04/10/2025
Happy Teachersโ Day sa aming mga g**o sa Filipino! ๐
Salamat po sa lahat ng pasensya, sa mga paulit-ulit na paliwanag, at sa pagtuturo sa amin kung gaano kaganda ang ating sariling wika. Hindi lang kayo nagtuturo ng aralin, kundi pati ng pagmamahal sa pagka-Pilipino. Sobrang saludo po kami sa inyo, mga g**o naming di napapagod magturo at umunawa.
Kapsiyon: Ayissha Villena
Lay out: Angelo Diaz
09/09/2025
Dilaโt Mata: Kaakuhan ng Pagka-Pilipino sa Panlasa at Kasuotan. Isang pagtatanghal para sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa handog ng Kagawaran ng Filipino at Special Program in the Arts.
Kuha ni: Ayissha Villena
12/08/2025
Opisyal nang binuksan ang Buklat Aklat!
Narito ang mga pitik mula sa pagbubukas ng ating munting paraiso ng mga babasahin, kaya halina't Magbasa, mangarap, at maging bahagi ng ating komunidad ng mga mambabasa. โAng pagbabasa ay paglalakbay na walang hanggan sa bawat destinasyon, may bagong aral, may bagong simula.
Kuha ni: Trisha Villavicencio
Kapsiyon: Ayissha Villena
08/08/2025
BUKLAT AKLAT | Bawat aklat, isang pagkakataon. Bawat pahina, isang panibagong mundo. Bukas na ang ating Buklat Aklat saliksikan! Bukas para sa lahat. Magbasa, matuto, at lumago!
Kapsiyon: Ayissha Villena
08/08/2025
๐ฃ "๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐??" ๐ต๐ญ
โ๐ผ๐ฃ๐ค ๐ฃ๐๐ ๐๐, ๐๐ช๐ง๐ค?โ ๐ค
Ang Buwan ng Wika ay isang taunang pagdiriwang tuwing buwan ng Agosto bilang pagkilala at pagpapahalaga sa ating pambansa.
Hindi lang ito basta selebrasyon, ito ay paalala na ang ating wika ay susi sa pag-unawa sa ating kasaysayan at pagkakaisa.
๐ Bakit nga ba mahalaga ito?
๐๐จ๐ฎ ๐ญ๐๐ฅ๐ฅ ๐ฆ๐, ๐๐๐ค๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐ ๐๐? (Charot) ๐
Sa pamamagitan ng paglinang sa Filipino at mga katutubong wika, mas naiintindihan natin ang ating pinagmulan at nagkakaroon ng mas malalim na pagkakaisa bilang isang bansa.
Wika ang nagbubuklod sa atin, nagpapalakas ng ating identidad, at nagbibigay-daan upang maipasa ang ating mga kwento sa susunod na henerasyon.
Ito ang nagsisilbing tulay sa pagitan ng nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ng ating bansa. ๐
๐ Kaya tara na! ipagdiwang natin ang Buwan ng Wika nang may pagpapahalaga sa ating kasaysayan at pagkakaisa!
๐
Agosto na! Panahon upang gunitain ang ating wika bilang sandigan ng ating nagkakaisang bansa
Kapsiyon: Isha Martinez at Ayissha Villena
Layout: Angelo Diaz
03/08/2025
HANDA NANG MAGLINGKOD! | Noong Agosto 1, matagumpay na isinagawa ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng SAMAFIL at ng iba pang samahan at organisasyon ng MMMHS. Pinangasiwaan ang panunumpa nina Konsehal Voltaire Castaรฑeda at Konsehal Joel Elmer Par ang seremonya, na nagmarka ng isang bagong kabanata sa patuloy na pag-unlad ng Samahan.
Kapsiyon: Ayissha Villena
30/06/2025
Pagbabago sa petsa ng SAMAFIL HALALAN 2025
Gaganapin na ito sa Biyernes, 4 Hulyo 2025 ๐ณ
07/03/2025
Mabait na, masipag pa! 'Yan ang dapat tularan ng kabataan, Dahil imbes na nasa bahay lang at nagse-cellphone, busy ang mga opisyal ng SAMAFIL!
SHOUT OUT SA LAHAT NG FAMILIES JAN! Gusto n'yo ba ng may makakain habang kasama ang inyong anak? Tara na sa BOOTH NG SAMAFIL! May UMAGAHAN na, may MERYENDA pa!
Tara na sa BOOTH NG SAMAFIL bukas, 8 Marso! Mayroon kaming sandwich, burger, mga tusok-tusok, AT HIGIT SA LAHAT, MAY PALAMIG DIN!
Huwag na huwag kayong magpapahuli! Tara na at samahan kami sa BOOTH NG SAMAFIL!
Kapsiyon: Silver Balatbat
Layout: Yana Villanueva
13/02/2025
Para sa assurance? Ikandado na 'yan!
Magtungo sa booth ng SAMAFIL para sa love lock. Puwede pang sulatan ng pangalan ninyo para sure na sure! Murang-mura lang ito!