Pahina ng Diwa ni Sir Nico

Pahina ng Diwa ni Sir Nico As they say;
“Life was never the same when he passes by.”

Personal Vision Statement

When I die I wish people will remember me as…
The alternative influence,
full of life, meaning and love who
made a difference
in everyone’s life.

Hanggang hugas kamay ang mga dapat magdisiplina, at mga magulang na walang kaalam-alam, magulang na laging wala at busy ...
18/08/2026

Hanggang hugas kamay ang mga dapat magdisiplina, at mga magulang na walang kaalam-alam, magulang na laging wala at busy daw dahil kailangang magtrabaho, o walang pakialam dahil sila rin ay mababalikan. Hangga't ang batas at sistema ay ayaw masangkot sa masalimuot na proseso. Hanggang pera at sosyal media lang ang nagpapagalaw ng batas at justisya... Patuloy pa rin ang mga violente at karahasan sa bawat lansangang, eskwelahan man o sa tahanan.

Maari nating dugtungan ang listahan ng sisisihan... PERO MAARI RIN NATING SIMULAN SA TAHANAN ANG PAGBABAGO NA ATING HINAHANGAD.

Maging MAGULANG tayo sa mga anak... Tayo ang may gulang, tayo ang halimbawa, tayo ang dapat na unang nasa tama. TAYO ANG UNANG DAPAT TUMITINGIN SA ATING MGA ANAK. Bago pa yan nadala sa paaralan, itanong muna natin, paano yan napasakamay ng ating mga anak?

Turuan ang mga anak na maging magalang, may disiplina at tamang pagdedesisyon. Ganoon pa man, turuan din silang maging survivor, turuan sila ng basic survival skills at self-defense upang ipaglaban ang sarili kung kinakailangan.

Trying to Act Normal while slowly losing the spark for the job I once prayed hard for.Kung sino ka man na nagpasimula ng...
02/08/2026

Trying to Act Normal while slowly losing the spark for the job I once prayed hard for.

Kung sino ka man na nagpasimula ng trend na ito, ramdam ka namin. Hindi ka nag-iisa. Ito ang aking ambag, bilang suporta sa kapwa g**ong dumaraan sa eskenita ng buhay na ito.

Kung masakit ito para sa mga batang teacher ngayon... Mas masakit ito sa mga katulad kong (EMpTY1) MT1 o Matandang Teacher 1. May ilan sa mga nagpost nito ay mga dating estudyante ko na teacher na ngayon. Noon, kita ko ang kanilang enthusiasm, mula sa pagiging volunteer tutor, hanggang sa naging student teacher at ngayon mga LPT na rin. Iba nga sa kanila ay totoong MT1. Noon, lagi kong ibinabahagi sa kanila ang kakaibang saya at tagumpay ng isang teacher sa tuwing may magtatapos na mag-aaral... Noon yon, noong sila pa ang mga mag-aaral na tinutukoy ko...

Ngayon? Umaasa pa rin... Nagsisikap pa rin... Dahil ito na lang ang pwede kong gawin. Hindi tulad nila na bata pa, may panahon pa para mag-explore at sumubok ng ibang larangan... Noon, sumubok ding akong magbuhay opisina, pero sa huli, sa pagtuturo pa rin bumalik, Ngayon, patuloy na nagtuturo... patuloy na susubok na maging kasangkapan at alagad ng pagbabago sa mga batang pilipino.

Iba na mga mag-aaral ngayon. Iba na rin ang mga magulang ngayon. Iba na rin ang estilo ng ibang g**o ngayon. Iba na rin ang sistema ngayon. Oo ibang -iba na ngayon.

