16/09/2025
HIGIT SA PAG-ALALA ✊
Ang UPM USC, kasama ang All UP Academic Employees Union – Manila Chapter ay maglulunsad ng film showing and talkback event na pinamagatang “HIGIT SA PAG-ALALA” para sa darating na ika-53 komemorasyon ng pagdedeklara ng Batas Militar.
Itatampok dito ang FAMAS-awarded na pelikulang Alipato at Muog ni Direktor JL Burgos, na susundan ng isang talkback session kasama ang direktor at mga representante ng mga pangmasang organisasyon at alyansa.
Sa pagbalik ng mga Marcos sa kapangyarihan, higit na kailangan nating pag-usapan ang pagpapatuloy ng paglabag sa ating mga karapatang pantao kagaya ng pagdami ng mga desaparecido nitong mga nakaraang taon at pagpapatuloy ng Anti-Terror Law. Naspapanahon din ang paglala ng korapsyon kung saan ang pamilyang Marcos ang nangunguna at laganap na noong panahon pa lang ni Marcos Sr..
Binibigyang-diin ng "HIGIT SA PAG-ALALA" ang kahalagahan hindi lamang ng pag-alala sa madilim na yugto ng Batas Militar, kundi pati ng pagpapatuloy ng pakikibaka para sa karapatan, katarungan, at kalayaan na ipinaglaban ng mga nauna sa atin.
KAILAN: September 19, 1:00 - 4:00 PM
SAAN: UPM CAS Little Theater
Ito ay FREE ADMISSION ngunit limitado lamang ang upuan. Maari mag register dito upang mabigyan ng slot:
tinyurl.com/HigitSaPagalala
tinyurl.com/HigitSaPagalala
tinyurl.com/HigitSaPagalala
08/09/2024
Sama-sama nating gunitain at ipagdiwang ang makulay at makabuluhang buhay ni Regina “Reg” Decangchon.
06/09/2024
The Department of Social Sciences mourns the passing of Prof. Regina Gabriela S. Decangchon. Prof. Decangchon, or Reg to their colleagues, was an alumni of the UP Manila Political Science Program. During their undergraduate days, Reg was a fierce student activist who always preached about the value of the parliament of the streets. Always fighting for the welfare of their kapwa Iskolar ng Bayan, Reg was a former chair of the progressive student party-alliance ASAP-Katipunan. Reg was also an advocate of student athlete welfare and physical health, serving as a councilor for sports in the CAS Student Council and later on the UP Manila University Student Council. Upon their graduation in 2019, Reg enrolled at the UP School of Economics for their Master’s degree. They later became a lecturer for the Development Studies Program in 2021, where they taught Introduction to Economics, Macroeconomics, Microeconomics, History of Economic Thought, and Statistics for Social Sciences. Reg leaves behind a 9-year old son, four siblings, and their parents. Maraming salamat at pinakamataas na pagpupugay, kasamang Regina!
---
The funeral services will be held in San Miguel Subdivision II Chapel in Molino IV, Bacoor City, Cavite from September 6 to 9.
---
Cash donations can be sent to:
Uriela Mikhaela S. Decangchon
(Please see QR code in the comment section)
06/09/2024
Para sa mga nagmamahal kay Regina "Reg" Decangchon:
Nais po nating makalikom ng halaga para sa mga naiwang bayarin sa ospital at pagpapalibing ng ating mahal na yumaong si Reg. Maaari pong i-deposito ang inyong mga donasyon sa mga bank account na nakalagay sa larawan sa baba. Direkta ito kay
Uriela Mikhaela S. Decangchon.
Maaari naman pong makipag-ugnayan kay Uriela Decangchon para sa mga katanungan hinggil sa ating donation drive, at iba pang porma ng tulong na nais nating ibigay sa naulilang pamilya ni Reg.
