DepEd Magsaysay Elementary School

DepEd Magsaysay Elementary School Magsaysay Elementary School (School ID: 108791):, also called MagEStic school was established on 1971.

Location: Km. 2, Brgy Magsaysay, Infanta, Quezon, Philippines
Curricular Class: Kinder & Elementary
Classification: DepED Managed School

πŸ“’ Paghahanda para sa Ligtas na Paaralan! 🏫Nakipagpulong si Mr. Joven Barnedo, Administrative Officer II ng Magsaysay Ele...
21/07/2026

πŸ“’ Paghahanda para sa Ligtas na Paaralan! 🏫

Nakipagpulong si Mr. Joven Barnedo, Administrative Officer II ng Magsaysay Elementary School, sa opisina ng mga kawani at opisyal ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta bilang kinatawan ng paaralan noong Lunes, July 20, 2026.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga mahahalagang detalye, koordinasyon, at kinakailangang paghahanda para sa nakatakdang Earthquake Drill ng Magsaysay Elementary School sa Hulyo 31, 2026. Layunin ng gawaing ito na higit pang mapaigting ang kahandaan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani sa tamang pagtugon sa oras ng lindol upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

Sa pamamagitan ng maayos na pagpaplano at pagtutulungan ng paaralan at ng MDRRMO, patuloy nating isinusulong ang isang ligtas, handa, at matatag na komunidad ng Magsaysay ES.






PABATID sa Magsaysayon:SPTA IN ACTION. Ginanap noong Lunes, July 20, 2026, 2PM, ang kauna-unahang pagpupulong ng mga opi...
21/07/2026

PABATID sa Magsaysayon:
SPTA IN ACTION. Ginanap noong Lunes, July 20, 2026, 2PM, ang kauna-unahang pagpupulong ng mga opisyal ng Schools Parents Teacher Association (SPTA) sa pangunguna ng bagong upong Pangulo na si Ginoong Jaycee Azogue kasama ang bawat opisyal ng SPTA at mga klasrum PTA Officers.

Narito ang detalye ng mga tinalakay ng SPTA in Action:
1.) ATAG (July 22, Myerkules, 6:00 am)
β€Ž
β€Ž2.) INDUCTION CEREMONY
β€ŽDate: July 24, 2026 (Friday)
β€ŽTime: 4:00 pm
β€Ž
β€Žβˆš FOOD & DRINKS
β€Žβ€’ POTLUCK by Grade Level & Section
β€Ž
β€Žβˆš DECORATIONS: c/o PTA Officers
β€Ž
β€Žβˆš MUSE
β€Ž
β€Žβˆš RAFFLE

β€ŽICOLOR CODING per Grade Level

β€ŽFINANCIAL MATTER
β€Žβˆš PTA CONTRIBUTION sa napagkasunduang halaga
β€Ž> Yearly po ginagawa ito para magkaroon ng pondo ang ating School.
β€Ž
β€Žβˆš Pag turn-over ng pondo last year sa ating bagong Treasurer. Maari din itong gamitin sa gaganaping Induction.
β€Ž
β€Žβˆš Pagkakaroon ng SCHOOL PROJECT PLANNING for the year 2026-2027 kung saan nakalahad ang mga planong proyekto ng kasalukuyang PTA Officers.
β€Ž
β€Žβˆš Mga mahalagang Kontribusyong Pinansyal na makakatulong sa SPTA at sa paaralan para sa mga programa, proyekto at aktibidad

πŸ“’ PABATID SA MAGSAYSAYON | HINAY (Ease to Flexible Learning)Alinsunod sa suspensyon ng face-to-face classes na ipinatupa...
21/07/2026

πŸ“’ PABATID SA MAGSAYSAYON | HINAY (Ease to Flexible Learning)

Alinsunod sa suspensyon ng face-to-face classes na ipinatupad ng Pamahalaang Bayan ng Infanta, Quezon, walang face-to-face classes sa Magsaysay Elementary School ngayong Miyerkules, Hulyo 22, 2026, bunsod ng nakaiskedyul na lokal na power interruption sa ating lugar.

