Ang Santoleño

Ang Santoleño

Share

PAMAHAYAGANG PANGKAMPUS SA FILIPINO NG MATAAS NA PAARALAN NG SANTOLAN, DIBISYON NG PASIG, NCR

Photos from Ang Santoleño's post 22/04/2026

Malugod na pagbati sa aming Associate Editor na si Ramiele Ashley Gonzales at Copy Editor na si Sophia Amber Lincallo sa pagpasa sa UPCAT 2026!

Ang buong pamilya ng Ang Santoleño ay kasama ninyong nagdiriwang sa tagumpay na ito! Padayon mga ISKOLAR NG BAYAN! 🌻🌻🌻

20/04/2026

Digital Enrollment at picture-taking para sa RF ID, Inilunsad; Online Class sa Susunod ng Pasukan, Pinabulaanan

Reporter: Angela Escalona
Videographer: Kaitleen Almendo, JM Santos, Alexia Prado
Interviewer: Kaitleen Almendo
Script Writer: Yasha Dacut
Video Editor: JM Santos

16/04/2026

𝐊𝐨𝐧𝐭𝐫𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐧𝐝𝐚𝐥𝐢𝐚𝐧, 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐠𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐰𝐢𝐚𝐧:
Ang Realidad sa
Buhay ng Manggagawang
Nakatali sa Kontrata

Hindi lamang trabaho ang nakataya sa sistema ng kontraktuwalisasyon, kundi ang pinagdamot na pangarap at seguridad ng libo-libong manggagawang Pilipino.

Nagkukubli sa mga suot na uniporme at maliliwanag na ngiti sa trabaho ang pangambang anumang oras ay kakailanganin na naman nilang maghanap ng panibagong trabaho—isang siklong paulit-ulit na kinahaharap ng mga Pilipinong nabibiktima ng ENDO o End of Contract.

Sa bawat paglipas ng ika-anim na buwan, hindi lamang petsa sa kalendaryo ang tinutunghayan ng libo-libong manggagawang Pilipino, naghihintay na lamang sila sa posibilidad ng muli na namang pagkawala ng kanilang hanapbuhay dahil sa tinanggap nang kapalaran.

Mula sa katotohanang ito ng buhay ng isang contractual worker, nabuo ang dating pelikula na pinamagatang “Endo” at muling binigyang-buhay ng Philippine Educational Theater Association (PETA) sa direksyon ni Melvin Lee.

Naiparamdam at naiparanas ng pagtatanghal ang bigat ng damdamin at emosyon ng isang manggagawang araw-araw na nakikipagsapalaran sa iba’t ibang uri ng trabaho, sa pamamagitan ng makabuluhang pagganap ng mga pangunahing karakter na sina Leo (Royce Cabrera), Tanya (Jasmine Curtis-Smith), at Candy (Iana Bernandez).

Nakapupukaw ng kuryosidad ang entabladong pinuno ng nakasabit na lubit at bago pa man magsimula ang palabas, binibigyan na kami ng ideyang sasalamin ito sa pakikibaka ng isang manggawang sinasabayan ng paghihirap at pagsusumamo para sa maayos na buhay.

𝙋𝘼𝙂𝙎𝙄𝙎𝙄𝙆𝘼𝙋 𝙉𝙂 𝙄𝙎𝘼𝙉𝙂 𝘽𝙍𝙀𝘼𝘿𝙒𝙄𝙉𝙉𝙀𝙍

Magmula sa nakapapasong init ng araw hanggang sa malamig na buhos ng ulan, hindi magawang magpahinga ng mga Pilipinong araw-araw kinakailangan kumayod para sa katiting na ginhawang maibibigay sa kanila ng trabaho.

Sa perspektibo ng pangunahing tauhang si Leo—isang delivery rider, traffic marshal, at sales person—nagsisilbi siyang repleksyon ng karaniwang Pilipinong napipilitang pasukin ang iba’t ibang trabaho dahil maagang namulat sa responsibilidad bilang anak at kapatid na inaasahang tumustos sa pangangailangan ng pamilya.

Habang pinanonood ko ang bawat tagpo sa dula, aakalaing malaking pag-asa para sa kaniya ang pagkakaroon ng maraming trabaho sapagkat nabibigyan siya ng oportunidad na maitawid ang pang-araw-araw; ngunit sa katotohanan, isa pala itong malinaw na senyales ng kahirapan at patuloy na pagbagsak ng antas ng pamumuhay.

