Ang Opisyal Na Pahayagan Ng Pambansang Mataas Na Paaralan Ng Nancapian

Ang Opisyal Na Pahayagan Ng Pambansang Mataas Na Paaralan Ng Nancapian Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ang Opisyal Na Pahayagan Ng Pambansang Mataas Na Paaralan Ng Nancapian, School, Malasiqui.

๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—œ๐—ก  |  ๐˜๐˜ช๐˜ฎ๐˜ช๐˜จ ๐˜•๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜š๐˜ข ๐˜•๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ๐™๐™–๐™ง๐™– ๐™ฃ๐™– ๐™จ๐™– ๐™จ๐™ž๐™ก๐™š๐™ฌ-๐™จ๐™ž๐™ก๐™š๐™ฌ! โ€” Sa isang lugar kung saan ang mga tao ay mahilig ...
24/12/2024

๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—œ๐—ก | ๐˜๐˜ช๐˜ฎ๐˜ช๐˜จ ๐˜•๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜š๐˜ข ๐˜•๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ

๐™๐™–๐™ง๐™– ๐™ฃ๐™– ๐™จ๐™– ๐™จ๐™ž๐™ก๐™š๐™ฌ-๐™จ๐™ž๐™ก๐™š๐™ฌ! โ€” Sa isang lugar kung saan ang mga tao ay mahilig sa magandang pook-destinasyon, isang agaw-tingin na lugar ang pupukaw sa iyo sa Nancapian; Ito ang Arenas Christmas Village. Kilala ito bilang destinasyon ng karamihan tuwing sasapit ang kapaskuhan na taunang isinasagawa โ€” isang testamento ng kahiligan sa pamamasyal ng mga Pinoy na sumasalamin sa mayamang kultura ng Pilipinas.

Maari nating masabi na ang mga Pinoy ay isa sa may pinakamahabang pagdiriwang ng pasko dahil sa maagang pagsisimula ng pagdaraos nito mula Setyembre hanggang Pebrero. Panigurado marami sa atin ang napapaisip, mga katanungan gaya ng, "Bakit napakaagang magdiwang ng kapaskuhan ang mga Pinoy?", ang sagot ay nakapaloob na sa puso ng mga Pilipino sa pagiging malapit sa Diyos at pagmamahal sa pasko. Ipinapaalala ng "silew-silew" na sa kabila ng hirap na pinagdaraanan ng karamihan, nagiging sing tibay at liwanag nila ang mga palamuti rito na siyang nagpapakita sa katatagan nating mga Pilipino, habang pinapatatag nito ang totoong kakanyahan ng ating kultura. Isang lugar na halimbawa rito ay ang, Arenas Christmas Village na matatagpuan sa Nancapian, sa bayan ng Malasiqui.

Nagsimula ito noong 2022 na pinangunahan ni Congresswoman Rachel "Baby" Arenas na siyang nagbigay daan sa pagbubukas nito sa masa matapos ang paglaban natin sa Covid-19.

Naging tampok sa mga Malasiqueรฑo at sa ibang karatig-bayan dahil sa taglay nitong ganda na siyang sumisibolo sa kasaganahan ng Barangay Nancapian. Isa sa mga "highlights" dito ay ang mga pailaw, higanteng christmas tree, "movie screening", at ang tema ng kastilyo na mala "Frozen" โ€” May kasabihan na nga na, "Hindi ka taga-Malasiqui kung hindi ka pa napadpad dito". Sumisimbolo ito sa "silew-silew" bilang isang "go-to" na pasyalan tuwing kapaskuhan. Mabenta ito sa karamihan dahil libre ito para sa madla at mas kaanya-anyaya ito dahil habang ikaw ay naglilibot maari kang bumili ng iyong makakain sa mga "food vendors".

Ayon sa aking nakapanayam na bisita ng pasyalan na si Gng. Joyce na ramdam na ramdam niya ang kapaskuhan dito at ang mainit na pagtanggap ng mga taga-Nancapian.

"Ibang-iba talaga rito sa Nancapian, ramdan na randam mo ang kapaskuhan! Tapos yung pakiramdam na welcome ka talaga rito dahil sa mainit na pagtanggap sa bisita ng mga taga-Nancapian."

Patunay ang mga nailahad na salita ng Ginang sa walang kupas na pagdidiwang ng mga Pilipino sa Pasko at ang pag alala sa kapanganakan ni Hesus. Ang pook-pasyalan na ito ay higit pa sa nakikita ng ating mga mata. Nagbibigay ito ng saya, bata man o matanda, na siyang nagsisilbing ilaw ng pag-asa at lampara sa madilim na tinatahak ng bawat isa.

Nagpahintulot ito sa mga Pilipino na maranasan ang init ng pagmamahalan sa kapaskuhan, anuman ang kanilang katayuan, malugod silang inaanyayahan at bumisita rito. Ang Arenas Christmas Village ay isang paalala na ang mga pailaw ay magiging parte ng kultura ng naging temporaryong kasiyahan sa karamihan at magpapatuloy pa sa mga susunod na henerasyon.

At sa "silew-silew" na ito, marami ang magsasabi na, "Tara, balik na tayo sa pailaw sa Nancapian!".

Isinulat ni:

Jei Garcia

Tagapayo ng Publikasyon Ng Raniag:

Filipino: Joyce Bulatao Monteposo

English: Lalaine Camorongan

Address

Malasiqui

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Opisyal Na Pahayagan Ng Pambansang Mataas Na Paaralan Ng Nancapian posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share