Gayunpaman, hindi hihinto ang pagkatuto ng ating mga mag-aaral. Bilang pagsunod sa DepEd Order No. 14, s. 2026 o Guidelines on Learning Continuity in Emergencies, ipatutupad ng paaralan ang HINAY (Ease to Flexible Learning) upang matiyak ang tuloy-tuloy, ligtas, at dekalidad na pagkatuto ng bawat mag-aaral sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (ADM) o Flexible Learning.

πŸ“ Mga Paalala sa mga Mag-aaral at Magulang:

βœ… Gawin ang mga learning activities, modules, o iba pang gawaing ibibigay ng inyong g**o para sa araw na ito.

βœ… Sagutan at isumite ang mga itinakdang gawain ayon sa iskedyul at paraang itinuro ng inyong g**o.

βœ… Manatili sa inyong tahanan, maging ligtas, at ipagpatuloy ang pagkatuto sa pamamagitan ng Flexible Learning.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa, pakikiisa, at patuloy na suporta sa Magsaysay Elementary School. Sama-sama nating itaguyod ang ligtas at tuloy-tuloy na edukasyon para sa bawat batang Magsaysay.

"BAGONG PAMUNUAN, BAGONG PAG-ASA; (PTA OFFICERS SY 2026-2027 of MagEStic School, Magsaysay ES!"Matagumpay na isinagawa a...
17/07/2026

"BAGONG PAMUNUAN, BAGONG PAG-ASA; (PTA OFFICERS SY 2026-2027 of MagEStic School, Magsaysay ES!"

Matagumpay na isinagawa ang Halalan ng Parents-Teachers Association (PTA) Officers para sa School Year 2026–2027 noong Hulyo 15, 2026 sa Magsaysay Elementary School Social Hall.

Ang halalan ay pinangasiwaan ni Sir Joven Barnedo, Administrative Officer II (AO II) sa ngalan ng ating School Head, Monroe L. Obuyes, Principal I, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan ng paaralan at ng mga magulang tungo sa mas maayos, mas ligtas, at mas de-kalidad na edukasyon para sa ating mga mag-aaral.

Narito ang mga bagong halal na PTA Officers para sa SY 2026–2027:

President: G. Jaycee Azogue
Vice President: Desiree Penaverde
Secretary: Dulce Matining
Treasurer: Jenilyn Recahuerta
Auditor: Mary Anne Laico
Peace Officer: Liezel Tiu
Public Information Officer: Loyz Anne Aldave

Taos-pusong pagbati sa ating mga bagong halal na opisyal! Nawa'y magsilbi kayong huwaran ng pagkakaisa, katapatan, at malasakit sa bawat batang Magsaysay.

Maraming salamat din sa lahat ng mga magulang na aktibong nakilahok at nagbigay ng kanilang suporta sa demokratikong proseso ng pagpili ng mga pinuno ng PTA. Ang inyong pakikiisa ay patunay na ang tagumpay ng paaralan ay bunga ng sama-samang pagkilos ng pamilya, paaralan, at komunidad.

Sa Magsaysay Elementary School, sama-sama nating isinusulong ang isang paaralang may ngiti, malasakit, at tagumpay para sa bawat bata.






Mula sa aming munting paaralan, isang malaking pagpapala po ang inyong inihandog salamat po Mayor L.A. Ruanto at Sanggun...
09/07/2026

Mula sa aming munting paaralan, isang malaking pagpapala po ang inyong inihandog salamat po Mayor L.A. Ruanto at Sangguniang Bayan ng Infanta, Quezon

Salamat po Mayor L.A. Ruanto and Sangguniang Bayan ng Infanta. Pagpalain po kayo lage ng Poong Maykapal.
09/07/2026

Salamat po Mayor L.A. Ruanto and Sangguniang Bayan ng Infanta. Pagpalain po kayo lage ng Poong Maykapal.

π‹πˆππ‘π„ππ† π’π‚π‡πŽπŽπ‹ π’π”πππ‹πˆπ„π’, πˆππ€πŒπ€πŒπ€π‡π€π†πˆ 𝐍𝐀 ππ†π€π˜πŽππ† 𝐀𝐑𝐀𝐖!

Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng libreng school supplies para sa mga mag-aaral ng Magsaysay Elementary School, mula Kinder hanggang Grade 6.