Sa pagpapatuloy ng panonood, sumagi sa aking isipan ang nabasa ko noon sa isang artikulo—galit ang sistema sa taong nagpapahinga; sa sandaling ikaw ay huminto upang huminga, kasabay nitong nawawala ang isang linggo o buwang panustos, kagaya ng mapait na danas ni Leo.

Kaugnay ng sitwasyong ito, paulit-ulit ding nababanggit ni Leo ang kaniyang hilig sa graphic design; kung siya lamang ang papipiliin at kung may sapat na pagkakataong ito buhayin sila, nanaisin niyang ipagpatuloy ang kaniyang passion dito.

Sa tunay na buhay, patuloy ding pinagtatalunan kung praktikalidad ba o hilig ang dapat unahin, at nakalulungkot isipin na sa karamihan ng pagkakataon, naisasantabi ng maraming Pilipino ang kanilang pangarap kapalit ng katiyakan sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Sa ganitong kalagayan, hindi lamang trabaho ang nawawala sa bawat napuputol na kontrata, kundi pati ang pagkakataong matupad ang mga pangarap na minsang nagsilbing tanglaw sa kanilang buhay.

𝙇𝙄𝙒𝘼𝙉𝘼𝙂 𝙎𝘼 𝙇𝘼𝘽𝘼𝙎 𝙉𝙂 𝘽𝘼𝙉𝙎𝘼 𝙉𝙄 𝙏𝘼𝙉𝙔𝘼

Mahirap mahalin ang bansang tila iyon mismo ang tumatalikod sa iyo.

Nakita ko sa pagganap ni Tanya ang katauhan ng Pilipinong nahanap sa ibang bansa ang pag-asang makaahon sa kahirapan.

Pareho sila ng kapalarang tinahak ni Leo, ang magulong mundo ng mga contractual worker na kung saan maling galaw mo lamang ay maaaring mas maaga pa sa anim na buwang kontrata ang pagkatagal mo sa trabaho.

May propesyong tinapos si Tanya, isa siyang Nurse ngunit hindi niya ito tuluyang nagamit sapagkat hindi sumasapat ang kita kompara sa pagod na ibinigay.

Ganoon ang madalas nagiging sitwasyon, nag-aral ng apat na taon sa kolehiyo, nakakuha ng diploma o degree, nakahanap ng trabaho at tapos na. Walang naging pag-asenso dahil tumataas ang pangangailangan sa trabaho ngunit hindi sumasabay ang suweldo o kita.

Mula sa karanasang ito, napagtanto niyang sa kaniyang tinapos na nursing ay may magandang kinakabukasan na naghihintay sa kaniya sa ibang bansa dahil sa maayos na sistema rito.

Sa pagpapatuloy ng kanilang palitan ng linya ni Leo parati niyang inaalo si Leo at sinasabing kapag nakaalis na sila ng bansa, magiging maayos na ang lahat at mapagagamot na ni Leo ang kaniyang ama.

Simpleng pang-aalo lamang ito na may pag-asa sa labas ng bansa, subalit ito ang masakit na katotohanan sa ating bansa na ang mga tao sa loob nito na pangunahing instrumento sana sa pag-angat ay hindi na nauulinigan ang ningning ng pagbabago.

May 2.7 na overseas filipino worker katulad ni Tanya ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) at iisa lamang ang ugat ng kanilang paglisan, isang mabuting pagsukong sinunod ang tawag ng sikmura kaysa anong moral na pagpapahalagang unti-unting namang uubos sa kanila.

𝙃𝙐𝙇𝘼𝙂𝙒𝘼𝙔 𝙎𝘼 𝙏𝘼𝙇𝙄 𝙉𝙂 𝙆𝘼𝙃𝙄𝙍𝘼𝙋𝘼𝙉

Mistulang salamin ng mapait na katotohanan ang bawat tagpong isinabuhay sa dulang Endo ng PETA, at may malinaw na katapusang magsisikap at magsisikap ang bawat biktima ng kontraktuwalisasyong makawala sila sa kahirapang patuloy nilang dinaranas.

Sa wakas ng dula, makikita si Leo na pinilit akyatin pataas ang mga lubid ngunit nabigo siya. Bumagsak at kinailangang muling magsimula.

Narito ang pagkakataong nakita ko sa kaniya ang lipunang kahit anong pagsisikap ay mapupunta lamang sa wala. Hindi ito negatibong implikasyon, kundi isang tanda na dapat palakasin pa ang adbokasiya para sa mga manggagawa at ipaunawa sa mga nakaupong ihanay ang reporma sa pangangailangan ng mga nasa ibaba.

Sa paglabas ko ng bulwagan ng PETA pinagpapasalamat ko na napanood ang palabas na ito, nainis ako sa karakter ni Leo noong una dahil ayaw niyang tanggapin ang oportunidad sa ibang bansa, at nalungkot din sa dahilan niya para dito na hindi niya maiwanan ang kaniyang pamilya.

Ganoon na lamang ang sakripisyo hindi lamang ng mga contractual workers, nararanasan ito ng lahat ng trabahador sa Pilipinas na hindi nabibigyan ng sapat na alaga o karapatan.

𝐊𝐚𝐲𝐚, 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐧𝐭𝐫𝐚𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐭𝐫𝐚𝐛𝐚𝐡𝐨 𝐚𝐲
𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐧𝐚𝐠𝐢𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐧𝐭𝐫𝐚𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐩𝐚𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐧𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐦𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐦𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐛𝐥𝐞, 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐢𝐭𝐨 𝐤𝐨𝐧𝐭𝐫𝐚𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐤𝐚𝐲𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐦𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐤𝐮𝐦𝐚𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐦𝐚 𝐚𝐭 𝐥𝐚𝐥𝐨𝐧𝐠-𝐥𝐚𝐥𝐨 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐢𝐭𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐤𝐨𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐚𝐡𝐢𝐧𝐠𝐚 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐩𝐨𝐬𝐢𝐛𝐥𝐞𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐰𝐚𝐥𝐚.

𝐒𝐚 𝐬𝐮𝐠𝐚𝐥 𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲, 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐤𝐚 𝐩𝐢𝐩𝐢𝐥𝐢𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐫𝐢𝐧 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐚𝐲𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐫𝐚𝐩 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐦𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐬𝐞𝐠𝐮𝐫𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐦𝐨 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐚𝐦 𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐤𝐦𝐮𝐫𝐚?
𝐀𝐤𝐨 𝐤𝐚𝐬𝐢, 𝐬𝐢𝐠𝐮𝐫𝐨 𝐨𝐨 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐚𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐥𝐢𝐛𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐮𝐭𝐨𝐦.

𝐏𝐞𝐫𝐨, 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐡𝐚𝐛𝐚𝐦𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐢𝐬𝐢𝐬𝐢 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐫𝐚𝐫𝐚𝐧𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐤𝐨 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐢𝐥𝐢 𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐭𝐚𝐛𝐢 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐫𝐚𝐩 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐤𝐨. 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐦𝐛𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐭 𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐭𝐞𝐫𝐲𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐠𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐲𝐚 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐫𝐚𝐩 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐚𝐥 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐬𝐢𝐤𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐛𝐮𝐧𝐠𝐚 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐢𝐭𝐢𝐢𝐬.

Dibuho ni: Cleope Faith Gallego

07/04/2026

Malugod naming binabati si Jazel Ann Pili ng Santolan High School sa kaniyang natatanging tagumpay bilang Main Winner sa Feature Writing Contest na isinagawa sa ilalim ng Readiscover Program ng The Philippine Star.

Isang karangalang hindi lamang para sa sarili kundi para sa buong Santolan High School ang iyong ipinamalas na husay sa panulat. Ipinakita mo na ang tinig ng kabataang manunulat ay may lakas, lalim, at kakayahang humubog ng kamalayan.

Lubos na ipinagmamalaki ng buong publikasyon ng Ang Santoleño ang iyong tagumpay. Nawa’y magpatuloy ang iyong alab sa pagsusulat at patuloy mong itaguyod ang katotohanan sa bawat titik at kwentong iyong lilikhain.

Padayon, batang manunulat! 🖋️

Tingnan sa comment section ang kaniyang winning piece.

04/04/2026

52% ng Graduates May Honors, Dahilan ng Pagdami at Kalidad ng Pagkatuto, Siniyasat

Reporter: Catherine Triste
Videographer: Alexia Prado, JM Santos, & Loue Jhay Gallardo
Video Editor: Lhorde Leaño

02/04/2026

𝗡𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗦𝗲𝗺𝗮𝗻𝗮 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗮, 𝗺𝗮𝗴𝗹𝗮𝗮𝗻 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗻𝗶𝗻𝗶𝗹𝗮𝘆 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝗹𝗮𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝘀𝗮𝗸𝗿𝗶𝗽𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆-𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗺𝗽𝗮𝗹𝗮𝘁𝗮𝘆𝗮 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝘁𝗮𝗼.

