BSED 3G 2026-2027

BSED 3G 2026-2027

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BSED 3G 2026-2027, Education, Bulacan State University, Malolos.

Magandang buhay! ๐ŸŒป

Tuloy po kayo...

Ang opisyal na page ng Batsilyer ng Pansekundaryang Edukasyon, Medyor sa Araling Panlipunan - 3G ng Bulacan State University - Main Campus

23/08/2026

๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐›๐š๐ญ๐ข ๐ง๐  ๐ค๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐๐›. ๐…๐ซ๐š๐ง๐œ๐ก๐ž๐ฌ๐œ๐š ๐๐ข๐œ๐จ๐ฅ๐ž ๐ƒ๐ž ๐‹๐ž๐จ๐ง!

Isa siya sa mga taong tahimik at mahinhin, pero kapag nakilala mo nang mabuti, makikita mong marami pala siyang dala sa isang samahan. Mabait siya, maayos makisama, at marunong makinig, pero hindi rin siya yung kaibigang basta oo lang nang oo. Kapag hindi siya sang-ayon, hindi niya kailangang makipagtalo para lang maipakita iyon. May sarili siyang paninindigan, at iyon ang isa sa mga bagay na nagbibigay ng tamang balanse sa isang pagkakaibigan. Hindi ka niya palaging pagbibigyan, pero alam mong hindi iyon dahil wala siyang pakialam.

At siyempre, hindi mawawala ang mga pagkakataong lumalabas ang pagiging Bitchesa at ang kanyang Baterbonian side. Sa likod ng pagiging mahinhin ay may humor, kalokohan, at sariling kulit na mas makikita kapag komportable na siya sa mga kasama niya. Pero higit pa rito, isa rin siyang mapagmahal na anak at lalo na sa kanyang kapatid. Sa paraan niya ng pag-aalaga at pagpapahalaga sa pamilya, makikita kung gaano siya ka-genuine bilang tao. Hindi man niya kailangang ipakita palagi, ramdam sa mga taong malapit sa kanya kung gaano siya magmahal.

Mula sa BSED 3G, maligayang kaarawan, Chesca! Nawa'y maging maganda at makabuluhan ang panibagong taon ng iyong buhay. Patuloy kang maging totoo sa sarili at sa mga taong mahalaga sa iyo.

๐‘บ๐’๐’„๐’Š๐’-๐‘ช๐’–๐’๐’•๐’–๐’“๐’‚๐’

21/08/2026

๐—ฆ๐—” ๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—ข ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—Ÿ๐—”: ๐—”๐—ป๐—ด ๐— ๐—ถ๐˜๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป

Sa paglipas ng panahon, may mga pangalang hindi kailanman mabubura sa alaala ng ating bayan. Isa na rito si ๐—•๐—ฒ๐—ป๐—ถ๐—ด๐—ป๐—ผ โ€œ๐—ก๐—ถ๐—ป๐—ผ๐˜†โ€ ๐—”๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—๐—ฟ.โ€”isang taong mas piniling itaya ang sariling buhay para sa pagbabalik ng demokrasya at pagtatanggol sa kalayaan ng bawat Pilipino.

Ngayong ๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿญ, ating ginugunita ang ๐—ก๐—ถ๐—ป๐—ผ๐˜† ๐—”๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐——๐—ฎ๐˜†. Hindi lamang ito simpleng pag-alala sa kaniyang pagpapakasakit, kundi pagkilala sa tapang at paninindigang naging bahagi ng paggising ng kamalayan ng buong bansa. Higit pa sa mga pahina ng ating mga aklat sa kasaysayan, si Ninoy ay naging simbolo ng ๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐˜†๐—ผ, ๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น, ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป.

