21/08/2025
🇵🇭✨ Pambansang Paggunita ✨🇵🇭
Ngayong Agosto 21, 2025, ating ginugunita ang Ninoy Aquino Day
Isang special non-working holiday bilang pagkilala sa kabayanihan ni Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr., na nag-alay ng kanyang buhay para sa kalayaan at demokrasya ng ating bansa.
💡 Paalala: Walang pasok ngayong araw.
Nawa’y magsilbing inspirasyon sa atin ang kanyang katapangan at pagmamahal sa bayan.
✊🏼 “The Filipino is worth dying for.” – Ninoy Aquino
08/08/2025
Happening now‼️
Tara na! Magpalista ka na at maging Baganing IESian📝
07/08/2025
Baganing IESian Membership Drive✍️
Tara na’t sumali sa Baganing IESian!
Isang makasaysayang lakbayin ang naghihintay sa'yo!
Dito, matutuklasan mo ang mga kwento ng ating lahi,
matututo kang maging makabayan, at
magiging kabahagi ka ng mga gawaing puno ng saya, talino, at pagmamahal sa bayan!
📅 August 8, 2025 | 11:00am-3:00pm
📍 IES Covered Court
📌 Hanapin lamang si Bb. Vehnea, Gng. Bugay, at Club Officers
✨ Bukas para sa lahat ng mag-aaral sa IES!
🇵🇭 Tara na, batang bayani! Maging isang Baganing IESian!
24/11/2024
Magandang buhay!
Sa selebrasyon ng National Student’s Day, ang AP Club ay nakikiisa sa selebrasyong ito.
Hinihikayat namin ang bawat klase sa Araling Panlipunan na isagawa ang inihanda naming activity para sa mga bata. Nawa ay mabigyang kasiyahan kayo ng gawaing ito.
Happy National Student’s day! 🧡
https://kahoot.it/challenge/03168843?challenge-id=6d23affd-a950-4a1d-9d17-23465c0c8345_1732494004130
Play Kahoot! challenge: AP Club: Gaano mo kakilala ang lungsod ng Malabon?
Play this assigned kahoot titled AP Club: Gaano mo kakilala ang lungsod ng Malabon?
23/11/2024
Official AP Club Officers. Pagbati sa mga batang lider!✨
19/11/2024
📢 Halalan para sa Mga Opisyal ng AP Club!
Magandang araw sa lahat ng miyembro ng AP Club! 📚
Inaanyayahan namin kayong makilahok sa nalalapit na Halalan ng mga Opisyal ng AP Club. Ito ay isang mahalagang pagkakataon upang maghalal ng mga lider na magpapatuloy sa adhikain ng ating organisasyon.
📅 Petsa: Nobyembre 20, 2024
⏰ Oras: 1:00 PM
📍 Lugar: NHA Building, Room 29
Bakit dapat bumoto?
✅ Makilahok sa pagpili ng mga bagong lider.
✅ Maging bahagi ng pagbabago at pagpapalakas ng ating club.
✅ Suportahan ang kapwa mag-aaral na nais maglingkod.
Para sa mga nais kumandidato:
➡️ Mangyaring magparehistro at isumite ang inyong aplikasyon kay Bb. Vehnea Mae Calibuyot.
➡️ Ipakita ang inyong layunin at plataporma sa araw ng halalan.
Halina’t makilahok! Sama-sama nating gawing mas masaya at makabuluhan ang ating AP Club!.
31/10/2024
Sa pagtatapos ng United Nations 2024, ang AP Club ay lubos na nag papasalamat sa lahat ng mga tumulong at sumuportang mga mag-aaral, magulang, mga g**o, SPTA officers, at ng ating minamahal na punongg**o, Mrs. Irene Raya.
Ito ay hindi magiging posible kung hindi dahil sa ating pagtutulungan.
29/10/2024
UN 2024 UPDATE‼️
Magkakaroon po bukas, October 30, 2024, ng practice ang lahat po ng mga batang nagawaran ng BEST IN COSTUME sa bawat section. Magkita-kita po kami bukas ng 1:00pm sa multipurpose hall (stage).
29/10/2024
Happening now‼️
Spoken Word Poetry Contest
Ang mga bata sa baitang anim ay pinamalas ang kanilang pagiging makata at malikhain sa paggawa ng tula. 🧡