DepEd Tayo - Bulihan Elementary School

DepEd Tayo - Bulihan Elementary School BEStheBEST

Congratulations, Ma’am Rosemarie P. Intal!Your Bulihan ES family proudly celebrates your well-deserved promotion to Admi...
21/09/2026

Congratulations, Ma’am Rosemarie P. Intal!

Your Bulihan ES family proudly celebrates your well-deserved promotion to Administrative Officer II!

May this new chapter bring you greater opportunities, continued growth, and success. Keep shining and continue to inspire!

We are truly proud of you!! πŸ‘πŸΌπŸ‘πŸΌπŸ‘πŸΌ

MALUGOD NA PAGBATI!Buong pagmamalaking binabati ng Bulihan Elementary School si Sir Rommel Cruz, CESE sa pagkilala bilan...
21/09/2026

MALUGOD NA PAGBATI!

Buong pagmamalaking binabati ng Bulihan Elementary School si Sir Rommel Cruz, CESE sa pagkilala bilang MOST OUTSTANDING PUBLIC SCHOOLS DISTRICT SUPERVISOR sa 2026 Division Search for Outstanding Teaching-Related Personnel!

Ang pagkilalang ito ay patunay ng iyong dedikasyon, pamumuno, at tapat na paglilingkod para sa patuloy na pag-unlad ng edukasyon at kapakanan ng mga g**o at mag-aaral.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang iyong tagumpay upang lalo pang maitaguyod ang mahusay, makabuluhan, at makataong paglilingkod sa ating distrito.

Mabuhay at maraming pagbati, Sir Rommel!
Ang buong pamilya ng Bulihan Elementary School ay nakikiisa sa pagdiriwang ng iyong tagumpay!

Distrito Apat, Tapat at Sapat!

Paghahanda para sa muling pagbubukas ng klase bukas! πŸ«πŸ’™Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tumulong upang maging malinis...
15/09/2026

Paghahanda para sa muling pagbubukas ng klase bukas! πŸ«πŸ’™

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tumulong upang maging malinis, ligtas, at handa ang ating paaralan para sa pagbabalik ng ating mga mag-aaral.

Maraming salamat kay Mr. Rescue, Kons. Ega Domingo, para sa flushing at fogging, at sa Barangay Pinagbakahan sa kanilang tulong sa paglilinis at pag-flush ng school grounds.

Lubos din ang aming pasasalamat sa SPTA, sa pangunguna ni President Kons. Crisanto de Jesus sa pag-organisa at pakikipag-ugnayan para maisagawa ang mga ito. πŸ™

Bayanihan in action! πŸ’ͺπŸ’™
Maraming salamat po! 🫢

PAUNAWA | ALTERNATIVE DELIVERY MODE (ADM)BULIHAN ELEMENTARY SCHOOLAlinsunod sa Atas Tagapagpaganap Bilang 5, Serye ng 20...
07/09/2026

PAUNAWA | ALTERNATIVE DELIVERY MODE (ADM)
BULIHAN ELEMENTARY SCHOOL

Alinsunod sa Atas Tagapagpaganap Bilang 5, Serye ng 2026, ng Sangguniang Barangay ng Bulihan sa pamumuno ni IGG. Kap. Luisito C. ZuΓ±iga, ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) sa Bulihan Elementary School.

πŸ“… SETYEMBRE 7–9, 2026

Dahil sa patuloy na pagbaha sa paaralan na dulot ng Habagat at pagtaas ng tubig, pansamantalang hindi muna isasagawa ang face-to-face classes upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral.

Hinihiling sa mga magulang at mag-aaral na makipag-ugnayan sa mga g**o at sundin ang mga gawain at tagubiling ibibigay para sa pagpapatuloy ng pagkatuto.

Kaligtasan ang prayoridad. Patuloy ang pagkatuto!

πŸ“’ PAUNAWA | BULIHAN ELEMENTARY SCHOOLATAS TAGAPAGPAGANAP BILANG 4SERYE NG 2026Alinsunod sa Atas Tagapagpaganap Bilang 4,...
02/09/2026

πŸ“’ PAUNAWA | BULIHAN ELEMENTARY SCHOOL

ATAS TAGAPAGPAGANAP BILANG 4
SERYE NG 2026

Alinsunod sa Atas Tagapagpaganap Bilang 4, Serye ng 2026, na inilabas ng Sangguniang Barangay ng Bulihan sa pamumuno ni IGG. Kap. Luisito C. ZuΓ±iga, ipatutupad ang Alternative Delivery Modes (ADM) sa Bulihan Elementary School (BES).

Dahil sa patuloy na pagbaha sa paaralan, pansamantalang hindi muna maisasagawa ang face-to-face classes sa Setyembre 2–4, 2026.

Sa halip, isasagawa ang mga kinakailangang alternative learning activities upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng ating mga mag-aaral habang higit na binibigyang-prayoridad ang kanilang kaligtasan at kapakanan.

Hinihiling sa mga magulang at mag-aaral na makipag-ugnayan sa kanilang mga g**o at sundin ang mga gawain at tagubiling ibibigay para sa pagpapatuloy ng pagkatuto.

Manatiling ligtas, mag-ingat sa pagbaha, at patuloy na matuto!