Ang kaniyang pagbabalik sa Pilipinas noong 1983 ay hindi lamang pagbabalik ng isang pulitiko sa sariling bayan. Isa itong matapang na pagharap sa isang pamahalaang awtoritaryan sa kabila ng malinaw na panganib sa kaniyang buhay. Sa mismong araw ng kaniyang pagdating, isang putok ang tuluyang kumitil sa kaniyang buhayโ€”ngunit hindi nito napatahimik ang mga Pilipinong patuloy na nananawagan para sa kalayaan at pagbabago.

Sa halip, ang kaniyang pagkamatay ay naging ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ด๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ. Mula sa isang trahedya, umusbong ang mas malawak na pagkilos ng sambayanan na kalaunan ay humantong sa ๐—ฃ๐—ฒ๐—ผ๐—ฝ๐—น๐—ฒ ๐—ฃ๐—ผ๐˜„๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ผ๐—น๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐Ÿญ๐Ÿต๐Ÿด๐Ÿฒ.

Lumipas man ang mga taon at magbago man ang panahon, nananatili ang aral ng kaniyang sakripisyo: ang kalayaan ay hindi basta ipinagkakaloobโ€”ito ay ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป, ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ผ๐—น, ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป.

Mga KAPIMAPANS, balikan natin ang mahalagang yugtong ito ng ating nakaraanโ€”hindi upang manatili lamang sa alaala, kundi upang higit na maunawaan ang tunay na halaga ng kalayaang tinatamasa natin ngayon. Maging inspirasyon nawa sa atin ang tapang ng mga nag-alay ng kanilang buhay para sa isang mas malayang bayan.

Sa panahong patuloy na hinahamon ang katotohanan, katarungan, at kalayaan, nawa'y hindi tayo maging mga tagapanood lamang ng kasaysayan. ๐—š๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ, ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป, ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—น๐—ผ๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป.

๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ก๐—œ๐—ก. ๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—š๐—”๐—›๐—”๐—ก. ๐—œ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ ๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก.

Kapsyon ni: Shean Sonsa at Genfer Badeo
Iniwasto ni: Donjie Bentulan
Disenyo ni: Lil'Q Nolasco at Genfer Badeo
๐‘ฒ๐’๐’Ž๐’Š๐’•๐’† ๐’๐’ˆ ๐‘จ๐’Œ๐’‚๐’…๐’†๐’Ž๐’Š๐’Œ๐’”

๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฎ๐—ป:
https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&opi=89978449&url=https://psci.depedpasay.ph/the-legacy-of-ninoy-aquino-a-day-of-reflection-and-national-pride/&ved=2ahUKEwigy9iL4qmWAxXgklYBHSnWI30QFnoECB0QAQ&usg=AOvVaw0aYAfq9vqtAg2zhS7qxkq4


.


20/08/2026

๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐›๐š๐ญ๐ข ๐ง๐  ๐ค๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐š๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐๐›. ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š๐ง๐ž ๐๐ž๐ซ๐ง๐š๐›๐ž!๐Ÿฅณ

Sa unang tingin, maaaring mapagkamalang mataray si Mutuc dahil sa kanyang seryosong mukha at dating, ngunit sa totoo lang, isa siyang mabait at malambot ang puso. Kapag may nakikita siyang umiiyak, hindi rin niya maiwasang maapektuhan at mapaiyak. Sa likod ng kanyang matapang na aura ay isang taong marunong makiramdam at may malasakit sa mga taong nasa paligid niya.

Isa rin siya sa mga taong talagang masarap kasama. Hindi nawawala ang saya kapag nandiyan siya, lalo na kapag lumalabas ang kanyang kakaibang Baterbonia humor na hindi mo minsan alam kung saan nanggagaling. Kahit madalas antukin sa klase, ibang-iba naman kapag oras na ng kalokohan dahil palaging handang makisabay. Isa siya sa mga taong nakakadagdag ng gaan at saya sa samahan nang hindi kailangang pilitin.