09/05/2024
PAGBIBIGKIS AT PANUNUMPA: PARANGAL PARA KAY JHUNALICE "JHUNA" ARANTE-ISITA AT MGA MARTIR NG BATANGAS
Malugod na iniimbitahan ng Sulong UP Manila, katuwang ang UP Manila University Student Council, ang mga kasabayan ni Jhuna noon sa ASAP-KATIPUNAN, Tanggol Batangan, Student Christian Movement of the Philippines, at All UP Academic Employees Union - Manila, sa ilulunsad na kultural na programa upang alalahanin ang buhay ng dating mag-aaral ng UP Manila na si Jhunalice "Jhuna" Arante-Isita. Mangyayari ito sa April 26, 2024, Biyernes sa University of the Philipppines Manila. Ang ispesipikong venue ay ianunsyo na namin bago ang Parangal.
Si Jhunalice ay dating mag-aaral ng UP Manila at miyembro ng Student Christian Movement of the Philippines - UPM. kinalaunan ay piniling maging fulltime organizer ni Jhuna sa kanyang sektor at probinsya sa Batangas. Isa si Jhuna sa nasawi noong March 26, 2024 sa Rosario, Batangas kasama ang mga kapwa niya rebolusyonaryong sina Bernado Bagaas at Erickson Benodia, dahil sa takaw-sa-dugong operasyon ng 59th IB ng AFP sa probinsya. Ang mga katulad nila ay nararapat bigyan ng Parangal dahil sa kanilang pag-aalay sa kanilang sariling buhay pakikibaka para sa tunay na kalayaan at demokrasya para sa sambayanang Pilipino.
Sa mga nais dumalo, mag-register lamang sa bit.ly/ParangalparakayJhuna. Kami rin ay magpapalabas ng live ng programa sa April 26 sa aming page.
Nananawagan din kami ng pinansyal na donasyon para sa transportasyon at suporta sa mga dadalo sa parangal na manggaling pang ibang probinsya. Ang makakalap din ay ibibigay sa naulilang anak at magulang ni Jhuna. Sa mga nais mag-bigay, narito ang mga detalye:
GCASH: 09606854250 (KA****E PA****E D.) (Note: For Jhuna)
Mabuhay ang lahat ng martir ng sambayanan!
27/05/2023
Mariing kinokondena ng ASAP-Katipunan (AK), sampu ng mga alumni at taga-suporta nito, ang pagdukot ng mga militar (501st Infrantry Brigade) kina Pat Cierva, isang AK alumna, at sa kasama niyang peasant at youth organizer na si Cedric Casano noong Mayo 18 sa Brgy. Cabiraoan, Gonzaga, Cagayan.
Bago tumungo sa kanayunan upang makipamuhay sa mga magsasaka at umambag sa pagpapaunlad ng kanilang agrikultura, si Pat Cierva ay isa sa mga dating lider-estudyante ng UP Manila sa ilalim ng ASAP-Katipunan. Siya ay naging tagapangulo ng Kabataan Partylist UP Manila (2016 - 2017), naging konsehal ng UP Manila College of Arts and Sciences Student Council at maging ng University Student Council nito para sa National and Local Issues.
Kaya naman siya ay naging Secretary-General din ng KASAMA sa UP, ang systemwide alliance ng student councils sa pamantasan. Taong 2018 ay mahahalal naman siya bilang tagapangulo ng Kabataan Partylist Metro Manila.
Bilang estudyante ng BA Development Studies, nagpracticum siya sa Cagayan Valley noong 2019. Nanatili na siya doon para ganap nang maglingkod sa mga magsasaka ng Lambak ng Cagayan.
Isa si Pat sa mga nanguna sa pagpaparefund ng tuition ng mga estudyante na nagbayad pa rin kahit naipatupad na ang Free Tuition Law. Nanguna rin siya sa kampanya laban sa pagpataw ng Return Service Agreement na hanggang ngayon ay nagpapatuloy na maningil sa ilang estudyante ng UP Manila kahit may free tuition na ito. Pinamumuan din nila ang mga kampanya sa UP Manila kontra SUC budget cut at para sa mga nasalanta ng bagyo maging ang pagsuporta sa mga Lumad at iba pang pambansang minorya.