Kaligtasan ang prayoridad. Patuloy ang pagkatuto! πŸ’™πŸ’š

πŸ“’ ANNOUNCEMENT | HINAY (Ease-in) πŸ’πŸ’šPara sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral, lahat ng klase ay lilipat sa ...
01/09/2026

πŸ“’ ANNOUNCEMENT | HINAY (Ease-in) πŸ’πŸ’š

Para sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral, lahat ng klase ay lilipat sa ASYNCHRONOUS MODALITY sa Setyembre 2, 2026.

Manatiling ligtas at ipagpatuloy ang pagkatuto sa pamamagitan ng pagsunod sa mga gawain at tagubilin na ibibigay ng inyong mga g**o.

Hayo at magpatuloy. Hinay at mag-adjust. Hinga at mag-check in. Hinto kung kinakailangan.

Stay safe and keep learning!

Maraming Salamat sa Bayanihan! Taos-pusong pasasalamat sa SPTA President na si IGG. Kons Crisanto De Jesus at sa kaniyan...
26/08/2026

Maraming Salamat sa Bayanihan!

Taos-pusong pasasalamat sa SPTA President na si IGG. Kons Crisanto De Jesus at sa kaniyang mga kasama sa kanilang walang pagod na pagtutulungan sa paglilinis ng Grade 1 Humble at Grade 2 – Patience classrooms, na naapektuhan at nalubog sa baha.

Sa gitna ng hamon na dulot ng pagbaha, napakalaking bagay ng inyong oras, lakas, at malasakit upang muling maging malinis, ligtas, at maayos ang silid-aralan para sa ating mga mag-aaral. 🧹🧼✨

Ang inyong ipinakitang bayanihan at malasakit sa paaralan ay tunay na inspirasyon. Maraming salamat sa pagiging katuwang ng Bulihan Elementary School sa pagpapanatili ng isang ligtas at maayos na learning environment. πŸ™πŸ’š

Kapag sama-sama, mas mabilis nating nakakabangon.
Mabuhay ang diwa ng bayanihan! πŸ‡΅πŸ‡­

πŸ“’ HINAY LEARNING CONTINUITY | AUGUST 27–28, 2026Dahil kasalukuyan pa ring nakararanas ng pagbaha sa maraming lugar sa Bu...
26/08/2026

πŸ“’ HINAY LEARNING CONTINUITY | AUGUST 27–28, 2026

Dahil kasalukuyan pa ring nakararanas ng pagbaha sa maraming lugar sa Bulihan, at bilang tugon sa Atas Tagapagpaganap Bilang 3, Serye ng 2026 ng Barangay Bulihan, ang Bulihan Elementary School ay magpapatupad ng HINAY (ease-in) / Alternative Delivery Modes (ADM) sa Agosto 27–28, 2026, sa halip na face-to-face classes.

Ang hakbang na ito ay isinagawa upang mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani, habang patuloy na naipagpapatuloy ang pagkatuto sa kabila ng sitwasyon.

πŸ“š All classes will shift to asynchronous modality.

Hinihikayat ang mga mag-aaral at magulang na manatiling updated sa mga gawain, learning materials, at instructions na ibabahagi ng mga g**o.

πŸ™ Patuloy nating unahin ang kaligtasan.
🐒 Hinay-hinay muna, ngunit tuloy ang pagkatuto!

Stay safe and keep learning, Bulihan ES! πŸ’šπŸ’™

πŸ“’ PABATID | HINAY LEARNING CONTINUITYDahil sa masamang kondisyon ng panahon at pagbaha na maaaring makaapekto sa kaligta...
23/08/2026

πŸ“’ PABATID | HINAY LEARNING CONTINUITY

Dahil sa masamang kondisyon ng panahon at pagbaha na maaaring makaapekto sa kaligtasan at pagpasok ng ating mga mag-aaral, ang lahat ng klase ay ililipat sa HINAY (Ease-in) Learning Continuity sa Agosto 24, 2026.

Ang mga mag-aaral ay susunod sa asynchronous learning modality at sa mga gawaing, learning materials, at instruksyong ibibigay ng kanilang mga g**o.

Hinihikayat ang lahat na manatili sa ligtas na lugar, maging mapagmatyag sa lagay ng panahon, at unahin ang kaligtasan ng bawat isa.

HINAY muna, ngunit tuloy ang pagkatuto! πŸ’πŸ“–

Mag-ingat po tayong lahat at patuloy na matuto kahit nasaan man tayo.

17/08/2026

πŸ“’ PUBLIC ADVISORY
Suspension of Classes | City of Malolos

In light of the continued inclement weather due to the enhanced Southwest Monsoon, and as precautionary measure to ensure the safety and well-being of our learners and school personnel, CLASSES in ALL LEVELS in both public and private schools in the City of Malolos are hereby suspended tomorrow, August 18, 2026.

The suspension is intended to minimize exposure of learners, teaching, and non-teaching personnel to hazards associated with the prevailing weather conditions.

The public is advised to remain indoors, monitor official weather updates from PAGASA, and stay alert for further announcements from the City Government of Malolos and local authorities.

Let us all stay vigilant and take the necessary precautions to safeguard lives and property.

Please be guided accordingly.

β€” Atty. Christian D. Natividad
City Mayor

Address

Malolos
3000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo - Bulihan Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Tayo - Bulihan Elementary School:

Shortcuts

Share

Category