CES SPTA

CES SPTA

Share

SPTA org. events

Photos from CES SPTA's post 23/12/2025

Tulong mula sa Villar Foundation
Dec. 22, 2025

Nakapaghatid ng tulong ang Villar Foundation sa mahigit kumulang 170 pamilya na naapektuhan ng sunog noong Sabado sa Gulayan, Concepcion Malabon.

Ito ay naging posible sa pakikipag ugnayan at tulong ng aming SPTA Treasurer Lala AcelMath sa organisasyon.

Maraming maraming salamat sa mga taong patuloy na nagmamalasakit at tumutulong sa oras ng pangangailangan.

Maraming salamat din sa aming butihing punong g**o Sir Romarico Lopez at buong pamunuan ng paaralan sa laging pagsuporta sa aming mga adhikain.

Muli, maraming salamat po at Maligayang Pasko po sa lahat 🌲

-SPTA OFFICERS




Photos from CES SPTA's post 17/12/2025

BARANGAY CONCEPCION
YEAR END GATHERING 2025
Dec. 17, 2025

Dumalo ang pamunuan ng SPTA sa ginanap na "Year End Gathering" ng pamunuan ng Barangay Concepcion sa pangunguna ng ating butihing kapitan, Barangay Capt. Michael Eng Santiago.

Ang pagdiriwang ay nilahukan ng iba't ibang sektor sa buong barangay kabilang ang SPTA ng ating paaralan. Nagkaroon ng iba't ibang palaro, sayawan at pa raffle mula sa punong barangay at Congressman Lenlen Oreta.

Maraming maraming salamat sa pagkakataon na maging bahagi po ang SPTA sa inyong pagdiriwang.

Pagbati ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon πŸŽ‰πŸŒ²

- SPTA OFFICERS

Photos from CES SPTA's post 17/12/2025

SPTA CHRISTMAS GIFT GIVING
Concepcion ES
Dec. 16, 2025

Nagsagawa ng Christmas Gift Giving ang pamunuan ng SPTA sa pangunguna ng butihing punong g**o, Mr. Romarico Lopez sa mga piling mag aaral ng paaralan.

Ang programang ito ay naging posible at matagumpay sa tulong ng mga mapagbigay at maasahang sponsors.

Lubos na nagpapasalamat ang pamunuan ng SPTA at paaralan sa walang sawang suporta at tulong mula sa mga indibidwal, kapwa mag aaral at magulang, at iba pa na nag tulong tulong upang maisakatuparan ito at makapaghatid ng ngiti ngayong darating na kapaskuhan 🌲

Muli, maraming maraming salamat po sa inyong lahat ❀

Pagbati ng isang Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa lahat 🌲

- SPTA OFFICERS

Photos from CES SPTA's post 25/10/2025

Thank you po sa inyong lahatπŸ™

Photos from CES SPTA's post 25/10/2025

October 24, 2025

Nagsagawa ang ating paaralan sa pangunguna ng ating punung g**o, Mr. Romarico Lopez, ng isang Donation Drive para sa mga biktima ng sunog sa Barangay Catmon. Dito, nakalikom tayo ng mga damit, pagkain at cash donations.

Kahapon, ito ay inihatid na ng mga g**o at SPTA sa evacuation centers. Ating nahatiran ng tulong ang mga pamilya sa Acacia ES at Catmon Integrated School.

Muli, ang pamunuan ng paaralan at SPTA ay taos pusong nagpapasalamat sa mga magulang at mag aaral na walang pagdadalawang isip na nagpaabot ng tulong para sa mga biktima. Ito ay malaking tulong sa mga taong nawalan ng tirahan at ari a***n.

Maraming maraming salamat at mag ingat po tayong lahat.



Photos from Mayor Jeannie Sandoval's post 21/10/2025

Concepcion ES πŸ’›πŸ©΅

Photos from CES SPTA's post 21/10/2025

October 21, 2025

Dumalo ang buong CES SPTA sa pangunguna ng ating punong g**o, Mr. Romarico Lopez sa ginanap na Mass Oath Taking ng School Parent Teacher Association sa Sports Complex ngayong araw. Ito ay dinaluhan ng iba't ibang miyembro ng SPTA sa pampublikong elementary at sekondarya sa buong lungsod.

Ang pagdiriwang ay pinangunahan ng ating punong lungsod Mayor Jeannie Sandoval, Mr. Ricky Sandoval, mga konsehal ng lungsod kasama ang ibat ibang punong g**o at opisyales ng School Division Office ng Malabon.

Nanumpa ang bawat isa na gagampanan ang tungkulin para sa ikabubuti ng mga mag aaral at ng buong paaralan.


Photos from CES SPTA's post 13/10/2025

October 13,2025

The SPTA & HRPTA officers make it a habit to clean the school grounds and Classrooms to keep the area Clean & Safe....

Want your school to be the top-listed School/college in Malabon?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


CONCEPCION
Malabon
1470