ang bawat araw ng kanyang pagkakakulong ay naging sagisag ng desperasyon ng estado na patahimikin ang mga naglalantad ng katiwalian at inhustisya.

Bilang mga Iskolar ng Bayan, mariin nating ipinapahayag ang pakakaisa sa panawagan ng komunidad na palayain ang lahat ng iligal na inaresto, panagutin ang mga tiwali at mapaniil na nasa kapangyarihan, at igiit ang karapatan ng kabataan at ng mamamayan na lumaban! Para sa kanila, hindi krimen ang magmahal sa bayan at hindi kasalanan ang tumindig laban sa katiwalian. Ang paglaya ni Gio ay hindi pagtatapos, kundi simula ng mas matatag na pagkilos. Sa mga susunod na hearing at sa patuloy na laban para sa hustisya, nakahanda ang buong komunidad na manatiling kasama at kaagapay sa laban na ito.

Hindi titigil, hindi matatakot, at hindi mananahimik ang mga kabataang lumalaban para sa kanilang mga demokratiko at pang-akademikong mga karapatan. Hustisya para kay Gio Caballes at sa lahat ng iligal na inaresto! Ang tinig ng taumbayan ay hindi dapat ikulong!





Photos from Jacob Baluyot of The Catalyst

RELEASE GIO CABALLES NOW! DROP ALL CHARGES AGAINST MENDIOLA 277!Nagkakaisang Pahayag ng mga Konseho at Organisasyon ng P...
26/09/2025

RELEASE GIO CABALLES NOW! DROP ALL CHARGES AGAINST MENDIOLA 277!

Nagkakaisang Pahayag ng mga Konseho at Organisasyon ng PUP bilang Pagkundena sa Arbitraryong Pag-aresto kay Gio Angelo at sa Pasistang Paghahari ng Rehimeng US-Marcos Jr.

Sa ika-53 anibersaryo ng pagdeklara ng Martial Law, muling pininturahan ng karahasan at pang-aabuso ang makasaysayang lansangan ng Mendiola noong Setyembre 21, 2025. gitna ng nagngangalit na tensyon sa pagitan ng mga makabayang kabataan na nangahas na magprotesta laban sa korapsyon at mga berdugong kapulisan, arbitraryong inaresto si Gio Caballes, na kumukuha lamang ng mga larawan noong araw na iyon.

Si Gio ay isang Iskolar ng Bayan na bahagi ng kanilang local student council sa kaniyang kolehiyo at contributor ng mga documentation efforts sa mga student publications at organizations sa pamantasan. Siya ay dumalo sa protesta noong bilang estudyante at dokumentarista upang gampanan ang tungkulin ng kabataan na maging mata at boses ng mamamayan. Pero sa halip, siya ay marahas na inaresto, tinortyur habang nasa kustodiya ng mga pulis, at pinatahimik ng gobyerno ni Marcos Jr. Maging ang karapatan na makausap ang kaniyang pamilya at umugnay sa abogado ay ipinagkait ng Manila Police District (MPD).

Ang lahat ng ito ay tahasang paglabag sa kaniyang karapatan na malayang makapagprotesta bilang isang kabataang lider-estudyante at mamamayan ng ating bansa sa gitna ng tumitinding korapsyon at pambubusabos sa sambayanang Pilipinong lumalaban.

Katulad ni Gio, 276 na mga indibidwal—halos kahati nito ay mga menor de edad at napagbintangan lamang—ang marahas at labag sa batas na ikinulong ng Philippine National Police (PNP) sa nangyaring insidente sa Mendiola-Recto. Ito ay malinaw na pandarahas at pampulitikang panunupil laban sa mga mamamayang nagtatanggol sa katotohanan. Ang nangyaring ito ay patunay ng kultura ng karahasan at pasismo ng mga pulis at iba pang ahente ng estado, at higit lalo ng desperadong panunupil sa mga kabataan at mamamayan na lumalaban para sa pananagutan ng mga tiwali at korap na opisyal ng gobyerno ni Marcos Jr.

Mariing kinukundena ng buong komunidad ng PUP ang marahas at arbitraryong pag-aresto kay Gio Caballes! Panawagan natin na ibasura ang mga gawa-gawang kaso na isinampa laban sa kaniy at sa Mendiola 277 ng PNP-MPD!

Lubos din nating tinututulan ang paggamit ng labis na karahasan ng mga kapulisan sa pagpigil sa karapatan ng mga mamamayan na ipahayag ang kanilang dismaya sa pang-aabuso ng mga makapangyarihan. Hindi totoo na walang nangyaring karahasan sa naganap na protesta sa Mendiola dahil ang kaso ni Gio ang isa sa napakaraming magpapatunay na ito ay isang kasinungalingan. Malinaw na binibigyan ng estado ng kalayaan ang mga pulis at militar gamitin ang kanilang kakayahan upang supilin ang taumbayan!