Sa araw na ito, hiling namin na patuloy mong dalhin ang kabutihan at pagiging totoo mo sa lahat ng iyong makakasama. Nawa'y maging masaya at makabuluhan ang panibagong taon ng iyong buhay, kasama ang mga taong tunay na nagpapahalaga sa iyo. Muli, maligayang kaarawan, Mariane. Nawa'y marami ka pang magandang alaala at masasayang pagkakataong makasama ang mga taong mahalaga sa iyo.

๐‘บ๐’๐’„๐’Š๐’-๐‘ช๐’–๐’๐’“๐’–๐’“๐’‚๐’


20/08/2026

๐๐ฎ๐ฆ๐š๐›๐š๐ ๐ฒ๐จ ๐ง๐š๐ง๐š๐ฆ๐š๐ง? ๐๐š๐ค๐š ๐ฅ๐ฎ๐ก๐š ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฒ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐ญ๐ฎ๐ฐ๐š ๐๐š๐ก๐ข๐ฅ... ๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐‘๐š๐ข๐ง!๐Ÿฅณ
โ€Ž
โ€ŽPara sa ating Plaridel Representative, certified pink enjoyer, professional troll, top performer(??!!), Beatrix main, part-time racers, at dating yearner ngunit ngayon ay promoted na into a certified lover boy. Happy birthday!
โ€Ž
โ€ŽMula sa pagiging dating tagapagligtas hanggang sa tuluyang pagpasok sa iyong kainbubog era (at hawakโ€”) kasama ang iyong nag-iisang Rain or Shine-illy, masasabi nating may character development talaga!
โ€Ž
โ€ŽMatalino, masayahin, mahilig mang-troll, down-bad, at laging may kalokohan. Talagang hindi nakakasawa kasama. At syempre, hindi mawawala ang pagiging malapit sa mga bata, kaya parang may built-in kid magnet sir. Dagdagan pa ng Todd Malcolm sa background, ilang MLBB games, pagiging โ€œracers" yes racer ha, at ang pinakakilalang pagiging โ€œalcohol-free individualโ€ na wag sana malapit na ma-featured sa isang certain front cover.
โ€Ž
โ€ŽSana ngayong taon, mas marami kang wins, masasayang alaala, cool drips, magandang moments kasama si Sh(a)ine-illy, at mas kaunting pang kakamping nagpapatalo sa ML. Manatili kang chill, mabait, soft-hearted, at walang-kupas ang pagiging unserious. Patuloy mong pasayahin ang mga taong nasa paligid mo at maging proud representative ng Plaridel!

โ€ŽHappy birthday, lover boy! Nawaโ€™y 'di mo magamit si "bestfriend" mo, manalo ka sa bawat karera (wag na sa motor), at manatiling โ€œalcohol-freeโ€ ang iyong katauhan.

๐‘บ๐’๐’„๐’Š๐’-๐‘ช๐’–๐’๐’•๐’–๐’“๐’‚๐’


17/08/2026

๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐š๐ฒ, ๐‚๐ก๐จ๐ง๐š ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ž ๐ƒ๐ž๐ฅ๐š ๐‚๐ซ๐ฎ๐ณ!

"mahilig yan sa purple. mapagmahal at hirap mag let go."

Sa isang malapit na lupain ng malolos, isinilang ang isang Dela Cruz. "sinong Dela Cruz?"

Edi, si Chona Mae Dela Cruz. Madalas sya ma misunderstood, kaya mukha syang masungit. Ngunit, sa likod ng mistulang kasungitan ay ang nakakubling mga tanong at damdamin. Sya iyong tipo ng tao na ipaparamdam sayo na worth it ka. Sya iyong tipo ng tao na marunong makiramdam. Kaya sa kanyang kaarawan, "beh, palumpia ka naman!"

Hiling ng buong ๐Ÿ‘๐† ang kaligayahan mo! Nawa ay maging masaya ka sa araw na ito, lagi't lagi mong aalalahanin na sapat ka! Na karapatdapat ka sa pagmamahal na walang limitasyon at sa pagmamahal na comparison.

