25/02/2026
๐๐ข๐ฆ๐๐จ๐ฅ๐จ ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฉ๐๐ฒ๐๐ฉ๐๐ง๐ ๐ซ๐๐๐จ๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง - ๐๐๐จ๐ฉ๐ฅ๐ ๐๐จ๐ฐ๐๐ซ ๐๐๐ฏ๐จ๐ฅ๐ฎ๐ญ๐ข๐จ๐ง.
Ngayon, ika-25 ng Pebrero ay muli nating inaalala ang ating mga kababayang lumaban para sa Pilipinas. Ang ๐๐๐๐๐
๐๐ ay nakikiisa sa pagdiriwang ng anibersaryo ng ๐๐๐๐ ๐๐๐ฏ๐จ๐ฅ๐ฎ๐ญ๐ข๐จ๐ง. Aming inaalala ang dugo at pawis na ibinuwis ng bawat mamamayang Pilipino para makamtan ang tunay na kapayapaan.
โ๐๐ค๐๐ฅ๐ ๐ง๐ข๐ฒ๐จ ๐๐ ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฒ๐๐ซ๐ข๐ก๐๐ง ๐๐ฒ ๐ง๐๐ฌ๐ ๐ข๐ง๐ฒ๐จ, ๐ฌ๐ข๐ง๐จ ๐๐ ๐ค๐๐ฒ๐จ?โ
Apatnapung taon na ang nakalipas mula nang yanigin ng sambayanang Pilipino ang kahabaan ng EDSA upang wakasan ang diktadurang Marcos. Sa loob ng apat na dekadang iyon, ipinangako ang pagbabago, hustisya, at tunay na demokrasya. Ngunit nakapiit sa isang masalimuot na siklo ang patuloy na pagyurak sa karapatang pantao, ang pag-abuso sa kapangyarihan, at ang paglustay ng kaban ng bayan. Bilang isang Bukluran na patuloy na nilalabanan ang anumang anyo ng pagbaluktot sa ating nakaraan, ating gunitain at isabuhay ang diwa ng Unang Himagsikan ng Lakas ng Bayan kung saan pinatunayan ng sambayanang Pilipino na ang tunay na kapangyarihan ay nasa kamay ng nagkakaisang mamamayan.
Apat na dekada na matapos ang diwa ng EDSA, nang makalaya ang sambayanang Pilipino mula sa diktatoryal na rehimen ni Marcos Sr., ngunit may nagbago ba sa mga naging pangunahing isyu na binuwag ng EDSA katulad ng isyung korapsyon, kroniyismo, at pang-aabuso sa ating bayan?
Ang korapsyon ay lumaganap sa rehimeng Marcos Sr. dahil na lamang simula ng Martial Law noong 1972. Lumaganap ang korapsyon sa pamamagitan ng kroniyismo at pagmamanipula sa pampublikong serbisyo kung saan kung ano dapat ang pampubliko ay ginawang pang-pribado dahil na lamang sa mga krony ni Marcos Sr. (Mendoza et al., 2022). Nangyari ang korapsyon na ito sa pamamagitan ng paghiram limpak-limpak na pera sa iba't ibang Pandaigdigang Organisasyon, ngunit ang perang ito na dapat napunta sa mga pampublikong proyekto, napunta ito sa marangyang pamumuhay at paggasta ng rehimeng Marcos Sr. Ang pang-aabuso ng kaban na ito ay nagdulot ng paghihirap ng mga Pilipino dahil ito ay nagdulot ng inflation na nagpahirap sa maraming Pilipino (Aquino, 1999).
Apat na dekada na ang lumipas matapos ang EDSA at ang pagbabago at pag-alis ng korapsyon ay hindi pa rin nalulutas. Nakikita pa rin natin ang ganitong klaseng pamumuno na kung saan isinasaayos ng mga makapangyarihan ang kanilang interes sa pampulitikal upang mas lumakas ang kanilang kapangyarihan at ipursigi ang kanilang pansariling interes at hindi ang ikabubuti ng ating bayan. Isa na lamang dito ang isyu ng flood control kung saan bilyon-bilyon ang nilusta sa pambansang pondo upang gamitin lamang ng mga makapangyarihan sa kanilang sariling benepisyo at interest. Kasabwat dito ang mga kontraktor at mga opisyal ng gobyerno na mayroong โcutโ nakuha mula sa mga proyektong dapat ay para sa pampubliko (Calimbahin, 2025).
