Brief History of Emmaus Bible Institute
Noong 1974, nabili ng Christian Missions in the Philippines ang lupa sa Mabolo, Malolos, Bulacan at ito ay ginawang Campsite ng mga kapatiran. Ginamit ang campsite na ito bilang lugar ng Komperensya, fellowship, camp at training gaya ng Teachers Training Camp na naging Christian Training Camp. Nais din ng mga kapatiran na gamitin ito para magdaos ng isang paaralan ng Biblia (Bible School) . Ang unang klase sa Bible School ay ginawa noong Enero-Marso ng taong 1982 at mayroon itong 15 estudyante. Ang ilan sa mga ito ay mga manggagawa na ng Panginoon na nagnanais na palawakin pa ang kanilang kaalaman sa Biblia at paglilingkod. Cyrill Brookes, isa sa mga pioneer missonary ng CMPI, na ang bible School na ito ay ma develop at maging full term Bible School. Sa kasalukuyan nagpapatuloy ito sa paghahanda sa mga mananampalataya sa paglilingkod sa ubasan ng Panginoon. Rationale
Ang sagot ni Mr. Cyril Brookes nang tanungin sya kung bakit kailangan pa ng kapatiran na magkaroon ng sariling Bible School ay "there are many good Bible School and seminaries in the Philippines. However, whether denominational or nondenominational, they are not in a position to teach New Testament truth as we understand it." Sa kasalukuyan maraming iglesia local ang nangangailangan ng pagsasanay upang ang kanilang mga leader at manggagawa ay maging epektibo sa paglilingkod sa Panginoon. EBI Vision/Pangitain
Makita ang mga lingkod ng Diyos na maging kalugud-lugod sa Kanyang paningin, isang manggagawang walang dapat ikahiya at tapat na nagtuturo ng katotohanan.
2 Timoteo 2:15 RTPV05
EBI Mission/Layunin
Ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga banal, para sa ikatitibay ng katawan ni Cristo, ang iglesya at sa ikakatupad ng Dakilang Komisyon/tagubilin
Mga Taga-Efeso 4:12/Mat. 28:20
SINCE EBI IS AN EDUCATIONAL MINISTRY OF CMPI, EBI ADOPTS CHRISTIAN MISSIONS IN THE PHILIPPINES STATEMENT OF FAITH
Revised 2000
Christian Missions in the Philippines (CMPI) is a service organization for local assemblies affiliated with it, not a denominational headquarters. Local churches and individuals that affiliate with CMPI recognize their common faith in the LORD JESUS CHRIST and His Word. We believe the Word of God is the basis for our beliefs, doctrines, and practices. This statement of faith composed of (A) Fundamental Doctrines and (B) Other Important Doctrine seeks to clarify and affirm the following truths:
A. FUNDAMENTAL DOCTRINES
I. THE BIBLE
We believe that every Word in the original writings of the 66 books of the Old and New Testaments is inspired of God, without error, infallible, and is the supreme and final authority in all matters of faith and life.
*(Psalms 12:6, 19:7-11; 2 Timothy 3:16-17; 2 Pedro 1:20-21; Revelation 22:18-19)
II. THE GODHEAD
We believe that there is one God, eternally existent in three persons: the Father, the Son, and the Holy Spirit, and these three are the one God: the same in substance, equal in power and glory.
*(Genesis 1:26; Deuteronomy 6:4; Matthew 28:19; John 4:24; 10:30; Acts 5:3-4; 2 Corinthians 13:14)
III. GOD THE FATHER
We believe that the Father is fully God, that His Fatherhood is perfect, holy, eternal and personal and that He is the loving Father of our Lord Jesus Christ and of all who trust Christ as Lord and Savior.
*(Matthew 5:48; John 1:18; 3:16; Galatians 4:4-7; 1 Corinthians 1:3; 1 John 3:1; 4:8)
IV. GOD THE SON
We believe that the Lord Jesus Christ is fully God and fully Man; that He was born of a virgin; that He is sinless and incapable of sinning; that He died as a substitute and perfect sacrifice for sinners. He raised bodily form the dead and ascended in His glorified body to the right hand of God the Father where He now ministers as our Great High Priest prior to His promised return. He is the only Savior, and the one Mediator between God and men.