Pero, sa isang tumatandang teacher na katulad ko, anong pwedeng gawin? Sig**o hanggang kinakaya pa ay patuloy na magtuturo, gagawin nang pinakamabuti ang lahat ng kaya pang gawin. Maaring di na kami naghahangad ng promotion, maaring nasanay na kami sa kakarampot na sahod. Maaring naging buhay na namin ang pagtuturo. Pero kung may isa sa apatnapung mag-aaral ang nagsisikap pumasok araw-araw, nagsisikap mag-aral kahit mahirap ang buhay, at nangangarap na balang araw magbabago ang kanyang buhay… Sino ako para sukuan sya?

Bukas, lunes na naman… Hingang malalim… Balik sa classroom… Tuloy ang klase, na parang normal lang ang lahat… ang lahat… sa kabila ng lahat.

,
Nico Diwa Bundoc Ocampo, Apairon Philosophia Kakoo B. Ocampo, Volunteers' Life and Adventure

Paggabay at Pagdisiplina: Mula Tahanan hanggang Paaralan.Marami ang nag-aakala na magkaiba ang layunin ng Guidance Offic...
01/08/2026

Paggabay at Pagdisiplina: Mula Tahanan hanggang Paaralan.

Marami ang nag-aakala na magkaiba ang layunin ng Guidance Office at ng Prefect of Discipline. Ngunit ang totoo, iisa lamang ang aming adhikain—ang mahubog ang bawat mag-aaral upang maging responsable, magalang, may malasakit sa kapwa, at may matibay na pagpapahalaga sa buhay.

Kapag ang isang mag-aaral ay nagkakamali, hindi namin layunin na basta na lamang magpataw ng kaparusahan. Higit sa lahat, nais naming matulungan siyang maunawaan ang kanyang pagkakamali, matuto mula rito, at makagawa ng mas mabubuting pasya sa hinaharap.

Kaya naman, ang disiplina at gabay ay hindi dapat mapaghiwalay.

Ang disiplinang walang paggabay ay nauuwi lamang sa kaparusahan. Maaaring sumunod ang bata dahil sa takot, ngunit hindi niya lubos na mauunawaan kung bakit mali ang kanyang ginawa.

Sa kabilang banda, ang paggabay na walang disiplina ay nagiging mababaw. Maaaring alam ng bata ang tama, ngunit kung walang pananagutan at pananawagan sa tamang asal, mahihirapan siyang maisabuhay ang kanyang mga natutuhan.

Kapag ang disiplina ay sinamahan ng paggabay, ang mga alituntunin ay nagiging mahahalagang aral sa buhay. Ang mga bunga ng pagkakamali ay nagiging pagkakataon upang matuto at umunlad. Ang pagsaway ay hindi na lamang pagwawasto ng asal, kundi isang pagpapakita ng tunay na malasakit.

Gayundin, mas nagiging makabuluhan ang paggabay kapag ito ay sinusuportahan ng disiplina, sapagkat nagbibigay ito ng malinaw na direksyon, tamang hangganan, at katatagan na kailangan ng ating mga anak upang magkaroon ng mabuting pagkatao.

Mga mahal naming magulang, kapag ang inyong anak ay ipinatawag ng Guidance Office o ng Prefect of Discipline, sana ay huwag ninyo itong isipin bilang tanda na siya ay napag-initan o nabansagan. Sa halip, makita ninyo ito bilang patunay na may mga g**o at kawani sa paaralang ito na tunay na nagmamalasakit at handang gumabay sa kanya upang maging mas mabuting tao.

Ang aming pangarap ay hindi lamang makapagtapos ng mga batang matataas ang marka. Ang mas mahalaga sa amin ay makapagpalaki ng mga kabataang may integridad, paggalang, pananagutan, at kabutihang-loob—mga kabataang pipili ng tama, hindi lamang dahil may nakakakita, kundi dahil alam nilang iyon ang nararapat gawin.

Hindi namin ito magagawa nang kami lamang. Kailangan namin ang inyong pakikiisa. Sa pagmamahal na ibinibigay ninyo sa tahanan at sa paggabay at disiplina na ipinagkakaloob namin sa paaralan, matutulungan nating maging pinakamahusay na bersyon ng kanilang sarili ang ating mga anak.

Sa pagtatapos, nais kong iwan sa ating lahat ang isang mahalagang kaisipan:

"Itinuturo ng disiplina kung saan ang hangganan. Ipinauunawa naman ng paggabay kung bakit mahalagang igalang ang mga hangganang iyon. Kapag pinagsama ang disiplina at paggabay, hindi lamang nito binabago ang asal ng bata—hinuhubog nito ang kanyang pagkatao."

Maraming salamat po sa inyong tiwala, pakikipagtulungan, at patuloy na suporta. Sama-sama nating gabayan, disiplinahin, at inspirahin ang ating mga anak upang sila ay lumaking may mabuting asal, matatag na prinsipyo, at pusong handang maglingkod sa kapwa.

Maraming salamat po, at pagpalain tayong lahat ng Poong Maykapal.


Apairon PhilosophiaNico Diwa Bundoc OcampoKakoo B. OcampoVolunteers' Life and AdventureNico Diwa Bundoc Ocampo

Kung sig**o may stupidity management program tayo, di na natin kailanganin ang anger management... sa totoo lang ... nak...
29/07/2026

Kung sig**o may stupidity management program tayo, di na natin kailanganin ang anger management... sa totoo lang ... nakakagigil eh.

Real Talk Muna!  Masaktan kung masasaktan. Bato-bato sa langit ang tamaan mag-isip isip.Ito ang ilan sa mga hikaw na nak...
28/07/2026

Real Talk Muna! Masaktan kung masasaktan. Bato-bato sa langit ang tamaan mag-isip isip.

Ito ang ilan sa mga hikaw na nakuha ko sa drawer ko ngayong gabi. Ang iba dyan mahigit 20 years na, yung iba, bago-bago pa, pero marami dyan 10 year na.

Dahil sa paninita sa hikaw, isang g**o ang pinagtulungang suntukin ng MAKAPATID. Ibig sabihin iisa lang ang MAGULANG.

Bilang g**ong maypinag-aralan at nagtuturo ng Philosophy at Psychology hindi lang basta porma o aesthetic (by the way, branch din ng Philosophy ang Aesthetic) ang pagsusuot ng hikaw ng mga lalaki at ang labis na paghihikaw ng mga babae. Ang hikaw ng isang tao ay may isinisigaw na bulong ng damdamin at kultura ng nagsusuot nito. Nasasalamin dito ang kanyang emosyon at iniisip na marahil ay hindi kayang bigkasin ng kanyang mga labi.

Oo, ang mga katutubo natin ay may hikaw rin. Ang ilang kalalakihan sa ibang bansa ay may hikaw rin. Pero bakit sa paaralan ay ipinagbabawal ito. Noon, madali lang ang sagot... "Dahil hindi ito angkop sa paaralan." sa ganitong sagot tapos na ang usapan.

Noon, School Heads, G**o at Magulang ay nakakaisa at magkatulong sa pagsulong ng ankop at hindi angkop sa paaralan. Noon, kapag pumasok sa paaralan, alam ng mag-aaral ang kanyang lugar. Sa paarlaan ang unang dapat matutunan ay ang pagsunod sa PANUTO. (Alam nyo ba na ang salitang PANUTO ay mula sa tanong na "Paano Ito?")

Ngayon, di na malinaw kung bakit ito bawal. Bawal kasi nasa school handbook. Bawal kasi ayaw ng school administration. Bawal kasi hindi bagay... So, ngayon? Ano ba talaga?

Sa dami ng kabataang nakuhanan at nakausap ko tungkol sa kanilang hikaw. May isang tema or isang pattern ang aking napansin... MARAMI SA KANILA AY MAY NAIS IPAKITA NA SILA AY MAY SARILING DESISYON AT DI PAPASAILALIM SA AUTHORIDAD.

So ano nagbago mula noong 1998 na nagsimula kong naturo, sa ngayon 2021 na NApunta ako sa public high school? Yung hindi nagtanda noon, yung mga kabataang uhaw sa pagiging independent noon, teacher at magulang na ngayon.

