๐‘ฏ๐‘ผ๐‘ต๐‘ฐ'๐‘ป ๐‘ท๐‘จ๐‘ต๐‘ผ๐‘ณ๐‘จ๐‘ป

  • Home
  • Philippines
  • Magdiwang
  • ๐‘ฏ๐‘ผ๐‘ต๐‘ฐ'๐‘ป ๐‘ท๐‘จ๐‘ต๐‘ผ๐‘ณ๐‘จ๐‘ป

๐‘ฏ๐‘ผ๐‘ต๐‘ฐ'๐‘ป ๐‘ท๐‘จ๐‘ต๐‘ผ๐‘ณ๐‘จ๐‘ป ๐‘ถ๐’‘๐’Š๐’”๐’š๐’‚๐’ ๐’๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’‰๐’‚๐’š๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ด๐’‚๐’•๐’‚๐’‚๐’” ๐’๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’‚๐’“๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’Ž๐’ƒ๐’‚๐’๐’”๐’‚ ๐’๐’ˆ ๐‘จ๐’ˆ๐’–๐’•๐’‚๐’š

๐—”๐—ก๐—›๐—ฆ, ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—น๐—ผ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜AGUTAY, ROMBLON โ€” Nagbuklod ang pamilya ng Agutay National High School (ANHS) sa...
18/09/2026

๐—”๐—ก๐—›๐—ฆ, ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—น๐—ผ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜

AGUTAY, ROMBLON โ€” Nagbuklod ang pamilya ng Agutay National High School (ANHS) sa isinagawang Thanksgiving Mass, Oath Taking Ceremony, 2nd General PTA Meeting, at Homeroom PTA Meeting ngayong hapon, Setyembre 18, 2026.

Nagsimula ang programa sa Thanksgiving Mass, na nagsilbing pasasalamat ng komunidad ng paaralan sa mga biyaya at gabay na patuloy na natatanggap.

Sinundan ito ng Oath Taking Ceremony para sa mga bagong halal na opisyal ng PTA, SSLG, at iba't ibang school organizations. Pinangunahan nina Sir Ken Nepomuceno at Maโ€™am Lelda Delmor ang panunumpa bilang mga inducting officers.

Samantala, isinagawa ang 2nd General PTA Meeting upang talakayin ang mahahalagang usapin at programa ng paaralan.

Sa huling bahagi, nagtipon ang mga magulang at g**o para sa Homeroom PTA Meeting, kung saan isinagawa rin ang releasing of report cards at pagbabahagi ng mahahalagang impormasyon tungkol sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, muling pinagtibay ng ANHS ang kahalagahan ng pananampalataya, responsibilidad, at pagkakaisa sa paghubog ng isang mas matatag na komunidad ng paaralan.

๐Ÿ–‹๏ธ ๐‘ช๐’“๐’Š๐’” ๐‘ฑ๐’†๐’“๐’ ๐‘น๐’๐’…๐’‚๐’‹๐’†
๐Ÿ“ท Ezekiel Yen Garcia
Sir Shalom Mabunga
Sir Nolmer Rabino

๐—”๐—ด๐˜‚๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ก๐—›๐—ฆ, ๐—Ÿ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ช ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒLumahok ang Agutay National High School (ANHS) sa PINASAYAW 2026, isa sa mga patimp...
06/09/2026

๐—”๐—ด๐˜‚๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ก๐—›๐—ฆ, ๐—Ÿ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ช ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Lumahok ang Agutay National High School (ANHS) sa PINASAYAW 2026, isa sa mga patimpalak ng Romblon Academic Contests for Excellence (RACE) 2026, na ginanap sa Looc National High School.

Kinatawan ng mga piling mag-aaral ang Agutay NHS sa kompetisyon, kung saan ipinakita nila ang kanilang talento sa pagsasayaw, disiplina, at pagtutulungan bilang isang pangkat.

Sa kabila ng hamon ng paghahanda, buong tapang na ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang husay at dedikasyon sa entablado. Naging pagkakataon din ang kompetisyon upang magkaroon sila ng bagong karanasan at maipagmalaki ang kanilang paaralan.

Ang paglahok ng Agutay NHS sa PINASAYAW 2026 ay patunay ng patuloy na pagsuporta ng paaralan sa talento at kakayahan ng mga mag-aaral.