*(Mathew 1:21-23; John 1:1,14; Acts 4:10-12; 1 Timothy 2:5; Titus 2:5; Hebrews1:8; 4:14-15, 7:24-8:1; 1 Peter 3:18)
V. GOD THE HOLY SPIRIT
We believe that the Holy Spirit is fully God; that glorifies Christ, and always works in harmony with the Word of God, of which He is the Author. He convicts the sinner. He regenerates, baptizes, seals, and indwells all true believers at the moment of conversion. He comforts, guides and empowers the believer throughout his life. Every Christians is commended to be filled with the Spirit.
*(John 16:13-15; Acts 5:3-4; 1 Corinthians 12:14; 2 Corinthians 12:12; Ephesians 1:13; 2:20; 4:11-12; 5:18; Titus 3:5; Hebrews 2:3-4)
VI. THE MAN
We believe that the man was created in the image of God. The first man, Adam, was an innocent being enjoying communion with God. He subsequently sinned and as head of the human race passed on a sinful nature to all mankind. All men are sinners by nature and practice, and apart from receiving God’s salvation through faith in the Lord Jesus Christ, are spiritually dead, lost and will suffer everlasting conscious punishment.
*(Genesis 1:26-27; Matthew 13:42, 25:26; Mark 9:43-48; Luke 16:19-26; Romans 5:12; Ephesians 2:1-10;
1 Thessalonians 5:23; Hebrews 4:12; Revelation 20:11-15)
VII. THE SALVATION
We believe that salvation is by the grace of God, and purchased by the blood of Christ, who died as the propitiation for the sins of the whole world. Salvation is offered to all mankind, and is appropriated through faith apart from good works. God’s sovereignty and man’s responsibility are involved together in the process of salvation. All who repent and trust Christ as their Lord and Savior are born again and are eternally secure.
*(Luke 5:32; John 3:16, 5:24, 10:28-30; Acts 20:21; Romans 10:9-10; Galatians 2:16; Ephesians 1:13, 2:8-10;
Titus 2:11; 1 John 2:2, 5:11-13)
B. OTHER IMPORTANT DOCTRINES
I. THE CHURCH
We believe that the Universal Church is made up of all true believers in Christ, both Jew and Gentile. It began on the day of Pentecost and is distinct from Israel. Each Local assembly should be an expression of the universal church. We believe that the local church is central in God’s plan for evangelism, teaching, discipline-making, worship and fellowship. Each local assembly answers to Christ alone, as its Head, and should be pastured by a number of godly men in the church who recognized as elders and oversee the spiritual welfare of the assembly.
*(Matthew 16:18; Acts 2; 20:28; 1 Corinthians 12:12-13, 27; Ephesians 1:22-23, 5:24-25, 30; Philippians 1:1; Colossians 1:18; 1 Timothy 1:1-13; 1 Pedro 5:1-5)
II. THE ORDINANCES OF THE CHURCH
We believe that there are only two ordinances of the church:
1) Baptism by immersion, symbolizing the believer’s identification with Christ’s death, burial, and resurrection to walk in newness of life.
2) The Lord’s Supper which is an essential part to our worship, carried out in remembrance of Him. The bread and the cup symbolize His body and blood. In the Lord’s Supper, as believer priest, we proclaim His death until His return.
*(Matthews 28:19-20; Luke 22:19-20; Acts 8:36-39, 20:7; Romans 6:1-4; 1 Corinthians 11:23-32; 1 Peter 2:5-9)
III. THE SPIRITUAL GIFTS
We believe that the Holy Spirit sovereignty gives spiritual gifts to equip every believer for service towards the growth of the church. Some gifts such as apostleship, prophecy, miracles, tongues, interpretation of tongues and healing, were largely limited in their significance to the foundational and traditional phrase of the church, and are not normative today.
*(1 Corinthians 12:1-14; 2 Corinthians 12:12; Ephesians 1:13; 2:20, 4:11-12, 5:18; Titus 3:18; Hebrews 2:3-4)
IV. THE ROLES OF MEN AND WOMEN
We believe that men and women are equal as far as standing before God is concerned: “there is neither male nor female”. We encourage brothers and sisters to serve the Lord to the fullest, while recognizing definite Scriptural distinctions between the God-given roles of men and women. Men have been given the responsibility of spiritual leadership. While recognizing the very valuable role of godly sisters we believe the New Testament teaches that in spiritual matters women are not to publicly teach or exercise authority over men.
