25/01/2026
Ang edukasyon ay kolektibong pananagutan. Ito ay makapangyarihang kasangkapan upang hilumin ang pilat ng nakaraan, at tuluyang tuldukan ang dekadang kasaysayan ng karahasan, kahirapan at sugat, higit lalo sa mga katutubong pamayanan. Kami, sa BUKLOD- LAHI, ay naninindigan para sa isang edukasyong inklusibo, may paggalang sa kultura, at mapagpalayaโedukasyong napagtitibay hindi lamang ang kaalaman kundi pati ang dignidad.
Edukasyon para sa lahat, edukasyong may pagkilala at paggalang sa pagkakaiba.