09/02/2026
MAPEH MONTH
Ipinapaliwanag ni G. Rossen John C. Lamson g**o ng MAPEH ang batayan ng pagsali sa “OPM Singing Contest (Solo & Duet)” na gaganapin sa Pebrero 13, 8:00-1:30 pm sa Room 209. Kaugnay ito ng pagdiriwang ng MAPEH Month na may temang “Ani ng Sining: Katotohanan at Giting”, Pebrero 5. (Kuhang larawan at kapsyon ni: Lianne C. Delos Reyes)
09/02/2026
BANAL NA MISA
Pinangunahan ni Rev. Fr. Douglas D. Badong ang banal na misa na kaugnay ng pagdiriwang ng MAPEH Month na may temang “Ani ng Sining: Katotohanan at Giting”, Pebrero 5. (Kuhang larawan at kapsyon ni: Lianne C. Delos Reyes)
09/02/2026
ANG PANITIK S.Y. 2025-2026
Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Mataas na Paaralang Jose P. Laurel
https://heyzine.com/flip-book/a26cb7da96.html
02/02/2026
BE A LAURELIAN, ENROLL NOW!
Nakiisa ang mga Laurelians sa pagsisimula ng Early Registration noong Enero 30 sa pamamagitan ng parada sa mga barangay na nakapaikot sa paaralan. Layunin nitong manghikayat ng mga magulang at mag-aaral na magtatapos sa Baitang 6 na mag-enroll sa Baitang 7 para sa S.Y 26-27. (Kuhang larawan ni Lianne C. Delos Reyes at kapsyon ni Isabella Marydith P. Sarmiento)
Sa mga nais mag-enroll, magtungo lamang kay Gng. Eleslie D. Gozon, Grade 7 Curriculum Chair at Gng. Florence R. Dela Paz, Grade 7 Focal Person sa Paaralang Jose P. Laurel upang magpasa ng requirements kagaya ng photocopy ng SF19 (card), Photocopy ng birth certificate (PSA/ NSO) at magfill-out ng early registration form, Lunes hanggang Biyernes 9:00 AM - 3:00 PM at Sabado 8:00 AM - 12:00 Noon.
02/02/2026
MAG-ENROLL NA SA LAUREL!
Namamahagi ng fliers ang mag-aaral na si Abigail C. Gupo, Baitang 7- Einstein ng J.P. Laurel upang ipabatid sa mga magulang na maaari na nilang ipatala ang kanilang mga anak para sa S.Y 2026-2027. Kaugnay ito ng Early Registration na kung saan ay nagparada ang mga mag-aaral at g**o ng Laurel sa mga barangay na nakapalibot sa paaralan, Enero 30. (Kuhang larawan at kapsyon ni: Lianne C. Delos Reyes)
Sa mga nais mag-enroll, magtungo lamang kay Gng. Eleslie D. Gozon, Grade 7 Curriculum Chair at Gng. Florence R. Dela Paz, Grade 7 Focal Person sa Paaralang Jose P. Laurel upang magpasa ng requirements kagaya ng photocopy ng SF19 (card), Photocopy ng birth certificate (PSA/ NSO) at magfill-out ng early registration form, Lunes hanggang Biyernes 9:00 AM - 3:00 PM at Sabado 8:00 AM - 12:00 Noon.
02/02/2026
CHOOSE LAUREL!
Hinihikayat ni Gng. Eleslie D. Gozon, Department Head ng Science at Curriculum Chair ng Grade 7 ang mga Laurelians na tulungan ang paaralan na mapataas ang bilang ng mga magpapatala para School Year 2026-2027. Sinabi ni Gng. Gozon na sa Laurel ay tiyak ang pagkatuto ng mga mag-aaral dahil sa maaliwalas at maayos na mga silid aralan. Bukod pa sa natututukang mabuti ng mga g**o ang pagtuturo sa mga estudyante dahil sa maliit ang bilang ng populasyon kumpara sa ibang paaralan. Kaugnay ito ng Early Registration na sinimulan noong Enero 30. (Kuhang larawan ni Lianne C. Delos Reyes at kapsyon ni Althea Mea T. Gando)
MAGPATALA NA SA LAUREL!
Sa mga nais mag-enroll, magtungo lamang kay Gng. Eleslie D. Gozon, Grade 7 Curriculum Chair at Gng. Florence R. Dela Paz, Grade 7 Focal Person sa Paaralang Jose P. Laurel upang magpasa ng requirements kagaya ng photocopy ng SF19 (card), Photocopy ng birth certificate (PSA/ NSO) at magfill-out ng early registration form, Lunes hanggang Biyernes 9:00 AM - 3:00 PM at Sabado 8:00 AM - 12:00 Noon.
02/02/2026
ENROLL NA SA LAUREL!
Pumarada ang mga mag-aaral kasama ang kanilang mga g**o sa mga barangay na malapit sa Mataas na Paaralang Jose P. Laurel noong Enero 30 upang hikayating i-enroll ng mga magulang ang kanilang mga anak na magtatapos sa Baitang 6 ngayong taon. Kaugnay ito ng pagsisimula ng Early Registration. (kuhang larawan ni Lianne C. Delos Reyes at kapsyon ni Althea Mea T. Gando)
EARLY REGISTRATION, NAGSIMULA NA SA LAUREL!
Sa mga nais mag-enroll, magtungo lamang sa Paaralang Jose P. Laurel upang magpasa ng requirements kagaya ng photocopy ng SF19 (card), Photocopy ng birth certificate (PSA/ NSO) at magfill-out ng early registration form, Lunes hanggang Biyernes 9:00 AM - 3:00 PM at Sabado 8:00 AM - 12:00 Noon.
02/02/2026
January 07, 2026: Head Teacher of the Mathematics Department, Mrs. Abigail T. Laureano, delivered a message during the Mathematics Month celebration. She spiced up her speech with a pickup line: "Probability ka ba? Kasi pag walang wala na ako, ikaw na lang ang natatanging pag-asa ko," which drew laughter from the Laurelians. (Photo and caption: Eunice Andalio)
13/01/2026
MGA PATIMPALAK NA AABANGAN,
SUMALI NA LAURELIAN!
Kasabay ng pagsisimula ng pagdiriwang ng Buwan ng Matematika, inilunsad ang iba't ibang patimpalak sa pangunguna ng mga officers ng Mathematics Club ng Jose P. Laurel High School kagaya ng Math Jingle, Mathira Mathalino, Damath, Sudoku, Poster Making, at OMATH, sa pagbubukas na programa Enero 7, sa JPLHS Quadrangle.
(Kuhang larawan at kapsyon ni Jaron Mathew S. Diaz)
13/01/2026
IBA NA ANG HANDA
Puspusang hinahasa ang husay ng mga manlalaro ng Team Laurel matapos nilang magkampeon sa Palarong Maynila 3x3 basketball laban sa University of Santo Tomas (UST), na ginanap noong Nobyembre 24 sa Dr. A. Albert Elementary School (DAAES). Patuloy ang kanilang pagsasanay bilang paghahanda sa nalalapit na NCR Meet na gaganapin sa Pebrero 16-20, 2026 (Kuhang larawan at kapsyon ni: Lianne C. Delos Reyes)
12/01/2026
MATHEMATICS MONTH NA!
Pinangunahan ni Gng. Abigail T. Laureano, Mathematics Department Head, ang opisyal pagbubukas ng pagdiriwang ng Buwan ng Matematika sa JPLHS na may temang “Mathematics and Hope” noong Enero 7, 2026. (Kuhang larawan at kapsyon ni: Lianne C. Delos Reyes)