*(Galatians 3:28; Romans 16:1-2; 1 Corinthians 11:1-16; 14:34-37; 1 Timothy 2:9-15; Titus 2:1-5; 1 Peter 3:1-7)
V. THE FUTURE EVENTS
We believe in their personal imminent return of the LORD JESUS CHRIST at an unknown time and date in which the Church, His body, will be raptured or caught up by Him into heaven before the Tribulation. After the Tribulation, Christ will return with His saints to reign on earth for thousands years. Following this millennial period will be the resurrection and judgment of the lost, resulting in their eternal conscious punishment. The saved will have already entered into eternal blessedness.
*(Matthew 24:3-44; Luke 16:19-26; John 14:1-3; 1 Thessalonians 4:13-5:11; 2 Thessalonians 1:8-9;
Revelation 14:9-11, 20:1-21:8; Jeremiah 30:7; Daniel 9:24-27)
VI. THE FINANCES
We look to Christ in faith to supply the needs for His work through His people. Giving is to be done in love, not under compulsion, proportionately, as God prospers us, as a regular part of worship. While bearing one another’s burdens in meeting needs among God’s people we do not encourage solicitation of funds from unbelievers. As steward we desire to seek first His Kingdom and His righteousness in the use of all that He has entrusted to us.
*( Matthew 6:33; 1 Corinthians 4:1-2, 13:3, 16:1-4; 2 Corinthians 8:9; Galatians 6:6; Philippians 4:17-19; 1 Timothy 5:17-18)
Christian Missions in the Philippines, Inc. Ang mga SINASAMPALATAYANAN
Ang Christian Missions in the Philippines (CMPI) ay hindi isang secta o denominasyon, kundi ito’y isang samahan ng mga iglesiang lokal upang makamtan ang kinakailangang pagkakilala ng gobyerno bilang non-profit incorporation. Ang CMPI ay hindi isang autoridad na sentral na nakikialam sa mga bagay ng mga iglesiang pampurok. Naniniwala tayo sa pansarili at malayang pamamahala ng bawat iglesiang pampurok. Naniniwala tayo na ang Salita ng Dios ay ang basihan para sa ating mga paniniwala, mga doctrina, at mga pagsasagawa. Kusang-loob ang pagsasama ng mga iglesiang pampurok sa CMPI; kinikilala nila ang ating makakaparehong pananampalataya sa Panginoon Jesu-Cristo at sa Kanyang Salita. Ibinabahagi po namin ang mga sinasampalatayanang ito sa ikaliliwanag at sa ikakatibay ng mga iglesiang pampurok na nagnanais na sumama sa CMPI. ANG BIBLIA
Naniniwala tayo na ang bawat salita ng Dios sa original na kasulatan sa Lumang Tipan at Bagong Tipan ay kinasihan ng Dios na walang pagkakamali, ni walang pagbabago, at ito ang pinakasakdal, pinakamataas, at pang-huling autoridad sa lahat ng mga bagay sa pananampalataya at pagsasagawa ng mga ito. (Awit 12:6, 19:7-11; 2 Tim. 3:16-17; 2 Ped. 1:20-21; Apoc. 22:18-19)
II. ANG DIOS
Naniniwala tayo na may iisang Dios na nagpahayag sa tatlong persona: Ang Dios na Ama, Ang Dios na Anak, at Ang Dios na Espiritu, at ito’y namamalagi magpakailanman. (Gen. 1:26; Deut. 6:4; Mt. 28:19; Jn. 4:24; 10:30; Gawa 5:3-4; 2 Cor. 13:14)
III. ANG DIOS NA AMA
Naniniwala tayo na ang Ama ay tunay na Dios na ang Kanyang pagka-ama ay sakdal at magpakailanman at Siya ang Ama ng Panginoon Jesu-Cristo at ng sinumang sumasampalataya kay Jesu-Cristo. (Mat. 5:48; Jn. 18; Gal. 4:4-7; 1 Cor. 1:3)
IV. ANG DIOS NA ANAK NA SI JESU-CRISTO
Naniniwala tayo na si Jesu-Cristo ay tunay na Dios at tunay na tao na ipinanganak ng isang birhen. Si Jesu-Cristo ay walang kasalanan at hindi nagkasala. Siya’y namatay bilang halili at sakdal na kabayaran para sa mga makasalanan. Siya’y nabuhay na mag-uli mula sa kamatayan at umakyat sa langit na taglay ang maluwalhating katawan na lumuklok sa kanan ng Dios Ama. Ang Panginoon Jesu-Cristo lamang ang Tagapagligtas, at Tagapa-magitan sa Dios at sa mga tao. (Mat. 1:21-23; Jn. 1:1,14; Gawa 4:10-12; 1 Tim. 2:5; Tito 2:13; Heb. 1:8; 1 Ped. 3:18)
V. ANG DIOS NA ESPIRITU SANTO
Naniniwala tayo na ang Espiritu Santo ay tunay na Dios, na lumuluwalhati kay Jesus, at hindi Siya kumikilos na nakasalungat sa Salita ng Dios. Siyang nagbabago sa buhay ng tao, bumabautismo at nananahan sa mga tunay na mananampalataya na Kanyang tinatakan mula nang tanggapin si Cristo bilang Tagapagligtas at Panginoon. Dapat ang bawat Cristiano ay mangapuspos ng Espiritu Santo. Siya rin ang nagbibigay ng mga espiritual na kaloob upang magamit ang bawat mananampalataya sa paglilingkod sa ikalalago ng iglesia, ayon sa Banal na Kasulatan. Naniniwala rin tayo na may mga kaloob na katulad ng pagiging apostol, panghuhula, pagsasalita ng ibang wika, at pagpapagaling na ginamit ng Dios noon sa pagsisimula ng iglesia na hindi napapanahon sa ngayon.. (Jn. 16:13-15; Gawa 5:3-4; 1 Cor. 12-14; 2 Cor. 12:12; Ef. 1:13, 2:20, 4:11-12, 5:18; Tito 3:5; Heb. 2:3-4)
VI. ANG TAO
Naniniwala tayo na ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Dios. Ang tao ay binubuo ng katawan, kaluluwa at espiritu. Si Adan na unang taong nilikha ay nagkasala, at namana natin ang kanyang makasalanang likas. Lahat ng tao ay makasalanan dahil sa likas at gawa. Kung walang kaligtasan na mula sa Dios ang tao ay naligaw at makakaranas ng walang hanggang kaparusahan. (Gen. 1:26-27; Mt. 13:42, 25:46; Mk. 9:43-48; Lk. 16:19-26; Rom. 5:12; Ef. 2:1-3; 1 Thes. 5:23; Apoc. 20:11-15)
VII. ANG KALIGTASAN
Naniniwala tayo na ang kaligtasan ng biyayang natamo mula sa Dios ay binayaran sa pamamagitan ng dugo ni Cristo na namatay bilang pangpalubag-loob sa mga kasalanan ng buong sanglibutan. Ang kaligtasan ay inaalok sa lahat ng tao, at makakamtan sa pamamagitan ng pananampalataya, na hiwalay sa ating mga mabuting gawa. Sabay-sabay sa kapangyarihan ng Dios at sa pagtugon ng tao ay makakamtan ang kaligtasan. Sa lahat na nagsisi ng kasalanan at nagtiwala kay Jesu-Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas ay ipinanganak na muli at makakamit ang katiyakan ng kaligtasan. (Lk. 5:32; Jn. 3:16, 5:24, 10:28-30; Gawa 20:21; Rom. 10:9-10; Gal. 2:16; Ef. 1:13, 2:8-10; Tito 2:11; 1 Jn. 2:2, 5:11-13)
VIII. ANG IGLESIA
Naniniwala tayo na ang pangkalahatang iglesia ay binubuo ng mga mananampalataya kay Jesu-Cristo magmula sa Pentecostes hanggang sa pag-agaw ng iglesia. Ang bawat iglesiang pampurok ay isang maliit na larawan ng tinatawag na pangkalahatang iglesia. Naniniwala tayo na ang iglesiang lokal ay sentral sa plano ng Dios sa pagbabahagi ng ebanghelyo, sa paggawa ng mga alagad, sa pagsamba at sa pakikisama. Mananagot ang bawat iglesiang lokal kay Cristo lamang bilang pangulo ng bawat iglesiang lokal. Mayroon mga makadios na lalaki sa bawat iglesia na kinikilala bilang mga matanda ng iglesia na silang namumuno at nag-aalaga sa espiritual na kalusugan ng kapulungan. (Mat. 16:18; Gawa 2:42-47, 20:28; 1 Cor. 12:12,13, 27; Ef. 1:22-23, 5:24,25,30; Fil. 1:1; Col. 1:18; 1 Tim. 1:1-13; 1 Ped. 5:1-5)
