21/10/2024
๐๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐๐๐ฅ๐, ๐๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ญ๐๐ฅ๐ข๐ง๐จ!
Sa darating na halalan, mahalaga ang bawat boto. Upang makatiyak na matalino ang iyong desisyon, magsaliksik at magsuri sa mga kandidatong nais mong iboto.
๐๐ก๐๐๐ค๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐๐ฅ๐ข๐ง๐จ๐ง๐ ๐๐จ๐ญ๐๐ง๐ญ๐:
1. Alamin ang background at plataporma ng bawat kandidato.
2. Suriiin ang kanilang mga nagawa sa nakaraan at kanilang plano para sa hinaharap.
3. Huwag bumoto dahil lamang sa kasikatan o dahil inendorso ng iba.
4. Piliin ang kandidatong may tunay na malasakit sa bayan.
20/10/2024
๐๐ ๐๐๐๐ ๐จ ๐๐๐ญ๐๐ฌ ๐๐ข๐ณ๐๐ฅ: ๐๐๐ค๐ข๐ญ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ ๐?
Ang ๐๐ ๐๐๐๐ ay isang batas na naglalayon na maipaalala sa bawat Pilipino na ang pag-aaral ng buhay at mga akda ni Dr. Jose Rizal ay susi sa paghubog ng makabayan at makataong mamamayan. Ito ay hindi lamang pagbabalik-tanaw sa kasaysayan, kundi isang hakbang sa pag-unawa sa ating pagkakakilanlan bilang Pilipino at kung paano maipapakita ang pagiging nasyonalismo.
๐๐๐ค๐ข๐ญ ๐๐๐ฉ๐๐ญ ๐๐๐ฌ๐๐ก๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ฅ๐ข ๐๐ ๐๐๐ง๐ ๐๐ซ๐ ๐๐ญ ๐๐ฅ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐๐ซ๐ข๐ฌ๐ฆ๐จ?
1. Naipapakita ng mga akda ni Rizal ang kalagayn ng Pilipinas sa ilalim ng kolonyal na pamamahala, ang mga pang-aabuso ng mga pryale at mga opisyal na pamahalaan, pati na ang pagkilos ng mga Pilipino laban dito.
2. Makikita natin ang mga ugat ng mga suliraning panlipunan tulad ng korapsyon, pang-aapi, at kawalang-katarungan - mga isyung hindi nalalayo sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa.
3. Ang mga akdang ito ay nagbibigay inspirasyon sa mga kabataan para maging mulat at aktibong mamamayan upang makamit ang tunay na pagbabago at kaunlaran.
Sa kabuuan, ang ๐๐ ๐๐๐๐ ๐จ ๐๐๐ญ๐๐ฌ ๐๐ข๐ณ๐๐ฅ ay nagpapatibay ng ating diwang makabayan at nagbibigay inspirasyon sa bawat isa na magsikap para sa isang mas makatarungan at mas maunlad na bayan.
19/10/2024
"๐๐ง๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐จ๐ญ๐จ, ๐๐ข๐ง๐๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง"
Bawat boto ay may kapangyarihan. Ito ay higit pa sa isang simpleng papel na ihuhulog sa balota - ito ang iyong kapangyarihan na maaaring makapagpabago para sa ikabubuti ng ating bansa. Sa bawat eleksyon, binibigyan tayo ng pagkakataong pumili ng mga lider na may tunay na malasakit sa bansa at handang magsilbi nang tapat, makatarungan, at walang pinipiling kapalit. Huwag sana natin itong sayangin!
Sa gitna ng mga pangako at plataporma, nararapat na tayo ay maging mapanuri at responsable. Magsaliksik, magtanong, at kilalanin ang mga kandidato. Suriin kung ang kanilang mga plano at hangarin ay tunay na makikinabang ang lahat, hindi lamang sa iilang tao. Alamin din ang kanilang mga karanasan at kakayahan - kaya ba nilang mamuno nang may integridad at karunungan?
Tandaan, ang iyong boto ay hindi lamang para sa ngayon kundi para sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.
๐๐ฎ๐ฆ๐จ๐ญ๐จ ๐ง๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ญ๐๐ฅ๐ข๐ง๐จ. ๐๐๐ฆ๐-๐ฌ๐๐ฆ๐ ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฎ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฒ ๐ค๐๐ญ๐๐ซ๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง, ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ข๐ฌ๐, ๐๐ญ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฌ๐จ!
18/10/2024
๐๐ ๐๐๐๐: ๐จ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐จ๐๐๐ ๐๐ ๐น๐๐๐๐
Ang ๐๐๐ฉ๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐๐ญ ๐๐๐๐ ๐จ ๐๐ข๐ณ๐๐ฅ ๐๐๐ฐ na naipasa noong 1956, ay naglalayong ituro ang buhay, mga akda, at prinsipyo ni Dr. Jose Rizal sa mga paaralan sa buong bansa. Layunin nitong pukawin ang nasyonalismo at kamalayan sa mga suliraning panlipunan sa pamamagitan ng pag-aaral ng "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo."
Higit pa sa literatura, ang batas ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, at pagmamahal sa bayan na mahalaga pa rin sa kasalukuyang lipunan. Ang Rizal Law ay nagpapaalala sa atin na balikan ang mga aral ng nakaraan upang magsulong ng pagbabago at kaunlaran.
โข ๐๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐๐ง๐ข๐ง ๐ฌ๐ข ๐๐ข๐ณ๐๐ฅ: Alamin ang kanyang buhay at mga prinsipyo.
โข ๐๐๐ฌ๐๐ก๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ง๐ฒ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ค๐๐: Tanggapin ang mga mensahe mula sa "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo."
โข ๐๐๐ -๐๐ซ๐๐ฅ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฌ๐๐ฒ๐ฌ๐๐ฒ๐๐ง: Unawain ang mga pinagdaanan ng ating bayan.
๐๐ฌ๐๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ซ๐๐ฅ ๐ง๐ข ๐๐ข๐ณ๐๐ฅ ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐ข ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐จ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ค๐ข๐ง๐๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง!