30/12/2025
Commemoration of the Life and Works of Dr. Jose Rizal.
Ctto
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from CWNHS Sikalip Club, School, Makati.
30/12/2025
Commemoration of the Life and Works of Dr. Jose Rizal.
Ctto
30/11/2025
π ππ§πππ’π§ π‘ππ ππ‘ π§ππ¬π’ π¦π πππ¦ππ¬π¦ππ¬ππ‘!
Ito ang palaging paalala ni Andres Bonifacio at ng kaniyang balo na si Gregoria de Jesus.
Sa kasamaang palad, tila wala nang takot sa kasaysayan ang marami sa atin. Sa halip ay ibinabaon ito sa limot o sa patung-patong na kasinungalingan at ingay.
Ngayong Araw ni Bonifacio, balikan natin ang mga aral ng kasaysayan. Tularan natin ang mabuting halimbawa ng mga dakilang Pilipino. Sa ganitong paraan, makakamit natin ang ganap na kalayaan, kaginhawaan, at katuwiran.
. .
Nakikiisa tayo sa pagdiriwang ng ika-162 anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio. Kasama siyang nagtatag sa Katipunan noong 1892 habang kasapi ng iba pang samahang progresibo tulad ng Masoneriya at La Liga Filipina. Ang pamumuno niya sa Himagsikang Pilipino nang 1896 hanggang 1897 ang nagtulak sa Pilipinas na landasin ang kalayaan at kasarinlan.
Kilalanin pa natin siya sa aming website:
https://www.psaysay.org/honorees/bonifacio
. .
May saysay ang kasaysayan. Ikalat pa natin!
π I-like at i-follow ang Project Saysay at Project Vinta
π Bisitahin ang www.psaysay.org
π€ Usap tayo paano pa natin mapapalakas ang public history sa [email protected]
30/11/2025
Ngayong araw ang ika-162 anibersaryo ng kapanganakan ni G*t Andres Bonifacio, ang 'Ama ng Himagsikan' na nag-alab ng tapang at pag-asa para sa kalayaan ng bayan.
Sa panahon ngayon, ano ang pinakamahalagang aral mula kay Bonifacio ang sa tingin ninyo ay dapat nating patuloy na isabuhay?
17/11/2025
Mr. And Ms. United Nations 2025
17/11/2025
Mr and Ms. United Nations 2025
15/11/2025
UNITED NATIONS PROGRAMπ
Husay at Talino sa Pagkilala ng Bansa!
Isang mainit na pagbati at pagpupugay sa lahat ng mga mag-aaral na lumahok sa Guess The Country Quiz Bee sa pangunguna ni Mrs. Cherrie Ann Lirio, Ms. Jane Hapita at Sir Rence Quimpo.
Ipinakita ninyo ang talas ng inyong memorya , bilis ng pag-iisip at kaalaman sa ibat -ibang bansa mula sa kanilang bandila , hanggang sa capital at lokasyon nila sa mapa.
Ang inyong dedikasyon at paghahanda ay tunay na kahanga -hanga.
Patuloy ninyong tuklasin ang ganda at pagkakaiba-iba ng mga bansa sa ating daigdig.
Congratulations sa mga kalahok at nagwagi!
15/11/2025
UNITED NATIONS PROGRAMπ
Mabuhay ang Tinig ng Makabagong Kabataanπ
Isang mataas na pagpupugay sa lahat ng mga mag-aaral na lumahok sa Bayan Ko, Tinig Ko Singing Contest.
Ipinakita ninyo ang tapang, talento at pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng inyong mga tinig at mensaheng nagbigay-inspirasyon sa bawat nakapakinig.
Ang inyong mga pagtatanghal ay hindi lamang simpleng pag-awit at pagbigkas . Ito ay patunay ng inyong pagmamahal sa kultura, bayan at adhikain para sa mas makabayan at mas makabuluhang kinabukasan.
Saludo kami sa inyong galing at dedikasyon!
Patuloy ninyong gamitin ang tinig upang maghatid ng kabutihan, pagβasa at pagkakaisa.
15/11/2025
Isang taos pusong pagbati at pasasalamat sa lahat ng mga mag-aaral na lumahok sa Geo Quiz Bee sa pangunguna ni Ms. Giselle Banayag.
Ipinakita ninyo ang talino, talas ng isipan, at malalim na pang-unawa sa heograpiya ng ating bansa at ng buong mundo.
Kahanga-hanga ang inyong dedikasyon at tapang na sumubok sa isang hamong sumusukat sa kaalaman at bilis ng pag-iisip.
Congratulations sa lahat ng kalahok at sa mga nagwagi! Ang inyong tagumpay at tagumpay ng ating paaralan.
15/11/2025
UNITED NATIONS PROGRAMπ
Saludo sa Ating Mga Batang Makata at Makabayan!
Isang mainit na pagbati sa lahat ng mga mag-aaral na lumahok sa Slogan Making Contest sa pangunguna ni Mrs. Maria Fe G. Alayon.
Ang inyong mga likha ay hindi lamang simpleng pahayag, ito ay mensaheng may malasakit, inspirasyon at pangarap para sa mas magandang kinabukasan.
Kahanga-hanga ang inyong talento at tapang na ibahagi ang inyong ideya. Patuloy ninyong paunlarin ang inyong galing sa pagsusulat at pagpapahayag.
Congratulations sa lahat ng kalahot at nagwagi!
15/11/2025
UNITED NATIONS PROGRAMπ
Mabuhay ang Talento at Kretibidad ng mga Mag-aaral na nagpamalas ng kanilang husay sa isinagawang POSTER MAKING CONTEST sa pangunguna ni Ms. Mary Chris Panuncialman.
Salamat sa inyong husay, dedikasyon at kakaibang galing sa sining.
Ang bawat likhang obra ay sumasalamin sa inyong pagkalamikhain at pagnanais na maghatid ng mensahe.
βHindi man lahat ay nagwagi, ngunit ang mahalaga ay nakibahagi kayo at ipinakita ang inyong talentoβ
15/11/2025
UNITED NATIONS PROGRAMπ
Ang mga mag-aaral na nagpakita ng kahusayan at talino sa PICTO QUIZ BEE sa pangunguna ni Sir Christopher Macabanting.
Maraming Salamat sa lahat ng mga mag-aaral na nakilahok sa mga programa ng Araling Panlipunan.
Congratulations din sa mga nanalo sa bawat patimpalak.ππ