"𝘚𝘢𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵 𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘪𝘣𝘪𝘨 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘴𝘢 𝘴𝘢𝘯𝘭𝘪𝘣𝘶𝘵𝘢𝘯, 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘪𝘣𝘪𝘯𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘪𝘴𝘢-𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘢𝘬, 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘶𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢'𝘺 𝘴𝘶𝘮𝘢𝘮𝘱𝘢𝘭𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘩𝘢𝘮𝘢𝘬, 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘳𝘰𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯."
- John 3:16

Pubmat na inedit ni: JM Santos
Isinaayos ni: Princess Anne R. Balutan

01/04/2026

𝐌𝐠𝐚 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐰𝐞𝐲𝐭 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨𝐥𝐚𝐧 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥, 𝐇𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐧𝐠𝐮𝐧𝐚 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐭𝐚𝐩𝐚𝐭𝐚𝐧

Reporter: Alking Valenzuela at Rodelyn Evangelista
Videographers: Alexia Prado, Yasha Dacut, Catherine Triste, JM Santos, Alking Valenzuela, at Rodelyn Evangelista
Script: Yasha Dacut
Video Editor: JM Santos

Photos from Santolan High School's post 30/03/2026
Photos from Ang Santoleño's post 25/03/2026

Isang malugod na pagbati sa mga mamamahayag ng Ang Santoleño na pinarangalan bilang Campus Journalists of the Year.

Kanilang pinatunayan na ang husay sa pagsulat, pagbabalita, at pagkuha ng larawan ay hindi lamang dagdag responsibilidad sa kanilang pag-aaral, ang bawat gawain na kanilang tinutugunan labas man sa oras ng klase ay lubos na pinaglaanan ng hindi matatawaran pagsisikap at kahusayan.

Pinagmamalaki kayo ng buong publikasyon ng Ang Santoleño sa patuloy ninyong pakikiisa at paninindigan bilang kinatawan ng boses ng mga mag-aaral ng mataas na paaralan ng Santolan. Patuloy ninyong isabuhay ang tungkulin ng pamahayagan bilang mga naninindigan sa katotohanan.

Grade 7
Faith Lauren Saldo

Grade 8
JM Santos
Catherine Triste

Grade 9
Alking Valenzuela

Grade 10
Kaitleen Faith Almendo
Thiffany Roe Lopez
Joana Marie Rafil

Grade 11
Loue Jhay Gallardo

Grade 12
Alviona Lagasca
Maryrose Revillo
Wilson Carl Nartia
Princess Anne R. Balutan
Ramiele Ashley Gonzales
Sophia Amber Lincallo
Carl S. Dacoycoy
Precious Antonette Oring
Eric Kristopher Jimenez
Jian Ferly Mamaril

19/03/2026

Santolan HS, Pinalakas ang Media and Information Literacy at Laban Kontra Fake News sa READiscover Culminating Program

Reporter: Nathaniel Celestial
Interviewer: Joana Marie Rafil
Videographer: Jhaxinne Ensano, Marian Pasag
Video Editor: Princess Anne R. Balutan

18/03/2026

Taunang SK Budget Hearing, Sinubaybayan; Pananaw ng Appropriations Committee at Kabataang Santoleño, Pinulsuhan

Reporter: Lhorde Lestat Leaño
Interviewer: Loue Jhay Gallardo

Videographer: Ianna Rombano, Loue Jhay Gallardo

Support Staff: Carl Dacoycoy

Video Editor: Princess Anne R. Balutan

Photos from Ang Santoleño's post 14/03/2026

SANTOLAN HS, UMISA PA SA RSPC!

Muling nanindigan ang mga campus journalists ng Santolan High School sa Regional Schools' Press Conference 2026 sa Las Piñas nitong Marso 10 at 11.

Isang kasaysayan na naman ang naitatak dahil sa unang pagkakataon ay nakapuwesto ang kinatawan ng paaralan sa RSPC.

Lubos na ipinagmamalaki ng paaralan at ng SDO Pasig ang mga batang mamamahayag na patuloy na naninindigan matapos man ang oras ng patimpalak. Hindi lamang natatapos ang pagbabalita ng mga batang ito sa loob ng mga Press Conference, ang mga campus journalists ng Ang Santoleño ay patuloy na maninindigan sa katotohanan, bilang bahagi ng malayang pamahayagan.

5th Place Pagsulat ng Editoryal
5th Place Overall Best Production in Radio Broadcasting
5th Place Best in Technical Application
3rd Place Best in Script

Maraming salamat po Ma'am Melvina Tarcena, Ma'am Josefina Salangsang, Ma'am Carolina Sampaga, Sir Dondie Gianan, Sir Virgilio Cestina sa walang sawang pagsuporta sa buong panahon ng RSPC. ❤️🙏

Mabuhay ang mga Pasigueño!

Want your school to be the top-listed School/college in Malabon?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Malabon