Noon, ilalahad ko lang ang kamay ko, kusa na nilang ibibigay dahil alam nila kung ano ang bawal at alam nila ang dapat. Ngayon, hinahayaan ko na lang... Dahil masakit kung makakasalubong mo sa corridor, ay kapwa teacher na lalaki na may hikaw rin... Minsan nga napapaisip talaga ako, baka pwedeng isa-isahin ng mga magulang at g**o ang mga nasa student handbooks. Isa lang ang tanong ko... BAGO NATIN IPATUPAD SA MGA MAG-AARAL, KAYA BA NATING TUPARIN LAHAT NG NASA HANDBOOK? DAHIL KUNG HINDI, EH BURAHIN NA LANG NATIN. Walang pinagkaiba ito sa issue ng helmet na di sinusuot ng nagmomotor na teacher.

Sa madalit sabi... Bakit pa natin ipagbabawal sa student handbook kung di rin kayang tuparin ng sistemang nagbabawal dito... Oo hikaw lang yan... Pero ito ang sumasalamin sa nangangatod na sistema natin. HANGGA'T HINDI KAYANG DISIPLINAHIN NG SISTEMA ANG DAPAT DISIPLINAHIN, HANGGANG PINIPIKIT NG SISTEMA ANG MATA SA KATOTOHAN NA DI LAHAT AY DAPAT IPASA, AT DI LAHAT AY DAPAT PAGBIGYAN, mas magiging matindi pa rito ang pwedeng mangyari...

SA HULI, IBABALIK PA RIN NAMIN SA MGA MAGULANG ANG KANILANG MGA ANAK... Nagpalaki ba tayo ng anak, o nagpalaki tayo ng kriminal? O baka ang mas tamang tanong, NAGPAKAMAGULANG BA TAYO? O nag-anak lang tayo?

Bato-bato sa langit, ang tamaan mag-isip-isip.

vs vs
Nico Diwa Bundoc Ocampo, Apairon PhilosophiaKakoo B. Ocampo, DepEd Philippines, Deped Tambayan PH

Reposting!May bagyo na naman, hihiling na naman tayo ng proteksyon sa Inang Kalikasan, pero bakit natin sya pinababayaan...
24/07/2026

Reposting!
May bagyo na naman, hihiling na naman tayo ng proteksyon sa Inang Kalikasan, pero bakit natin sya pinababayaan? Bakit ang daling makalimot ng mga Anak ng Bayan na kanyang niyakap at pinagsangganan. Protektahan natin ang ating kalikasan, Protektahan natin ang ating Kabundukan... Itigil ang anumang minahan!

Volunteers' Life and Adventure, Apairon Philosophia, Kakoo B. Ocampo, Pahina ng Diwa ni Sir NicoNico Diwa Bundoc Ocampo

Sinagip na naman tayo ni Inang Kabundukan.

Ayon sa Dictionary ang "Sierra" ay nangangahulugang mountain ranges o kabundukan, at ang “Madre” ay mother o Ina. Kaya kung tutuusin ang ibig sabihin ng "Sierra Madre" ay Ina Ng Kabundukan. Nakakatuwa na marami ang naglalarawan sa Sierra Madre bilang isang mandirigma na nangangalaga at ipinagtatanggol ang kapakanan ng Pilipinas laban sa mapanirang bagyo. Ganun pa man, higit sa pagiging mandirigma, ang Sierra Madre ay isang INA.

Kabi-kabila ang pahayag at paglalantad ng mga minahan, quarrying at kung ano-ano pang paninira sa kalikasan bago pa dumating ang bagyong Uwan. Pero kahapon lang, kahit sugatan, kahit naghihingalo at kahit parang di na kayang lumaban ay sinagip na naman tayo ni Inang Kabundukan. Tulad ng isang inang nagtataguyod sa mga anak, pilit nyang niyayakap at pinuprotektahanan ang kanayang mga supling, laban sa kapahamakan, kahit ang kapalit nito ay sakripisyo ng sariling kapakanan.

