02/07/2026
Nakikiisa ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) sa pagdiriwang ng 𝟱𝟮𝗻𝗱 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 na may temang "𝘕𝘶𝘵𝘳𝘪𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘵 𝘒𝘢𝘭𝘪𝘬𝘢𝘴𝘢𝘯, 𝘈𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘢𝘯."
Kinikilala ng MBHTE na ang wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan ay mahalaga sa paghubog ng malusog, ligtas, at produktibong kapaligiran sa pagkatuto. Sa pamamagitan ng mga programang pangkalusugan at pangnutrisyon sa mga paaralan, patuloy nating isinusulong ang kapakanan ng bawat mag-aaral at ang pagbuo ng mas matatag na Bangsamoro.
Sama-sama nating itaguyod ang wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan para sa mas malusog at mas maunlad na kinabukasan.