Sa pagpapatupad sa Proklamasyon Blg. 1081 ay ang buong Pilipinas ay napasailalim ng batas militar. Ang batas militar ay naglunsad ng 14 na taong despotikong pamumuno na nag-udyok na malawakan at lantarang karahasan sa mga aktibista, lider estudyante, mamamahayag, magsasaka, oposisyon sa pang-aabuso ng kapangyarihan ng mga nakaupo, at ibaโt iba pang uri ng mga sibilyan. Bukod sa paglaganap ng korupsyon sa bansa noong panahon ni Marcos Sr., ang pagsiil sa karapatang pantao at demokrasya ay siyang isa sa mga dahilan ng kolektibong pagkilos ng mamamayan upang tuluyang masugpo itoโsa pamamagitan ng People Power Revolution I.
Noong administrasyon ni Marcos Sr., nagtala ng libo-libong kaso ng mga pansasamantala sa mga sibilyan. Base sa Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) mula sa artikulo ni Melencio (2019), naiulat na nagkaroon ng 5,531 na kaso ng tortyur, 2,537 na bilang ng parusang kamatayan, 783 na sapilitang pagkawala, at 92,607 na ilegal na pag-aresto. Ayon sa profiling sa mga naging bilanggong pulitikal, 80 porsyento sa kanila ang nanggaling sa mga maharnalisadong grupo. Mula sa talaan ay kapansin-pansin na ang disenyo ng batas militar ay upang mapatahimik ang masa na tunay na apektado ng kanyang pamamalakad. Dala ng kawalan sa pananagutan mula sa pamilyang Marcos, ang mga biktima ng batas militar ay napagkakaitan ng hustisya hanggang ngayon.
Mula sa pagtatagumpay ng Unang Himagsikan ng Lakas ng Bayan noong 40 na taong nakalipas, sa rehimen naman ni Bongbong Marcos, ay laganap pa rin ang mga kaso ng pangsasamantala sa karapatang pantao sa ibaโt ibang sektor ng lipunan. Nakakaranas ang mga katutubo at magsasaka sa mga probinsya katulad ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya at Mainang sa Tarlac. Bayolente at puwersahan ang pagpapaalis, para kamkamin ang kanilang lupain ng mga banyagang korporasyon na sinang-ayunan ng gobyerno. Bukod dito ay naglipana rin ang mga kaso ng bilanggong pulitikal; batay sa International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP) (2025), 696 ang nakadetenido sa ibaโt ibang detainee centers sa Pilipinas. Naitala rin ng Amnesty International (2024) at Human Rights Watch (2025) ang iba pang mga kaso ng paglabag sa karapatan, katulad ng sapilitang pagkakawala, ilegal na pagsalakay sa mga tahanan, at ilegal na pag-aresto at pagpatay.
Sa panahon ng Marcos Administration, lumaganap ang pulitikal na dinastiya, isang paraan ng pamumuno kung saan ang kapangyarihan ay nasasakamay lamang ng mga Marcos (Teehankee, 2023). Ang kaniyang asawa na si Imelda ay naging gobernador ng Maynila, at ang anak na si Bongbong ay naging gobernador ng Ilocos Norte. Narito na rin ang kapangyarihan na hinawakan ni Imee bilang tagapangulo ng Kabataang Barangay na hinalinhan ng Sangguniang Kabataan, hinawakan nya ang posisyong ito sa edad na bente anyos lamang (Teehankee, 2023).
