14/05/2026
ENROLL NOW!
MISSION
To “train up children in the way they should go so that when they are old they will not d
14/05/2026
ENROLL NOW!
22/03/2025
Enrollment is now going on!
16/09/2024
UPDATE: Classes suspended for ALL LEVELS, in all private and public schools, in Malabon City today (Tuesday, 17 September 2024) as recommended by the City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO).
| Sa bisa ng DepEd Order No. 37, s. 2022, automatikong suspended ang lahat ng klase mula Kindergarten hanggang Grade 12 dulot ng pagtataas ng Tropical Cyclone Signal No. 1 sa lungsod ngayong Martes, September 17, 2024.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling nakatutok sa mga mahahalagang impormasyon o anunsiyo ukol sa lagay ng panahon. Maging alerto anumang oras at mag-ingat para sa kaligtasan ng lahat.
Kung may emergency, maaaring makipag-ugnayan sa Malabon Command Center sa mga numerong
8-921-6009, 8-921-6029, 0942-372-9891, o 0919-062-5588. Maaari rin kayong mag-text sa TXTMJS sa 225687 o 0917-889-8657.
27/08/2024
| Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ngayong Miyerkules, August 28, 2024 dulot ng itinaas na Heavy Rainfall Warning ng PAGASA sa buong Metro Manila.
Manatiling nakaantabay sa mahalagang impormasyon o anunsiyo ukol sa lagay ng panahon. Maging alerto po tayong lahat sa anumang oras at palaging mag-ingat para sa kaligtasan ng lahat.
26/08/2024
Dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan dahil sa mga sunud-sunod na thunderstorms at paglakas ng hanging habagat, pagbaha sa mga pangunahing lansangan at rekomendasyon ng Malabon City DRRMO, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan, maari namang magsagawa ng online o modular na klase ang mga apektadong paaralan ngayong Martes, August 27, 2024.
19/08/2024
WALANG PASOK | Kaugnay ng pagkasira ng Dampalit Tide Control Gate Structure sa Kaylanan Creek, Doña Juana Flood Gate sa Brgy. Dampalit at inaasahang pagtaas ng tide level na aabot pa rin sa 1.90 metro ay inirekomenda ng Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office ang pagsuspinde ng face to face classes sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Malabon sa lahat ng antas bukas, Agosto 20, 2024. Maaari naman magpatupad ng asynchronous o online class ang mga nasabing apektadong paaralan.
Sa kabila nito, patuloy naman ang isinasagawang repair sa Tanza Navigational Gate na inaasahang matatapos sa Sabado, Agosto 24, 2024. Ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon ay nakikipag-ugnayan na rin sa MMDA at DPWH tungkol sa kinakailangang repair sa mga nasirang flood control structures sa Barangay Dampalit.
Pinaaalalahanan ang lahat na mag-ingat at manatiling ligtas mula sa anumang panganib.
26/07/2024
Announcement!
Regular Classes will be Shortened Period on July 29 - August 1, 2024
24/07/2024