๐Ÿ–‹๏ธ Trisha Miles Romano| Associate Editor
๐Ÿ“ท Sir Shalom Mabunga
Ezekiel Yen Garcia

๐—”๐—ด๐—ก๐—ฎ๐—›๐—ถ๐—ฆ๐˜๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐˜€, ๐—ž๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐Ÿฑ๐˜๐—ต ๐—œ๐—ป๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—ฟ๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜ ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—”๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ๐˜€Walong Grade 12 learners mula sa Agutay National...
31/08/2026

๐—”๐—ด๐—ก๐—ฎ๐—›๐—ถ๐—ฆ๐˜๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐˜€, ๐—ž๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐Ÿฑ๐˜๐—ต ๐—œ๐—ป๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—ฟ๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜ ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—”๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ๐˜€

Walong Grade 12 learners mula sa Agutay National High School ang kinilala bilang awardees sa 5th Instabright National Literary Awards na ginanap noong Agosto 29, 2026, sa View Park Hotel, Tagaytay City.

Ang mga mag-aaral na sina Zaijan M. Moral, Elvin James Mindoro, Hanze Joyce Reta, Shella Marie Role, Ezekiel Yen Garcia, Adrianne Gale Pamposa, Christine Joy Ramo, at Randelle Jay Fajilan ay nabigyang-pugay para sa kanilang mga isinumiteng literary works na nagpakita ng kanilang pagkamalikhain at husay sa pagsulat.

Pinangunahan at ginabayan sila ng kanilang mga g**o na sina Maโ€™am Jessa Rabida, Maโ€™am Juliet Epecto, Maโ€™am Danica Rodaje, Maโ€™am Kristy Salac, at Maโ€™am Ryna Rose Regala.

Ipinagmamalaki ng Agutay National High School ang tagumpay ng walong learners na patuloy na nagpapakita ng talento at pagmamahal sa panitikan.

๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜‚๐—น๐—ฎ, ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด: ๐—ญ๐—ฎ๐—ถ๐—ท๐—ฎ๐—ป ๐— ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—”๐—ด๐˜‚๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—›๐—ถ๐—ด๐—ตMinsan, hindi kailangan ng malaking e...
31/08/2026

๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜‚๐—น๐—ฎ, ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด: ๐—ญ๐—ฎ๐—ถ๐—ท๐—ฎ๐—ป ๐— ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—”๐—ด๐˜‚๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—›๐—ถ๐—ด๐—ต

Minsan, hindi kailangan ng malaking entablado upang mapansin ang isang tinig. Kailangan lamang nito ng pagkakataong marinig.

Para kay Zaijan M. Moral, isang Grade 12 learner ng Agutay National High School, ang pagkakataong iyon ay dumating sa pamamagitan ng panitikan. Sa bawat salitang isinulat niya, nabuo ang isang akdang hindi lamang nagkuwento, kundi naghatid din ng mensaheng sapat upang makilala sa pambansang antas.

Noong Agosto 29, 2026, sa View Park Hotel, Tagaytay City, ginanap ang 5th Instabright National Literary Awardsโ€”isang okasyong nagtipon ng mga kabataang manunulat at mga natatanging akdang pampanitikan mula sa iba't ibang lugar.

Sa naturang kompetisyon, nakamit ni Zaijan ang Top 2 sa Top 3 Most Inspirational Poems of the Year โ€“ English Category para sa kanyang obra na โ€œWhen Laws Forget Their Promise.โ€

Sa likod ng pagkilalang ito ay isang akdang naglalaman ng makabuluhang mensahe. Sa pamamagitan ng panulat, naipahayag ni Zaijan ang isang ideyang higit pa sa karaniwang mga salitaโ€”isang paalala tungkol sa mga pangakong dapat panindigan at mga prinsipyong hindi dapat kalimutan.

Ngunit ang kanyang tagumpay ay hindi lamang tungkol sa isang titulo.

Sa loob ng tatlong taon ng pakikilahok ng Agutay National High School sa Instabright National Literary Awards, ngayon lamang nakamit ng paaralan ang isang parangal na ganito kataas. Dahil dito, naging makasaysayan ang pagkilala kay Zaijan hindi lamang bilang isang batang manunulat, kundi bilang learner na nagdala sa pangalan ng Agutay National High School sa pambansang larangan ng panitikan.

Ang kanyang kuwento ay nagpapaalala na ang talento ay maaaring matagpuan saanman. Hindi nito kailangang manggaling sa isang partikular na lugar upang magkaroon ng malaking epekto. Sa tamang pagkakataon, ang isang simpleng ideya ay maaaring maging isang makapangyarihang mensahe, at ang isang estudyante ay maaaring maging kinatawan ng husay ng isang buong paaralan.

