03/08/2026
ππ΅π PAMBUNGAD NA PALATUNTUNAN | BUWAN NG WIKA 2026
Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Pambungad na Palatuntunan ng Buwan ng Wika 2026 sa Mahayag Elementary School kasabay ng ating flag ceremony.
Sa taong ito, ating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa temang βWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,β na itinakda ng Komisyon sa Wikang Filipino. Ang temang ito ay nagpapaalala na ang Wikang Filipino at makabagong teknolohiya ay maaaring magsanib upang mapalawak ang pananaliksik, mapadali ang pag-access sa kaalaman, at higit na mapayaman ang ating kultura at impormasyon.
Pinangunahan ang programa ng ating Filipino Coordinator, Ginang Aimee Idemne, sa patnubay ng ating butihing Principal III, Jessica M. Alonzo, EdD. Nagbigay rin ng karangalan sa okasyon ang pagdalo ng ating Public Schools District Supervisor, Riza Joy R. Sarile, bilang pagpapakita ng suporta sa patuloy na pagtataguyod at pagpapahalaga sa Wikang Filipino sa ating paaralan.
Sa pamamagitan ng pagdiriwang na ito, muling pinagtitibay ng Mahayag Elementary School ang kahalagahan ng ating pambansang wika bilang daluyan ng kaalaman, kultura, at pagkakaisa sa gitna ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya.
Mabuhay ang Wikang Filipino! π΅π