Ang nakakalungkot, katulad din ang ilang kabataan ngayon, maraming mga supling ang binabalewala ang sakripisyo ng mga ina. Sa halip na maging pag-hinga sa maghapon na pagtatrabaho ay sasalubong ang mga anak na pasaway, makalat sa bahay, at hinahayaan ang mga dayong katropa na sirain ang kanilang tahanan kapalit ng pabor o iba pang materyal na bagay.

Isang yakap sa atin mga ina, na tulad ng Sierra Madre, kahit pagod at kahit sugatan, ‘di susuko, ipagtanggol lang ang mga anak. Ang hamon ko sa bawat Kabataang Pilipino ay regalo ng buhay para sa Inang Kabundukan. Taon-taon sa araw ng ating kapakanakan, tayo ay nagpapasalamat sa buhay na pinahiram. Bakit hindi natin ito suklian? Isang puno, kada kaarawan mo, isang puno sa kada PIlipino ang itatanim upang Sugat ng Sierra Madre ay maghilom at tuluyang lumakas upang tayo ay patuloy rin niyang yakapin at pananggalang laban sa kapahamakan. Tara, tayo naman ang yumakap sa ating Inang Kabundukan.

, , , , kills, for

Volunteers' Life and Adventure, Nico Diwa Bundoc Ocampo, Kakoo B. Ocampo, Apairon Philosophia, Deped Tambayan PH, Department of Environment and Natural Resources (DENR), SK Reform NOW, Knights of Rizal-Valenzuela Central Chapter

Kung isa ka sa nakagamit ng NSTP Module na na-compile ko before 2012, maalala mo sana ang topic na ito.  1st of a the 12...
18/07/2026

Kung isa ka sa nakagamit ng NSTP Module na na-compile ko before 2012, maalala mo sana ang topic na ito. 1st of a the 12 Little Things Every Filipino Can Do to Help Our Country ni Atty. Alex Lacson. Sinimulan nya ito sa pangugusap na..."Traffic rules are the simplest of our country's laws. But when implemented, it paints a country of strong laws." at tinapos nya sa "Perhaps, following traffic rules could be our FIRST STEP --TO NATIONAL DISICIPLINE, TO NATION-BUILDING...

,
Pahina ng Diwa ni Sir NicoNico Diwa Bundoc OcampoKakoo B. OcampoApairon PhilosophiaVolunteers' Life and Adventure

Back-story: After nyang malaman na kasama sa NSTP Module ang book nya, ibinigay nya ang isa pang version ng kanyang libro... 12 Little Things Our YOUTH Can Do to Help Our Country na mas angkop daw para sa NSTP students. Hindi lang sa PLV NSTP graduation sya naimbitahang maging speaker, naging Graduation Speaker din sya sa SLCV, and with all humility and professionalism, kahit nagkaroon ng Block Out Noon dahil sa lakas ng ulan, tinuloy pa rin nya yung speech nya gamit ang megaphone.-- yung lang share ko lang....

AI... Works with you, works for you, and can also against you, or ruin you.  Kahapon ay nagkaroon kami ng kwentuhan ng i...
10/07/2026

AI... Works with you, works for you, and can also against you, or ruin you.
Kahapon ay nagkaroon kami ng kwentuhan ng ilan sa aking mga dating students. Maraming memories ang binalikan, (pero sa ibang kwento na lang muna yon). Ang isa sa kanila nasa larangan ng AI education, ethics and security. Isa sa mga topic ay kung paanong ginagamit ni AI ang ating mga social media, at cloud storage to build its framework and algorithm. Kaya gamit ang ramdom email account, nagpagawa ako kay AI ng introduction about Nico Diwa B. Ocampo. Note, na hindi ko ginamit ang personal or even deped account ko to open the AI. At ito ang lumabas. In short, may alam talaga si AI sa background ko.