Sa pagkakataong ito, isang tula ang nagsilbing tulay.

Mula sa pahina patungo sa pambansang entablado, ang mga salita ni Zaijan ay naging bahagi ng isang milestone na tiyak na maaalala ng Agutay National High School.

Isang tula. Isang tinig. Isang makasaysayang unang pagkilala.

At sa bawat salitang kanyang isusulat sa mga susunod pang pahina, dala niya hindi lamang ang kanyang sariling pangalan, kundi ang inspirasyong ang kabataan ay may kakayahang magsalita, lumikha, at mag-iwan ng marka sa mundo ng panitikan.

๐Ÿ† ZAIJAN MORAL CLAIMS TOP 2: A HISTORIC FIRST FOR AGUTAY!

A remarkable milestone for Agutay National High School!

Congratulations to ๐™๐š๐ข๐ฃ๐š๐ง ๐Œ. ๐Œ๐จ๐ซ๐š๐ฅ, a Grade 12 learner of Agutay National High School, for being named Top 2 among the Top 3 Most Inspirational Poems of the Year โ€“ English Category at the 5th Instabright National Literary Awards, held on August 29, 2026, at View Park Hotel, Tagaytay City.

His award-winning literary work, โ€œWhen Laws Forget Their Promise,โ€ stood out among the submitted works and earned national recognition for its meaningful message and literary expression. โœ๏ธ๐Ÿ“–

This recognition is especially significant for Agutay National High School as it marks the first-ever award of this level for the school after three years of participating in the Instabright National Literary Awards.

Zaijanโ€™s achievement is a proud reminder that talent and creativity can shine wherever they come from. From the small community of Agutay, his words have reached a much wider audienceโ€”and brought pride to our school community.

Congratulations, Zaijan! Your achievement is not only your own but a milestone for the entire AgNaHiSta family. May you continue to write with purpose, courage, and passion. ๐Ÿ’™โœ๏ธ

From Agutay to the national stageโ€”one poem, one voice, one remarkable achievement.





Basta taga-Agutay High, DISIPLINADONG TUNAY!

Agutay National High School
Your School. Your Home. Your Future.

๐—”๐—ด๐˜‚๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ก๐—›๐—ฆ, ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒAGUTAY, MAGDIWANG, ROMBLON โ€” Nakiisa ang Agutay National High Sc...
20/08/2026

๐—”๐—ด๐˜‚๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ก๐—›๐—ฆ, ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

AGUTAY, MAGDIWANG, ROMBLON โ€” Nakiisa ang Agutay National High School sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 sa pamamagitan ng ibaโ€™t ibang gawaing pangwika na isinagawa ng mga g**o sa Filipino sa kanilang mga klase.

Kabilang sa mga gawain ang paglikha ng poster, kartung pang-editoryal, Himig Wika, talakayan sa awit, at kilos-senyas na pagbati. Layunin ng mga gawaing ito na mabigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong maipakita ang kanilang pagkamalikhain at kakayahan sa paggamit ng Wikang Filipino.

Nakatulong din ang mga aktibidad sa paglinang ng kritikal na pag-iisip, pagpapahayag, at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa wika. Sa pamamagitan ng sining, musika, at makabagong teknolohiya, naipakita ang ibaโ€™t ibang paraan ng paggamit ng Filipino sa pagkatuto at komunikasyon.

Ang pagdiriwang ngayong taon ay nakasentro sa temang โ€œWikang Filipino at Artipisyal na Intelihensiya (AI): Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ€ Binigyang-diin nito ang mahalagang papel ng Wikang Filipino at AI bilang mga kasangkapan sa pagkuha, paggamit, at pagpapalawak ng kaalaman.

Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, patuloy na hinihikayat ang mga mag-aaral na gamitin at pahalagahan ang Wikang Filipino bilang bahagi ng kanilang pagkatuto at pang-araw-araw na pakikipagkomunikasyon.

๐Ÿ–‹ :Chloe Mutia | Contributor
๐Ÿ“ท: Teachers and Learners

๐—ฆ๐—ž ๐—”๐—ด๐˜‚๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฏ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐—ต ๐—•๐—ฎ๐—ด๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—”๐—ด๐˜‚๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ก๐—›๐—ฆMAGDIWANG, ROMBLON โ€” Nagkaloob ang Sangguniang Kabataan (SK)...
15/08/2026

๐—ฆ๐—ž ๐—”๐—ด๐˜‚๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฏ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐—ต ๐—•๐—ฎ๐—ด๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—”๐—ด๐˜‚๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ก๐—›๐—ฆ

MAGDIWANG, ROMBLON โ€” Nagkaloob ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Agutay, sa pangunguna ni SK Chairman Menk Ken Robiso, ng dalawang malalaking basurahan at mga trash bag sa Agutay National High School ngayong Agosto 15, 2026.