Siya rin ay tumindig para sa tunay na representasyon ng mga estudyante. Ang kanilang slate noong 2018 UP Manila General Student Council Elections ay hindi iprinoklama kahit sila lamang ang nangahas na tumakbo sa eleksyong iyon. Sila ang unang pinatawan ng arbitraryo at walang konsultasyong patakarang abstain bilang kandidato at 50%+1 naman para sa mga konsehal. Kahit nangyari ito, nakita pa rin niya ang kahalagahan ng representasyon ng mga estudyante at tumakbong muli sa sumunod na Special Elections.
Hanggang ngayon ay dinaranas pa rin ng sangkaestudyantehan ng UP Manila ang bungi-bunging representasyon sa University Student Council maging sa mga lokal na konseho sa samu't saring dahilan na mas pinalala pa ng pagkakaroon ng kandidatong abstain at rekisitong 50%+1 para manalo.
Si Pat at Cedrick ang ika-21 na desaparecido o dinukot ng estado sa ilalim ni Marcos Jr. Katumbas na ito ng lahat ng dinukot sa anim na taon sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Hindi tayo nagkamali sa paglalantad na si Marcos Jr. ay susundan ang pasistant yapak ng kanyang ama. Tuloy-tuloy ang crackdown sa mga pangmasang organisador sa Norte bilang bahagi ng clearing operations bago simulan ang operasyon ng bagong EDCA sites na katumbas na rin ng nga base militar ng U.S.
Pinapanawagan namin sa lahat ng kapwa iskolar ng bayan at iba pang mamamayan na sumali sa kampanya upang agarang ilitaw sina Pat at Cedric at igalang ang kanilang mga karapatang pantao. Dapat itaguyod sa lahat ng pagkakataon ang International Humanitarian Law lalo na at may digmaang sibil pa rin sa bansa.
05/10/2021
[Spill the SARSA]
Ika nga ni Bobby, “bakit parang kasalanan ko (na may brain drain)?”
Share your thoughts by answering the survey now: tinyurl.com/SAYsaRSA
tinyurl.com/SAYsaRSA
tinyurl.com/SAYsaRSA
SARSA volunteer sign-up sheet: bit.ly/SARSA-Volunteer
Join our facebook group: https://www.facebook.com/groups/3147631072224082
07/09/2021
Editorial Cartoon by Max Santiago: Pandemic Priorities
11/07/2021
Nahaharap ngayon ang kabataan at mamamayan sa lumalalang tiraniya at samu-saring krisis sa kalusugan, ekonomiya at edukasyon.
Mahigit isang taon na ang pandemya ngunit wala pa ring mass testing, episyenteng contact tracing at napakabagal pa rin ng pagbabakuna. Dalawang semestre na nagdurusa ang mga estudyante, g**o at mga magulang sa palpak at pahirap na distance learning.
Kailangan nating manawagan at kumilos upang maibalik ang kabataan sa paaralan sa balangkas ng new normal upang masigurado ang ating karapatan sa edukasyon. Kailangan rin natin kumilos kasama ang malawak na hanay ng mamamayan laban sa kriminal na kapabayaan na nagdulot ng krisis na ito.
Ipagtanggol natin ang ating mga demokratikong karapatan at pambansang soberanya laban sa lumalalang pasismo, tiraniya at pangangayupapa sa dayuhan. Tayo ay magkaisa upang pandayin ang mas malayang lipunan!
19/05/2021
Day 24: Tuloy ulit ang operations ng ating Taft Community Pantry!
Nagluto rin ang ang ating team ng dinner for our PGH Frontliners ♡. Maraming salamat sa UP Office of the Student Regent at Tulong Kabataan sa pagpapaabot ng suporta para gawin ito.
Para sa mga interesadong magvolunteer o tumulong, pumunta lamang sa Bit.ly/UPMCommunityPantry
Maari ring makipag-ugnayan sa 09682237858 o mag-email sa [email protected]
DROP-OFF CENTER: Escoda St. corner Taft Avenue