Balik sa kwentuhan, AI feeds from our posts, AI gather information about us from what we share in the internet. Dito papasok ang critical thinking or yung sinasabing Humanizing AI. Garbage in, garabage out... Gold in, gold out... Let us all be responsible and be EXTRA CAREFULL in uploading anything in the internet.

, ,

Apairon Philosophia, Pahina ng Diwa ni Sir Nico, Nico Diwa Bundoc Ocampo, Kakoo B. Ocampo, Volunteers' Life and Adventure.

Fire Alarm Pranks: A Serious Threat to School Safety and Their Legal Consequences Under Philippine LawA Message to Paren...
03/07/2026

Fire Alarm Pranks: A Serious Threat to School Safety and Their Legal Consequences Under Philippine Law
A Message to Parents

The safety of every learner, teacher, employee, and visitor is a shared responsibility of the school, the family, and the community. One issue that deserves serious attention is the misuse of fire alarm systems. What some children may consider a harmless prank can have life-threatening consequences and may expose them to school disciplinary action, civil liability, and legal proceedings under Philippine law.

A fire alarm is a life-saving device. Its purpose is to provide an immediate warning of a fire or other emergency so that people can safely evacuate the building. Every second matters during an actual emergency. When someone deliberately activates a fire alarm without a legitimate reason, they place an entire community at unnecessary risk.

Why False Fire Alarms Are Dangerous

The moment a fire alarm sounds, teachers stop instruction and implement emergency evacuation procedures. Hundreds—or even thousands—of students leave their classrooms and proceed to designated evacuation areas.

During this process, several dangers may arise:

Young children may panic or become separated from their teachers.
Students may run, push, or fall while evacuating.
Persons with disabilities, pregnant women, senior citizens, and individuals with medical conditions may be placed at greater risk.
Valuable instructional time is lost, disrupting teaching and learning.
Firefighters and other emergency responders are dispatched to an incident that does not exist, reducing their ability to respond promptly to genuine emergencies elsewhere.

Perhaps the greatest danger is what safety experts call the "cry wolf effect." When people repeatedly experience false alarms, they may become complacent and delay evacuating during a real fire. Such hesitation can cost lives.

Fire Alarm Pranks Are Prohibited by Philippine Law

Under Republic Act No. 9514, otherwise known as the Revised Fire Code of the Philippines of 2008, giving false or malicious fire alarms is expressly prohibited. The law recognizes that false alarms threaten public safety because they create panic, waste government resources, and interfere with legitimate emergency operations.

The Bureau of Fire Protection (BFP) is mandated to enforce the Fire Code and may investigate violations. When warranted by the facts, appropriate administrative or criminal complaints may be pursued in accordance with existing laws.

Possible Legal Consequences

Although every case depends on its specific facts, intentionally activating a fire alarm without an actual emergency may result in one or more of the following consequences.

1. School Disciplinary Sanctions

Schools are responsible for maintaining a safe learning environment. Depending on the school's Student Handbook and applicable Department of Education policies, disciplinary actions may include:

Written reprimand;
Parent conference;
Restitution for damaged equipment;
Community service or restorative interventions;
Suspension; or
Expulsion in cases of serious or repeated violations, subject to due process.

These sanctions aim not only to discipline but also to teach responsibility and accountability.

2. Investigation for Violations of the Fire Code

Because false fire alarms are prohibited under the Revised Fire Code, school authorities may refer the incident to the Bureau of Fire Protection for investigation. The BFP may coordinate with law enforcement agencies whenever circumstances justify further legal action.

3. Criminal Liability

While Republic Act No. 9514 specifically prohibits false or malicious fire alarms, additional criminal offenses may also be considered by prosecutors depending on the surrounding circumstances. For example, if the act causes injuries, public panic, damage to property, or obstruction of emergency responders, other provisions of Philippine law may become applicable after investigation.