Layunin ng ipinagkaloob na kagamitan na makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa loob ng paaralan, lalo na sa wastong pagtatapon at pamamahala ng basura.

Ayon sa YES-O ng Agutay NHS, malaking tulong ang mga bagong basurahan at trash bag sa patuloy nitong pagsusulong ng mga gawaing pangkalikasan sa paaralan. Hinihikayat din ang mga mag-aaral na gamitin nang wasto ang mga basurahan at panatilihin ang kalinisan ng kanilang kapaligiran.

Ang pagkilos ng SK Agutay ay nagpapakita rin ng pakikiisa ng kabataan sa mga programang naglalayong mapanatiling malinis at maayos ang paaralan at komunidad.

Patuloy namang nananawagan ang YES-O sa mga AgNaHiSta na makiisa sa pangangalaga ng kapaligiran sa pamamagitan ng wastong pagtatapon ng basura at pagiging responsable sa paggamit ng mga pasilidad ng paaralan.

Kabataan para sa kalikasan, sama-sama para sa mas malinis na AgNaHiSta.

๐Ÿ–‹๏ธ๐‘ป๐’“๐’Š๐’”๐’‰๐’‚ ๐‘ด๐’Š๐’๐’†๐’” ๐‘น๐’๐’Ž๐’‚๐’๐’| Associate Editor

๐—˜๐—ป๐—ด๐—ฟ. ๐—”๐—ป๐—ด๐—ฒ๐—น๐—ผ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜†๐—ฒ๐˜€, ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฏ ๐—ป๐—ด ๐—™๐—ถ๐—น๐—ฒ ๐—•๐—ผ๐˜…๐—ฒ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—”๐—ด๐˜‚๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ก๐—›๐—ฆMAGDIWANG, ROMBLON โ€” Nagkaloob si Engr. Angelo C. Reyes ng mga ...
15/08/2026

๐—˜๐—ป๐—ด๐—ฟ. ๐—”๐—ป๐—ด๐—ฒ๐—น๐—ผ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜†๐—ฒ๐˜€, ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฏ ๐—ป๐—ด ๐—™๐—ถ๐—น๐—ฒ ๐—•๐—ผ๐˜…๐—ฒ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—”๐—ด๐˜‚๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ก๐—›๐—ฆ

MAGDIWANG, ROMBLON โ€” Nagkaloob si Engr. Angelo C. Reyes ng mga set ng file boxes para sa ibaโ€™t ibang club at organisasyon ng Agutay National High School.

Layunin ng donasyon na matulungan ang mga student officer sa maayos na pag-iingat at pagsasaayos ng mahahalagang dokumento at talaan ng kanilang mga organisasyon.

Ayon sa paaralan, makatutulong ang mga file boxes upang maging mas organisado at sistematiko ang pamamahala ng mga dokumento ng bawat club at organisasyon.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Agutay National High School kay Engr. Reyes sa kanyang suporta at malasakit sa mga mag-aaral at sa buong komunidad ng paaralan.

Ang naturang donasyon ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng paaralan at mga stakeholder para sa kapakanan at pag-unlad ng mga mag-aaral.

๐Ÿ–‹๏ธ๐‘ฑ๐’‚๐’‰๐’‚๐’“๐’‚๐’‰ ๐‘ณ๐’‚๐’›๐’

๐—”๐—ด๐˜‚๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ก๐—›๐—ฆ, ๐—ก๐—ฎ๐—ด-๐˜‚๐˜„๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ฅ๐—”๐—–๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒMuling pinatunayan ng Agutay National High School (ANHS) ang husay...
03/08/2026

๐—”๐—ด๐˜‚๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ก๐—›๐—ฆ, ๐—ก๐—ฎ๐—ด-๐˜‚๐˜„๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ฅ๐—”๐—–๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Muling pinatunayan ng Agutay National High School (ANHS) ang husay at kahusayan ng mga mag-aaral matapos mag-uwi ng maraming parangal sa iba't ibang kompetisyon ng District-Level Academic Contests for Excellence (DRACE) 2026.