Makatatanggap ang mga mag-aaral ng mga pangunahing gamit sa pag-aaral tulad ng bag, notebooks, lapis, eraser, pad paper, at iba pang school supplies na makatutulong sa kanilang pag-aaral sa darating na pasukan.

Abangan ang mga susunod naming anunsyo at schedule ng pamamahagi sa iba pang paaralan sa Bayan ng Infanta.

Mula sa taumbayan, handog para sa kabataan!



Late upload:UNANG FLAG CEREMONY SA BAGONG TAUNANG PANURUAN 2026-2027 | Hunyo 8, 2026 | 6:50 AMSa pagsisimula ng panibago...
09/07/2026

Late upload:
UNANG FLAG CEREMONY SA BAGONG TAUNANG PANURUAN 2026-2027 | Hunyo 8, 2026 | 6:50 AM

Sa pagsisimula ng panibagong linggo at panibagong taong panuruan, matagumpay na isinagawa ng Magsaysay Elementary School ang kauna-unahang Flag Ceremony para sa SY 2026–2027 sa pangunguna ng pamunuan ng mga mag-aaral na SELG Officers at Administration Office sa pangunguna ni G. Monroe L. Obuyes, Principal I.

Bilang bahagi ng programa, isinagawa ang isang maikling orientation upang makilala ng lahat ng mag-aaral ang kanilang mga Kawani ng paaralan, Class Advisers at mga G**o mula Kinder hanggang Grade 6, na magsisilbing kanilang gabay sa buong taong panuruan.

Nagbigay rin ng mahahalagang paalala tungkol sa mga dapat gawin at hindi dapat gawin sa loob ng paaralan, alinsunod sa mga polisiya at alituntunin ng DepEd. Layunin nitong mapanatili ang isang ligtas, maayos, nakangiti, disiplinado, at magalang na kapaligiran para sa lahat.

Isa ring tampok ng programa ang opisyal na paglulunsad ng "Smile, Magsaysay" Dance Exercise Anthem para sa School Year 2026–2027. Masayang nakiisa sa sayaw ang mga mag-aaral, mga g**o, mga tagapayo sa bawat baitang, at ilang mga magulang na nasa loob ng paaralanβ€”isang masiglang pagsisimula na nagbigay ng positibong enerhiya at pagkakaisa sa buong komunidad ng paaralan.

Patuloy nating isabuhay ang disiplina, paggalang, pakikipagtulungan, at malasakit habang sama-sama nating tinatahak ang panibagong taon ng pagkatuto.

πŸ’™πŸ’›





"RESPECT STARTS WITH ME! Happy Pride Month 2026 (July 6, 2026)Theme: "DepEd's Pride: Where Every Identity Belongs"Sa pag...
06/07/2026

"RESPECT STARTS WITH ME!
Happy Pride Month 2026 (July 6, 2026)
Theme: "DepEd's Pride: Where Every Identity Belongs"

Sa pagdiriwang ng Pride Month 2026, na may temang DepEd's Pride: Where Every Identity Belongs", kasabay ng Devotion at Flag Ceremony ng MagEStic school, buong puso at nagkakaisang nakiisa ang mga g**o at mag-aaral ng Magsaysay Elementary School sa ating "RESPECT STARTS WITH ME!" pictorial bilang pagpapakita ng ating paninindigan sa kultura ng paggalang, kabutihan, pagkakaisa, at inklusibong paaralan.

Naniniwala ang Magsaysay Elementary School na ang tunay na lakas ng isang komunidad ay nagsisimula sa pagrespeto sa bawat isa, pagpapahalaga sa ating pagkakaiba-iba, at pagtutulungan upang makabuo ng isang ligtas, masaya, at mapagkalingang kapaligiran para sa lahat ng mga bata.

Ang paggalang ay nagsisimula sa akin. Ang kabutihan ay nagsisimula sa atin. Sama-sama nating itaguyod ang paaralang may malasakit, pagkakapantay-pantay, at pagkakaisa.

πŸ’šHappy Pride Month 2026!
πŸ’šRespect Starts With Me!
πŸ’šKindness Starts With Us!
πŸ’š Together, We Make Magsaysay Elementary School a Safe, Caring, and Inclusive Community for Everyone.

Address

Km. 2, Brgy. Magsaysay
Magsaysay
4336

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Magsaysay Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Magsaysay Elementary School:

Shortcuts

Share