Manuel Luis Quezon Senior High School Ugnayan Online Action Center

Manuel Luis Quezon Senior High School Ugnayan Online Action Center

Share

We Innovate to Educate!

Photos 20/09/2021

For our references...

TINGNAN: Inaprubahan na ng Pangulo ang implementasyon ng pilot face-to-face classes sa 120 na paaralan sa mga low-risk areas. Ang pagpili sa nasabing mga paaralan ay nakabatay sa mga panuntunan na binuo ng DepEd at DOH upang masig**o ang kaligtasan ng mga mag-aaral at mga g**o.

Basahin ang mga sumusunod na impormasyon para sa inyong gabay.

16/09/2021
16/09/2021
Photos from Manuel Luis Quezon Senior High School's post 16/09/2021
16/09/2021

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š
๐—ฆ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ ๐Ÿญ๐Ÿฌ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ฑ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ฑ๐—ถ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฎ๐˜‡๐—ถ๐—ป๐—ด

Setyembre 16, 2021 โ€“ Mariing kinokondena ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang kahit anomang karahasan na ginagawa laban sa mga mag-aaral at mahigpit na ipinatutupad ang Anti-Hazing Act na nagbabawal sa pagsasagawa ng hazing o anomang initiation rites na may kinalaman sa mga fraternities, sororities at katulad na samahan. Kami ay nagpalabas ng mga kautusan na nagbabawal sa pagsasagawa ng hazing sa mga paaralan at nagpapataw ng parusa sa paglabag nito.

Sa ilalim ng DepEd Order No. 7, s. 2006, na pinamagatang โ€œReiterating the prohibition of the practice of hazing and the operation of fraternities and sororities in elementary and secondary schools,โ€ inaatasan ang mga paaralan na makipagtulungan sa mga lokal na yunit ng Department of Interior and Local Government, Department of Social Work and Development, at ng Philippine National Police upang masubaybayan at makontrol ang pagkalat ng mga fraternities, sororities at mga kahalintulad na samahan sa elementarya at sekondaryang mga paaralan sa kani-kanilang lugar.

Dagdag pa rito, ang DepEd Order No. 3, s. 2021, o ang Child Protection Unit ng Kagawaran ay binuo upang isagawa ang aming pangako sa isang zero-tolerance policy laban sa anomang uri ng pang-aabuso, pagsasamantala, diskriminasyon at pambu-bully. Anomang pagkilos na gang-related o fraternity violence na isinagawa ng mga mag-aaral ay haharapin alinsunod sa mga probisyon ng DepEd Order No. 18, s. 2015 o ang Guidelines and Procedures on the Management of Children-At-Risk and Children in Conflict with the law.

Sisiguruhin ng Kagawaran na ang agarang imbestigasyon ay maisasagawa. Inatasan natin ang mga paaralan na maging mas aktibo sa pagganap sa pagpigil ng anomang karahasan.

Lubos ang aming pakikiramay sa pamilya, higit lalo sa ganitong panahon, at nagdarasal na matanggap nila ang katarungang nararapat para sa kanila.

14/09/2021

For your references...

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

2422 Abad Santos Avenue , Tondo
Manila