It is therefore incorrect to assume that activating a fire alarm "as a joke" carries no legal consequences. A prank that endangers lives can become the subject of criminal proceedings.

4. Civil Liability

Even when the offender is a minor, civil liability may still arise.

If emergency equipment is damaged or unnecessary emergency response expenses are incurred, the responsible individual—and in appropriate cases, the parents or guardians—may be required to pay for the damages as provided under Philippine civil law.

Parents should understand that financial responsibility may accompany acts committed by their minor children.

5. Liability of Minors

Many parents mistakenly believe that children cannot be held accountable because they are below eighteen years of age.

The Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 (Republic Act No. 9344), as amended by Republic Act No. 10630, does not excuse unlawful conduct. Instead, it establishes a justice system that balances accountability with rehabilitation.

Children 15 years old and below are generally exempt from criminal liability but are subjected to appropriate intervention programs. Children above 15 but below 18 years old may be held criminally liable if they acted with discernment, subject to the procedures established by law.

Importantly, the law expressly provides that exemption from criminal liability does not exempt the child from civil liability. The objective is to correct behavior while ensuring accountability and protecting society.

What Parents Can Do

Parents remain the most influential teachers in a child's life. A simple conversation at home can prevent an incident with lasting consequences.

Please remind your children:

A fire alarm should never be touched unless there is a real emergency.
Emergency equipment exists to save lives—not to entertain, impress friends, or create social media content.
Every false alarm wastes government resources that could save lives elsewhere.
Their actions may affect hundreds of students, teachers, and emergency responders.
Being "just curious" or "just joking" is not a valid excuse when public safety is placed at risk.

Children should also be encouraged to report anyone tampering with emergency equipment instead of participating or remaining silent.

A Shared Responsibility

Schools invest significant resources in installing fire protection systems, conducting evacuation drills, and training teachers and students for emergencies. These efforts are effective only when every member of the school community respects the purpose of emergency equipment.

Parents and educators share the responsibility of teaching children that safety rules exist because lives depend on them.

A fire alarm is not a toy.

It is not a prank.

It is not entertainment.

It is a life-saving device designed to protect every person inside the school. Let us work together to teach our children that true maturity is shown by respecting the law, protecting others, and making responsible choices.

References

Bureau of Fire Protection. (2019). 2019 Revised Implementing Rules and Regulations of Republic Act No. 9514 (Revised Fire Code of the Philippines of 2008). https://bfp.gov.ph

Congress of the Philippines. (2006). Republic Act No. 9344: Juvenile Justice and Welfare Act of 2006. https://lawphil.net/statutes/repacts/ra2006/ra_9344_2006.html

Congress of the Philippines. (2013). Republic Act No. 10630: An Act Strengthening the Juvenile Justice System in the Philippines. https://lawphil.net

Congress of the Philippines. (2008). Republic Act No. 9514: Revised Fire Code of the Philippines of 2008. https://lawphil.net/statutes/repacts/ra2008/ra_9514_2008.html

, , , ,
Apairon Philosophia, Pahina ng Diwa ni Sir Nico, Nico Diwa Bundoc Ocampo, Kakoo B. Ocampo, Volunteers' Life and Adventure

Maliiit na bagay, pero bakit hirap tayong isabuhay... Mahirap bang maging isang MABUTING Pilipino?  Mahirap ba talagang ...
15/06/2026

Maliiit na bagay, pero bakit hirap tayong isabuhay...
Mahirap bang maging isang MABUTING Pilipino? Mahirap ba talagang maging MABUTING TAO?

Apairon Philosophia, Pahina ng Diwa ni Sir Nico, Nico Diwa Bundoc Ocampo, Kakoo B. Ocampo, Volunteers' Life and Adventure

Address

Sta. Monica Subd
Makati
1440

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pahina ng Diwa ni Sir Nico posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Pahina ng Diwa ni Sir Nico:

Shortcuts

Share

Category