12/03/2026
Nakilahok ngayong araw, Marso 12, 2026, ang mga Villamorians sa 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2026.
Sabay-sabay na isinagawa ng mga mag-aaral, g**o, at kawani ang wastong Duck, Cover, and Hold bilang bahagi ng paghahanda sa posibleng lindol at iba pang sakuna. Layunin ng gawaing ito na mapalakas ang kamalayan, kahandaan, at disiplina ng bawat isa sa oras ng sakuna.
Patuloy nating isabuhay ang kahalagahan ng pagiging alerto at handa—sapagkat sa panahon ng sakuna, bida ang handa.
12/03/2026
RSPC 2026 | Opisyal nang nagsimula noong ika-10 ng Marso ang 2026 Regional Schools Press Conference (RSPC) Individual Category na ginaganap sa University of Perpetual Help System DALTA sa Lungsod ng Las Piñas.
Nagtipon-tipon ang mga campus journalist mula sa iba’t ibang Schools Division Offices upang ipakita ang kanilang husay sa larangan ng pamamahayag. Layunin ng kompetisyong ito na piliin ang mga kinatawan ng National Capital Region na lalahok sa NSPC 2026 ngayong Abril 2026.
26/01/2026
IVHS Comeback - DSPC 2026 done, RSPC on the go!
Unang subok, unang panalo. Hindi matawarang saya, tuwa, at galak. Hindi lang panloob ng paaralan, kundi sa labas din habang dala ang pangalan nito.
Ipinagmamalaki ng Ignacio B. Villamor High School ang husay at dedikasyon ng mga mamamahayag sa katatapos na Division Schools Press Conference (DSPC) 2026 – Individual Categories, na ginanap sa Ramon Avanceña High School, Quiapo, Manila, Enero 24, 2026, at nilahukan ng mahigit 50 pampubliko at pribadong paaralan.
Nakamit ng mga miyembro ng "Ang Mulawin" at "The Molave" ang mga sumusunod na puwesto:
1st Place - Sulating Pang-agham at Teknolohiya (Filipino)
5th Place - Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita (Filipino)
1st Place - Copy reading and headline writing (English)
4th Place - Pagsulat ng Balita (Filipino)
8th Place - Pagsulat ng Kolum (Filipino)