๐‘บ๐’๐’„๐’Š๐’-๐‘ช๐’–๐’๐’•๐’–๐’“๐’‚๐’


02/08/2026

Sa pagdiriwang ng ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š ๐š๐ญ ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, muli nating pinagtitibay na ang wika at kasaysayan ay iisang ugat ng ating pagkakakilanlan bilang sambayanang Pilipino. Ang wikang Filipino ay hindi lamang kasangkapan sa pakikipagtalastasanโ€”ito ang sisidlan ng ating kultura, alaala, at mga pakikibakang humubog sa ating bansa. Kasabay nito, ang kasaysayan ang nagsisilbing salamin ng ating mga tagumpay, pagkakamali, at mga aral na patuloy na gumagabay sa kasalukuyan. Ang isang mamamayang may pagpapahalaga sa sariling wika at kasaysayan ay mamamayang may matatag na pagkakakilanlan at malalim na pagmamahal sa bayan.

Ngunit ang wika at kasaysayan ay hindi dapat manatili sa mga pahina ng aklat o maging dekorasyon lamang sa mga pagdiriwang. Ang mga ito ay nararapat maging buhay na sandata ng kamalayan laban sa paglimot, pagbabaluktot ng katotohanan, at anumang anyo ng pang-aapi. Habang may mga tinig na sinusubukang patahimikin at may mga katotohanang pilit binubura, tungkulin nating gamitin ang ating wika upang magsalita nang may tapang, magsuri nang may paninindigan, at ipagtanggol ang kasaysayang bunga ng mga sakripisyo ng ating mga ninuno. Ang wikang malaya ay nagsasalita ng katotohanan, at ang kasaysayang tapat ay humuhubog sa isang mulat na mamamayan.

Ngayong Agosto, higit pa sa paggunita ang ating panawaganโ€”ito ay pagkilos. Ipagdiwang natin ang Buwan ng Wika at Buwan ng Kasaysayan hindi lamang sa pamamagitan ng mga salita, kundi sa pamamagitan ng mga gawaing nagpapahalaga sa ating identidad bilang Pilipino. Sapagkat ang bayang ipinagtatanggol ang sariling wika ay bayang hindi basta sumusuko sa paglimot ng kasaysayan. At ang sambayanang may tapang na alalahanin ang nakaraan ay siya ring sambayanang may lakas na ipaglaban ang katotohanan, katarungan, at isang kinabukasang tunay na para sa bayan.

โœ๏ธ: Lady Mariane Pangilinan
๐ŸŽจ: Pauleen Garcia

31/07/2026

๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐›๐š๐›๐ฒ ๐ ๐ข๐ซ๐ฅ ๐ง๐  ๐๐’๐„๐ƒ ๐Ÿ‘๐†, ๐Š๐ฎ๐ซ๐ญ ๐‘๐ฎ๐ณ๐ณ๐ž๐ฅ ๐‘๐š๐ ๐š๐ง๐ข๐ญ! ๐ŸŽ‰๐Ÿฅณ

Sya ay isang taong madaling mahalin bilang kaibigan dahil dala n'ya ang saya at gaan ng loob saan man sya mapunta. Kilala sya bilang "sponty baby" dahil isang aya lang, game agad. Marami nang masasayang alaala ang nabuo dahil sa pagiging adventurous n'ya, lalo na sa mga simpleng lakad at pag-uukay na naging isa sa mga paboritong bonding kapag nagkakataong magkakasama. Sya ay masayang kasama, mapagmahal, maalaga, at marunong magpahalaga sa mga taong mahalaga sa kanya.