Ang kroniyismo ay hindi lamang simpleng pamimigay ni Marcos ng mga pampublikong serbisyo sa kanyang mga kasapi, kundi isa itong sistema ng paglalaan ng monopolyo at pribilehiyo sa piling indibidwal na kasapi ng rehimen. Ang mga kasaping ito ay nagkaroon ng kontrol sa sektor ng agrikultura, niyog, asukal, konstruksyon, bangko sentral, at militar (Aquino, 1999). Sa pamamagitan ng ganitong paraan ng pamumuno, nagkaroon si Marcos ng kapangyarihan upang ipursigi at isulong ang kaniyang pansariling ambisyon (Mendoza et al., 2022). Dahil na rin dito, nawala ang sistema ng suri at balanse sa pampulitika na desisyon at pampublikong serbisyo; lumaganap na lamang ang pagpapapursigi ng pansariling interes ng mga kasapi ng administrasyon (Aquino, 1999).
Nakikita pa rin natin ang ganitong klaseng pamumuno sa kasalukuyang panahon na kung saan ang paglaganap ng pulitikal na dinastiya ay makikita natin mula sa opisina ng ehekutibo, sa loob ng pambansang kongreso, sa mga mayor sa siyudad, at kahit na mismo sa mga barangay (Teehankee, 2023). Dahil lamang ito sa kawalan ng malinaw na batas upang tugunan ang pagbabawal sa pulitikal na dinastiya. Maraming pamilya ang sabay-sabay na humahawak ng posisyon sa lokal na pamumuno at kahit na sa pambansang pamahalaan (Teehankee, 2023). Ang kroniyismo ay hindi na katulad noong panahong Marcos Sr, na kung saan lantaran ang pang-aabuso ng pampublikong kapangyarihan. Ngunit nakikita pa rin natin ito sa pamamagitan ng ibaโt ibang paraan, katulad na lamang ng pagbibigay ng mahahalagang posisyon sa mga indibidwal na may malapit na ugnayan sa mga makapangyarihan, kasama ng sa pamimigay ng malalaking kontrata sa mga kumpanyang may koneksyon sa mga may posisyong pang-pulitikal (Mendoza et al., 2022).
Nasasalamin sa kasalukuyang administrasyon ang mga bakas ng mga nagdaang rehimen, partikular ang diktadurang rehimen na pinatalsik ng masa. Naging isang siklo na ang pagpapahirap sa mamamayan, habang ang mga nakaupo ay hindi pa rin nananagot. Ngunit hindi natin kailangang tiisin ang ganitong klaseng pang-aabuso mula sa ating gobyerno na dapat na mismo ay nagsisilbi sa kanyang mga pinamumunuan. Ang diwa at sigla ng EDSA ay hindi nagtatapos noong 1986 matapos ang Unang Himagsikan ng Lakas ng Bayan. Ito ay laging nananatili sa ating kapangyarihan bilang mamamayang Pilipino. Ang EDSA ay hindi lamang isang pangyayari, bagkus ito ay isang paalala na karapat-dapat nating lumaban upang makamit ang isang gobyerno na inuuna ang kanyang mamamayan at hindi ang pansarili. Nasa loob natin bilang isang kolektibo ang kapangyarihan upang buwagin ang isang sistema na puno ng pang-aabuso, korapsyon, at katiwalian.
Nasa ating mga kamay ang kapasidad upang magkaroon ng gobyernong tapat sa kanyang pinamumunuan. Tayo ay makilahok sa demokrasya at baguhin ang sistema na sumasakal sa atin. Patuloy nating ipaglaban ang ating karapatan, buwagin at labanan ang korapsyon, makilahok sa halalan at pumili ng kandidatong tapat, at lagi nating pagtibayin sa ating puso ang diwa at layunin ng EDSA. Ang diwang ito ay maisasabuhay natin sa pamamagitan ng pakikipaglaban para sa isang gobyerno na tapat, may pananagutan, at mayroong mabuting pamamahala.
Sa panahong tila binubura ang mga bakas ng pakikibaka para sa kalayaan, hindi tayo tatahimik habang may kuwentong kailangang isalaysay, hindi tayo titigil hangga't hindi pa naaabot ang hustisya. Ang matang namulat na sa katotohanan ay hindi na muling pipikit pa
Isang panawagan ng bukluran
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐!