31/07/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐! | ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐
Ngayong araw, ika-31 ng Hulyo, minarkahan ang kauna-unahang pagpupulong ng mga bagong halal na opisyal ng MAVC Supreme Secondary Learner Government (SSLG). Isinagawa ito bilang paghahanda sa mga susunod na gawain, programa, at mga kaganapan ng organisasyon at ng paaralan.
Ang pagpupulong ay pinangunahan ng mga gurong tagapayo na sina G. Harold Mariano at Bb. Donita Aquino. Sinimulan ito sa isang mainit na pagbati at pagtanggap sa mga bagong halal na opisyal, bilang hudyat ng panibagong yugto ng kanilang paglilingkod.
Bilang panimula ng pagpupulong, pinangunahan ng bagong halal na Pangulo, si G. Dave Nathaniel Doria, ang panalangin upang hingin ang gabay at karunungan sa Poong Maykapal.
Sa pagpapatuloy ng pormal na pagpupulong, binigyang-diin ni G. Harold Mariano ang mga nakaplanong proyekto, programa, at mga inisyatibong isusulong ng SSLG. Tinalakay rin ang mga paghahandang kinakailangan upang maging maayos at matagumpay ang mga susunod na gawain ng organisasyon.
Naging bukas din ang pagpupulong sa mga mungkahi at pananaw ng bawat bagong halal na opisyal. Binigyan sila ng pagkakataong maipahayag ang kanilang mga ideya, mga programang nais isulong, at ang mga pagbabagong hangad nilang maihatid.
Sa huli, nagtapos ang pagpupulong sa isang maayos, produktibo, at makabuluhang talakayan na naglatag ng matibay na pundasyon para sa panibagong taon ng pamumuno.
Ang pagpupulong na ito ay hindi lamang simbolo ng pagkakaisa, kundi patunay rin ng isang organisasyong may malinaw na layunin, matatag na pamumuno, at iisang adhikainโang maglingkod nang tapat, responsable, at may malasakit sa bawat mag-aaral.
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
Likha ni: Rhenji Kiel Abalos | P.R.I.O in Filipino
Materyal sa Paglathala: Cedrick James Yadao | Multimedia Officer