Sya rin ay isang taong may malalim na puso. Apreciative sa mga tao at sa mga biyayang mayroon sya. Family-oriented, dream-driven, masipag, at handang magsakripisyo para sa iba. Minsan man ay pinangungunahan sya ng takot sa sarili at nagdududa sa kakayahan n'ya, hindi nito nababago ang katotohanang napakalayo na ng kaniyang narating. May mga pagkakataong hindi s'ya agad nauunawaan ng ibang tao dahil sa dami ng bagay na tumatakbo sa isip n'ya, ngunit hindi nito nababawasan ang kabutihan ng kaniyang puso. Sya ay isang taong handang matuto, tumanggap ng pagkakamali, at patuloy na maging mas mabuting bersyon ng kanyang sarili.

Kurt, mula sa BSED 3G, hangad namin na maging mabuti ang taong ito sa iyo gaya ng kabutihang ibinibigay mo sa ibang tao. Nawa'y maging mabait ang taong ito sa iyo habang patuloy na minamahal ang mga bagay na mahalaga sa iyong sarili.

31/07/2026

๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—œ๐—š๐—”๐—ช, ๐—›๐—จ๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐— ๐—ข ๐—š๐—˜๐—Ÿ๐—ข! ๐Ÿ•Š๏ธโœŠ๐Ÿป

Taos-pusong nakikiramay ang Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan (KAPIMAPA) sa pamilya at mga naulila ni G. Stephen Angelo Enriquez, ang ating Supremo noong 2010โ€“2012.

Bilang tanging Supremong naglingkod sa loob ng dalawang buong termino, ang kanyang ipinakitang liderato at dedikasyon ay magsisilbing walang-hanggang legasiya sa ating samahan.

Gaya ng kanyang ipinaalala:

โ€œ๐˜š๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฆ (๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ) ๐˜ข๐˜ญ๐˜ธ๐˜ข๐˜บ๐˜ด ๐˜ต๐˜ธ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ข ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ช๐˜ฏ. ๐˜—๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ, ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜ข๐˜ญ๐˜ธ๐˜ข๐˜บ๐˜ด ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฆ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ด: ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ฐ, ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข, ๐˜ข๐˜ต ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข, ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ต๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜ต๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜“๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ ๐˜ข๐˜ต ๐˜Š๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ.โ€

Kung paano niya itinuro sa atin na ang Katotohanan ang nagkakaloob ng Liwanag at Catuiran, nararapat lamang na ang Katotohanan din na ito ang mangibabaw upang makuha ang hustisya para sa kanya.

๐๐€๐๐€๐–๐€๐†๐€๐ ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž:

Mariin nating hinihikayat ang sinumang may mahalagang impormasyon na makatutulong sa imbestigasyon na makipag-ugnayan agad sa Santa Maria Municipal Police Station. Huwag tayong matakot na lumabas at tumulong upang mapanagot ang may sala!

Hustisya para kay Supremo Stephen Angelo Enriquez!

๐‘ด๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Š๐’š๐’๐’๐’ˆ ๐’‚๐’“๐’‚๐’ ๐’‚๐’• ๐’๐’†๐’ˆ๐’‚๐’”๐’Š๐’š๐’‚.


25/07/2026

๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐š๐ฒ ๐ฆ๐จ ๐ฉ๐š! ๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐š๐ฒ ๐ฆ๐จ ๐ฉ๐š!

Sa unang tingin, maaaring siya ang tipo ng taong tahimik at mahiyain. Ngunit kapag mas nakilala mo siya, makikita ang isang taong puno ng kabutihan, kasiyahan, at totoo. Si Keisha ay isa sa mga kaibigang may mahinhin na presensya ngunit malaki ang naiiwang epekto sa mga taong nakakasalamuha niya.

Hindi lamang siya madaling lapitan at masayang kasama, kundi isa rin siyang taong hinahangaan dahil sa kaniyang talino at dedikasyon. Bilang isa sa mga nagbibigay ng mahahalagang anunsyo sa klase, ipinapakita niya ang kaniyang pagiging responsable at maaasahan. Sa likod ng kaniyang pagiging mahinhin ay isang lider na marunong tumupad sa tungkulin at laging handang tumulong sa oras ng pangangailangan.