Kung mayroon mang dapat ikulong, ‘yun ay walang iba kundi ang mga korap, tiwali, at sinungaling sa gobyerno at maging si Marcos Jr. mismo! Habang patuloy lamang na lumalaya at nakikinabang ang mga magnanakaw sa kaban ng bayan, ang taumbayan naman ang pinipilit patahimikin, gipitin, at hulihin.

Panagutin ang mga pulis na sangkot sa marahas na pag-aresto at pagtortyur! Ipaglaban ang karapatan ng mamamayan sa malayang pamamahayag, pagpo-protesta, at pagbalikwas sa bulok na sistemang nagsasadlak sa kahirapan at pumapatay sa mga Pilipino!

Kaya asahan ng gobyerno ni Marcos Jr. na magpapatuloy ang galit at paniningil nating mga Iskolar ng Bayan hanggang sa ganap na hustisya at pananagutan!

# #

READ | STATEMENT OF R4E-PUP MAIN CONVENOR JP AZUSANO ON THE P12.3-B HIGHER EDUCATION BUDGET DEFICIENCY FOR SUCs, EXPOSED...
26/09/2025

READ | STATEMENT OF R4E-PUP MAIN CONVENOR JP AZUSANO ON THE P12.3-B HIGHER EDUCATION BUDGET DEFICIENCY FOR SUCs, EXPOSED BY MAKABAYAN LAWMAKERS IN YESTERDAY’S BUDGET HEARING AND COMPELLED TO BE ALLOCATED FOR FY 2026

"Hindi pa rin 'secured' ang free education sa Pilipinas!

Sa pangunguna ni Kabataan Partylist Rep. Atty. Renee Co, ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio at ibang mambabatas, Php 12.3-B na utang ng gobyerno sa SUCs, mapopondohan na sa 2026!

Sa kabila ng tagumpay, hindi pa rin “secured” ang tunay na libreng edukasyon sa bansa. Marami pa ring bare minimum ang hindi ginagawa ang gobyerno sa sektor ng edukasyon. ‘Di pa tapos ang laban! Patuloy na kikilos ang mga kabataan hangga’t makamit ang isang tunay na libreng edukasyon!" – R4E-PUP Main Convenor JP Azusano

Makabayan lawmakers exposed the ₱12.3B “deficit by design” in the Free Higher Education budget, shortchanging 113 State University and Colleges (SUCs) from 2022 to 2025. After pressure from students, faculty, and SUC officials, the House was forced to address the deficiency, but cuts to 26 SUCs and underfunding remain.

Makabayan lawmakers emphasizes that this initial victory was only possible through collective action with students and faculty at the forefront. They vow to continue the fight for the restoration of the ₱6.4B cut from 26 SUCs, the correction of ₱3.3B still lacking due to DBM’s flawed computation, and the ₱20B needed for long-overdue SUC projects and facilities.

The education sector has never been fully free or fully funded. Students still face tuition and other school fees (OSFs). The fight for sufficient funding and truly free education must continue.


25/09/2025

LOOK | R4E-PUP Main Convenor JP Azusano’s Speech in front of the House of Representatives during the SUCs and CHED Budget Deliberation Mobilization

Today, Iskolars ng Bayan and teachers from PUP, UP, and other universities stormed the House of Representatives to demand higher state subsidy for SUCs and the education sector as a whole.

In his speech, R4E-PUP Main Convenor JP Azusano exposed the looming budget deficit that will further cripple PUP for fiscal year 2026—an attack that will burden students, teachers, and workers alike. He also condemned the recent illegal arrest of PUP student Gio Caballes during the September 21 protest, stressing that the Marcos Jr.’s regime always finds billions for fascism and corruption, while starving education of the bare minimum it needs.

Azusano ended with a call to action: for all Iskolars ng Bayan to take to the streets, fight back, and claim the higher, sufficient budget that PUP and the youth rightfully deserve.

ILAAN ANG 12.7B NA BUDGET PARA SA PUP, HINDI SA KORAPSYON AT PAMAMASISTA!Bukas, ika-25 ng Setyembre ay nakaambang magkar...
24/09/2025

ILAAN ANG 12.7B NA BUDGET PARA SA PUP, HINDI SA KORAPSYON AT PAMAMASISTA!

Bukas, ika-25 ng Setyembre ay nakaambang magkaroon ng budget deliberation ang House of Representatives para sa budget ng State Universities and Colleges (SUCs) at CHED. Kaya naman mariing pinapanawagan ng Rise for Education - PUP (R4E - PUP) ang pagdinig ng mga nasa kongreso sa daing ng mga iskolar ng bayan para sa nakasasapat na budget sa pamantasan gaya ng PUP.

Matatandaan na ayon sa National Expenditure Program (NEP) for FY 2026 na inilabas ng Department of Budget Management (DBM), tanging 3.6B lamang ang inilaan ng administrasyon ni Marcos Jr. para sa PUP. Wala pa sa kalahati ng tunay na kailangan ng pamantasan na 12.7B na nakabase sa Proposed Budget nito. Malinaw na hindi edukasyon at mga panlipunang serbisyo ang prayoridad ng gobyerno.

