03/04/2026
| ๐๐ฎ๐๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ถ๐ป
๐จ๐๐ถ๐ฎ๐ป ๐ก๐ฎ!
โKahit sandali lang basta't makasama ka
Kahit mamaya-maya lang ako'y uuwi na.โ
โUwian na!โ Isang katagang madalas nating naririnig sa pagtatapos ng isang araw sa klase. Pananabik at sigla pa ang nakaukit sa mukha ng mga estudyante habang hinihintay na makalabas sa eskwelahan. Nakasanayan ko na marinig ang mga salitang ito, ngunit hindi ko inaasahang iba pala ang pakiramdam na marinig ito sa huling araw ko bilang isang Pilarian.
Noong Marso 27 ay nagsagawa ng ๐ฎ๐ฐ๐ท๐ช๐ฏ๐จ ๐ถ๐ฑ ๐ค๐ฆ๐ณ๐ฆ๐ฎ๐ฐ๐ฏ๐บ para sa mga mag-aaral ng ikasampung baitang sa kani-kanilang mga silid sa Gen. Pio del Pilar National High School. Ito na ang kanilang huling kaganapan sa paaralan. Napuno ng luha at kalungkutan ang mga mata ng aking mga kamag-aral, napagtanto na kasi naming maghihiwalay na ang samahang nabuo namin sa paaralan na itinuturing naming pangalawang pamilya at tahanan.
Sa pagtatapos ng paggawad ng sertipiko sa buong klase noong araw na iyon, ay nagbahagi ng mga salita at paalam ang aming ๐ข๐ฅ๐ท๐ช๐ด๐ฆ๐ณ, hindi na napigilang lumuha ng ilan, dahil ang pamilyang nabuo mula sa tawanan, pagtutulungan, ay iyakan, ay maghihiwalay na upang tahakin ang sari-sariling landas. Nang pinagmamasdan ko aking mga kaklase, akoโy nagbalik tanaw. Ang mga taong ito na aking nakilala at nakitang umunlad sa kung sino sila ngayon, sila rin ang mga estrangherong nagpakilala sa isaโt isa noong unang beses na pumasok kami sa paaralang ito.
Tunay ngang mabilis ang pagtakbo ng oras, hindi inaakala ng mga estudyanteng ito na unti-unti na palang nahuhulma ang kanilang pagkatao sa loob ng mga klasrum na akala nilaโy para sa pag-aaral lamang. Kasama ang mga kaklase, g**o, at kaibigan, pinasok nila ang paaralan nang hindi nalalaman kung ano ang naghihintay para sa kanila, gumawa ng mga ala-ala at nangalap ng kaalaman. Sa paglipas ng ilang taon ay hindi na natin namalayan na dumating na ang panahong iiwan na natin ang nakasanayang silid, pasilyo, at upuan, at kailangan na nating mamaalam.
Habang pinupunasan ko ang mga luhang kanina pa pumapatak sa aking pisngi, unti-unti ko nang nililigpit ang aking mga gamit at naghahanda nang umuwi. ๐๐ข๐ญ๐ญ๐ฑ๐ฆ๐ฏ, papel, medalya, at sertipiko, isa-isa ko itong pinasok sa aking ๐ฃ๐ข๐จ. Ngunit lingid sa aking kaalaman, hindi lamang mga materyal na bagay ang aking iuuwi, kasama rito ang mga aral at karanasang aking natamo mula sa apat na taong pag-aaral sa Pio. Ito ang nagsisilbing baon nating mga estudyante sa buhay sa labas ng paaralan.
Bago umuwi ay nilibot ko ang mga pasilyo ng paaralan para sa huling pagkakataon. Nang madaanan ko ang bawat ๐ง๐ข๐ค๐ถ๐ญ๐ต๐บ ๐ณ๐ฐ๐ฐ๐ฎ, bumalik sa akin ang mga aral mula sa ibaโt ibang asignatura. Isa sa mga ito ay ang itinuro sa Filipino, na tulad ng mga nobela ni Rizal, ang ating mga buhay ay mayroon ding mga kabanata na tumutulong buuin ang istorya natin. Isa sa mga kabanatang ito ay ang pag-aaral sa Pio, kasama ang mga tauhan na ang ating mga g**o at kamag-aral na naging bahagi ng kwento tungkol sa pag-abot natin sa ating mga pangarap.
Isang linggo na ang nakalipas, ngunit naaalala ko pa rin ang mga nangyari noong araw na iyon. Ang tawanan at luhaan, ang mga mahigpit na yakap, ang mga payo at panalangin, at higit sa lahat, ang mga salitang โ๐ด๐ฆ๐ฆ ๐บ๐ฐ๐ถ ๐ธ๐ฉ๐ฆ๐ฏ ๐ ๐ด๐ฆ๐ฆ ๐บ๐ฐ๐ถ.โ Hindi maitatago ang katotohanang hahanap-hanapin pa rin ng ating isipan ang mga alaala at tao mula sa paaralang ito, kahit ano pa man ang pinagdaanan at karanasan mo sa Pio, paniguradong nakaukit pa rin ito sa iyong memorya. Kayaโy sana ay magkita pa tayo muli, kahit saang yugto ka man ng iyong buhay, huwag mong kakalimutan ang paaralang hihintayin ka sa iyong pagbalik at pag-unlad. Habang naghihintay lumabas, narinig ko muli ang dalawang salitang nakasanayan ko na, ngunit ngayon ay iba ang dating nito, lungkot, dismaya, at ginhawa, isang Pilarian ang sumigaw, โuwian na!โ
Payapa ang aking biyahe pauwi, tuyo na ang luha at sabik nang magbakasyon, sa wakas ay hindi ko na ramdam ang pagod mula sa pinagdaanan ko upang matapos ang ๐ซ๐ถ๐ฏ๐ช๐ฐ๐ณ ๐ฉ๐ช๐จ๐ฉ ๐ด๐ค๐ฉ๐ฐ๐ฐ๐ญ, napalitan na ito ng ginhawa at pasasalamat. Tinanaw ko ang paaralan mula sa pinto ng dyip nang unti-unti itong naglaho sa kalayuan, hanggang sa muli Pio, salamat at naging parte ka ng aking buhay. Binalik ko ang aking tingin sa harap at nagpokus sa aking patutunguhan, handa na akong umuwi, pinikit ko ang aking mga mata at nakinig na lamang sa aking pinapatugtog, nang mapagtanto ko kung anong awitin iyon, hindi ko na napigilang ngumiti.
โKahit walang katapusan hindi ka iiwan
Basta't makasama ka ako'y nakauwi na.โ
___________________________________________________________________
Isinulat ni: Jeya Trofeo (Patnugot ng Lathalain)
Iginuhit ni: Keisha Cae Mamuric & Yjeh Trofeo (Kartuning)
17/03/2026
11/03/2026
14/02/2026
22/10/2025
14/09/2025
13/09/2025
13/09/2025
11/09/2025
31/08/2025