IX. ANG PAGLILINGKOD NG MGA BABAE
Naniniwala tayo na ang ating mga kapatid na babae ay kapantay sa mga lalake bilang kasamang tagapag-mana ng biyaya ng kabuhayan. Dahil dito pinalalakas natin ang loob nila upang maglingkod sa Panginoon sa: personal na pagbabahagi ng ebanghelyo, pagtuturo sa mga ibang babae at sa mga bata, panalangin, pamimigay, hospitality, practical na paglilingkod, pagbabahagi ng literatura, musika, pag-aalaga ng mga mahihirap, at pagtatayo ng sambahayang Cristiano. Kinikilala rin natin ang kaibahan ng mga tungkulin ng mga babae at lalake. Maliwanag ang pagtuturo ng Bagong Tipan na hindi puedeng magturo, ni magkaroon ng pamumuno ang babae sa lalake at sa iglesia, kundi mag-aral na tumahimik na may buong pagpapasakop na may malaking halaga sa paningin ng Dios. ( Gal. 3:28; Rom. 16: 1,2; 1 Cor. 11:1-16; 14:34-37; 1 Tim. 2:9-15; Tito 2:1-5; 1 Ped. 3:1-7)
X. ANG MGA ORDINANSA NG IGLESIA
Naniniwala tayo na may dalawa lamang nakatala sa Banal na Kasulatan kung pag-uusapan ang ordinansa: 1) Ang tinatawag na bautismo sa pamamagitan ng paglubog sa tubig na nagsisimbolo na ang mananampalataya ay namatay na kalakip ni Cristo Jesus, na nalibing na kasama Niya at muling nabuhay para lumakad sa bagong paraan ng pamumuhay. 2) Ang tinatawag na banal na hapunan, na inaalaala natin ang Panginoong Jesu-Cristo sa Kanyang kamatayan at pagkabuhay na maguli; sa pamamagitan ng tinapay at pag-inom sa saro na nagsisimbolo ng Kanyang katawan at dugo na ipinahahayag natin palagi hanggang sa Kaniyang muling pagbabalik. (Mat. 28:19-20; Lk. 22:19-20; Gawa 8:36-39, 20:7; Rom. 6:1-4; 1 Cor. 11:23-32)
XI. ANG MGA BAGAY NA HINAHARAP
Naniniwala tayo na ang Panginoong Jesu-Cristo ay muling babalik upang agawin ang iglesia at ito’y malapit na, sa isang araw at oras na ‘di nalalaman ng sinoman, bago sa Dakilang Kapighatian. Pagkatapos ng Dakilang Kapighatian ay ang isang libong taong paghahari ng Panginoong Jesus dito sa lupa. Ito’y susundan ng huling pagkabuhay na maguli at paghuhukom ng mga naligaw na makakaranas ng walang hanggang kaparusahan. Ang mga mananampalataya kay Cristo ay makakaranas ng walang hanggang pagpapala. (Mat.24: 3-44; Lk. 16: 19-26; Jn. 14: 1-3; 1 Thes. 4: 13-5:11; 2 Thes. 1:8-9; Apoc. 14: 9-11, 20:1-21:8)
XII. ANG PANANALAPI
Naniniwala tayo na hindi kukulangin ang gawain ng Panginoon, na ginagawa sa pamamaraan ng Panginoon. Sa pamamagitan ng pananampalataya inaasahan lamang natin si Cristo nagbibigay ng sapat, sa pamamagitan ng Kanyang mga tao. Sa pag-ibig nagkakaloob tayo, ayon sa ating iginiginhawa, bilang palagiang bahagi ng ating pagsamba. Hindi tayo naniniwala sa public na paghihingi o paglilimos, ni ang paghahanap ng kontribusyon sa labas ng iglesia. Bilang mga katiwala ng Dios nais natin hanapin muna ang Kanyang kaharian at ang Kanyang katuwiran sa ating pagamit ng lahat ng Kanyang ipinagkatiwala sa atin. (Mat.6:33; 1 Cor. 4:1-2, 13:3, 16:1-4; 2 Cor.8-9, Gal. 6:6; Fil. 4:17-19; 1 Tim. 5:17-18; 3 Jn. 7)
Copyright © 2022 by C M P I . All Rights reserved! Any Content or Media on this Site is prohibited from any Use!