Habang patuloy ang mga budget deficits sa sektor ng edukasyon, pabulok na serbisyo sa mga tao, at kaawa-awang lagay ng mga mamamayan ay patuloy na wala pa ring napapanagot sa malawakang pagnanakaw sa kaban ng bayan. Nagtuturuan pa rin sila at pinapahaba ang litanya ng paghuhugas-kamay at sisihan upang ilihis ang mamamayan sa tunay na problema. Tapos ang sagot ng estado sa mga sawa na sa korapsyon na mga mamamayan ay pamamasista at pananakit. Ganyan kahirap ang maging kritikal at maningil sa gobyerno ni Marcos Jr.

Hindi sasapat ang may managot lang. Ang dapat ay maibalik ang pera sa taumbayan at mailaan ito sa sektor ng edukasyon na mas higit na nangangailangan ng mataas na badyet. Ang kakulangan ng mga pasilidad at kagamitan, mababang sahod at laging huli na mga benepisyo sa mga manggagawa ay patinding kontraktwalisasyon at pribatisasyon sa pamantasan ay ilan lamang sa mga manipestasyon na HINDI SAPAT ang binibigay ng gobyerno para maging tunay na dekalidad ang edukasyon sa PUP.

Kaya naman mga Iskolar ng Bayan, sumama sa gagawing pagkilos bukas sa harap ng House of Representatives para ating igiit ang ating kailangan at deserve na budget. Kung tunay na naniniwala ang gobyerno na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, ibibigay niyo ang kailangang pondo ng kabataan para makapag-aral. Dahil ang edukasyon ay hindi pribilehiyo, ito ay KARAPATAN NG LAHAT.

📍House of Representatives, Batasan Hills, Quezon City
SEPTEMBER 25, 2025
12:30 PM - Assembly near HOR
1:00 PM - Program @ HOR South Gate

Sumali sa coordinating GC:
https://m.me/j/AbanTDutm4D5iqmV/

PONDO SA EDUKASYON, HINDI SA KORAPSYON!



PALAYAIN SI GIO CABALLES! IBASURA ANG MGA GAWA-GAWANG KASO!Sa anibersaryo ng Martial Law noong Setyembre 21, muling pina...
22/09/2025

PALAYAIN SI GIO CABALLES! IBASURA ANG MGA GAWA-GAWANG KASO!

Sa anibersaryo ng Martial Law noong Setyembre 21, muling pinatunayan ng rehimeng Marcos Jr. na wala itong pinagkaiba sa pasistang diktadurya na pinanday ng kanyang ama. Sa Mendiola, sa harap ng pagkilos laban sa korapsyon at tiraniya, walang-awang pinasok ng kapulisan ang hanay ng mamamayan at marahas na dinakip ang mga lumalaban.

Isa sa mga dinakip ay si Gio Caballes, isang engineering student mula sa PUP, campus photographer, at kasapi ng Student Council, na ngayo’y ginigipit at kinakasuhan ng mga kasinungalingan. Sa halip na tugunan ang panawagan ng mga estudyante para sa mas mataas na badyet at para sa isang ganap na fully funded na pamantasan, mas pinili ng gobyerno na unahin ang panunupil, iligal na pag-aresto, at ang pagpipipi sa tinig ng kabataan.

Ito ang tunay na mukha ng hustisya sa ilalim ng bulok at baluktot na sistemang ito, pabor sa makapangyarihan, mapanupil sa karaniwang tao, at pilit na pinipipi ang mamamayang naninindigan. Ngunit hindi tayo mananahimik! Kung kaya nilang ikulong si Gio, kaya nilang ikulong tayong lahat. Subalit mas matibay at mas malakas ang nagkakaisang hanay ng kabataan at mamamayan kaysa sa pasismo ng estado.

Hangga’t may inaaping ikinukulong, mananatiling buhay ang paglaban. Hangga’t malaya ang mga kurakot at patuloy na pinipipi ang mga naninindigan, mas lalakas ang ating panawagan para sa katarungan at para sa isang lipunang tunay na malaya

Katarungan para kay Gio at sa lahat ng inaresto sa Mendiola-Recto! Katarungan para sa mamamayang patuloy na lumalaban para sa kinabukasan ng bayan!

PALAYAIN SI GIO CABALLES! HUSTISYA PARA SA MGA INAPI AT DINIDIKTAHAN NG PASISTA! HINDI KRIMEN ANG LUMABAN, KRIMEN ANG MANAHIMIK SA HARAP NG KATIWALIAN AT PASISMO!




Address

Anonas, Sta. Mesa

1016

Opening Hours

Monday 08:00 - 20:00
Tuesday 08:00 - 20:00
Wednesday 08:00 - 20:00
Thursday 08:00 - 20:00
Friday 08:00 - 20:00
Saturday 08:00 - 17:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rise for Education - PUP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Rise for Education - PUP:

Shortcuts

  • Want your school to be the top-listed School/college?

Share