Mula sa buong 3G, taos-puso naming ipinaparating ang aming pinakamainit na pagbati sa iyong kaarawan. Nawa'y patuloy kang pagpalain ng mabuting kalusugan, walang hanggang kasiyahan, at lakas upang maabot ang lahat ng iyong mga pangarap.

-Mula sa BSED 3G
๐‘บ๐’๐’„๐’Š๐’-๐‘ช๐’–๐’๐’•๐’–๐’“๐’‚๐’

21/07/2026

๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐›๐š๐ญ๐ข ๐ง๐  ๐ค๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐†. ๐‰๐จ๐ก๐š๐ง๐ง๐ž ๐’๐ž๐›๐š๐ฌ๐ญ๐ข๐š๐ง ๐„๐œ๐ฅ๐š๐ซ๐ข๐ง๐š๐ฅ!

Ang Bulakenyong nagja-Japanese na kilala sa kaniyang nakahahawang tawa at masayang personalidad. Isa siya sa mga taong madaling magbigay ng magandang enerhiya sa paligid. Kapag kasama siya, mas nagiging magaan ang mga gawain at mas masaya ang bawat pagkakataon. Sa simpleng kwentuhan man o sa mga ordinaryong araw sa klase, nagagawa niyang magdala ng saya sa mga taong nasa paligid niya.

Higit pa sa pagiging palabiro at masayahin, kilala rin siya bilang isang resourceful, maunawain, magalang, at marunong makisama. Bukas siya sa lahat at may kakayahang gawing komportable ang mga taong nakakasalamuha niya. Dahil sa kaniyang pagiging genuine at totoo sa pakikitungo, marami ang nakakakita sa kaniya bilang isang mabuting kaibigan, kaklase, at kasama. Ang kaniyang kabutihan at pagiging approachable ay ilan lamang sa mga katangiang dahilan kung bakit siya pinahahalagahan ng maraming tao.

Hindi rin maikakaila na isa siya sa mga personalidad na madaling mapansin. Mula sa kaniyang makinis na kutis, natural na kagandahan, at mga biruang may kinalaman sa kaniyang "๐Ÿ๐Ÿ’-๐ข๐ง๐œ๐ก ๐ฐ๐š๐ข๐ฌ๐ญ๐ฅ๐ข๐ง๐ž," "perfect symmetrical face," at "๐œ๐จ๐œ๐š-๐œ๐จ๐ฅ๐š ๐›๐จ๐๐ฒ," naging bahagi na ito ng masasayang kwentuhan sa loob ng klase. Ngunit higit sa anumang papuri o biro, ang tunay na nagpapatingkad sa kaniya ay ang kaniyang mabuting puso, positibong pananaw, at kakayahang magbigay ng saya sa iba nang hindi kinakailangang magpanggap.

๐Œ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐›๐ฎ๐จ๐ง๐  ๐๐’๐„๐ƒ ๐Ÿ‘๐†, taos-pusong pagbati sa iyong kaarawan. Nawa'y maging masaya, makabuluhan, at puno ng magagandang oportunidad ang panibagong taon ng iyong buhay. Hangad namin ang iyong mabuting kalusugan, tagumpay sa mga mithiin, at patuloy na pag-unlad sa lahat ng aspeto ng iyong buhay. Nawa'y patuloy kang maging inspirasyon sa pamamagitan ng iyong kabutihan, pagiging totoo sa sarili, at malasakit sa iba. Maligayang kaarawan!

-Mula sa BSED 3G
๐‘บ๐’๐’„๐’Š๐’-๐‘ช๐’–๐’๐’•๐’–๐’“๐’‚๐’

Want your school to be the top-listed School/college in Malolos?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

Bulacan State University
Malolos
3000