Nanguna ang ANHS sa pamamagitan ng pagkamit ng kampeonato sa ilang kategorya. Si Michaella A. Ribot, sa gabay ni Noriel M. Ribot, ay itinanghal na Champion sa Column Writingโ€“Filipino. Si Ezekiel Yen R. Garcia, sa ilalim ng paggabay ni Nolmer Rabino, ay nagkamit ng Champion sa Photojournalismโ€“Filipino. Nasungkit din ni Justine Relox, sa gabay ni Lovelyn M. Martir, ang Champion sa Editorial Cartooningโ€“Filipino.

Muling ipinagtanggol ng ANHS ang titulo sa Pinasayaw, kung saan itinanghal na Champion ang koponang binubuo nina Shiena M. Latagan, John Alex R. Rom, Derick F. Rapal, Dexter F. Rapal, Mae Jane R. Mendez, Danica A. Roda, Marcon Bilan, Sandra Yuri R. Dacara, Lyden Faith R. Orbe, Isaiah Rhed L. Calida, Kim E. Mendezabal, Ashley Joy Roblo, Maradhen R. Ruga, at Matt Robiso, sa pangunguna ng kanilang coach na si Jollien Kate M. Mindoro.

Samantala, nagkamit ng 2nd Place sa Radio Broadcastingโ€“English sina Zaijan M. Moral, Hanze Joy R. Reta, Shella Marie R. Role, Kim E. Mendezabal, Isaiah Rhed L. Calida, James Patrick G. Estrera, at Ruina Yexha M. Tamayo, sa gabay ni Kristy M. Salac.

Nagwagi rin ng 2nd Place si Erika Joy R. Realo sa Science and Technology Writingโ€“Filipino sa ilalim ni Jessa R. Rabida. Sa Feature Writingโ€“Filipino, nakamit ni Menchu Tamayo ang 2nd Place sa gabay ni Danica Rodaje. Samantala, ang pangkat nina Shan Carah Madia, Christian D. Magro, at Dianne Arriola, sa pangunguna ni Joerey M. Mabunga, ay nagkamit ng 2nd Place sa Dokyukwento.

Sa mga nagtamo ng 3rd Place, kabilang sina Christine Joy B. Ramo sa Mind Olympiad (Coach: Kristy M. Salac), Von Gabriel Macato sa Sports Writingโ€“English (Coach: Juliet A. Epecto), Franchezka R. Gutoman sa Column Writingโ€“English (Coach: Noriel M. Ribot), Ruina Yexha M. Tamayo sa Feature Writingโ€“English (Coach: Danica Rodaje), Rizza Mazo sa News Writingโ€“Filipino (Coach: Joerey M. Mabunga), Lance Jay Magro sa Precision Parking (Coach: Jessa R. Rabida), at Jose Anthony Rojas sa Nano Sumo (Coach: Rey R. Orbe).

Ipinamalas din ng iba pang kalahok ang kanilang kakayahan sa iba't ibang larangan, na nagbigay ng karangalan at inspirasyon sa buong komunidad ng paaralan.

Bunga ng sama-samang pagsisikap ng mga mag-aaral, coach, trainer, at ng administrasyon ng paaralan, muling naitaas ng Agutay National High School ang bandila ng kahusayan sa DRACE 2026 at napatunayang isa ito sa mga nangungunang paaralan sa distrito.

๐Ÿ–‹๏ธ๐‘ป๐’“๐’Š๐’”๐’‰๐’‚ ๐‘ด๐’Š๐’๐’†๐’” ๐‘น๐’๐’Ž๐’‚๐’๐’
๐Ÿ“ท ๐‘ฌ๐’›๐’†๐’Œ๐’Š๐’†๐’ ๐’€๐’†๐’ ๐‘ฎ๐’‚๐’“๐’„๐’Š๐’‚
๐‘ด๐’”. ๐‘น๐’š๐’๐’‚ ๐‘น๐’๐’”๐’† ๐‘ด๐’‚๐’๐’‚๐’ˆ๐’

๐—”๐—ด๐˜‚๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ก๐—›๐—ฆ, ๐— ๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐˜„Muling pinatunayan ng Agutay National High School (ANHS) ang husay nito sa lar...
01/08/2026

๐—”๐—ด๐˜‚๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ก๐—›๐—ฆ, ๐— ๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐˜„

Muling pinatunayan ng Agutay National High School (ANHS) ang husay nito sa larangan ng sayaw matapos matagumpay na maipagtanggol ang kampeonato sa Pinasayaw ngayong Agosto 1, 2026. Matatandaang noong nakaraang taon ay itinanghal na kampeon ang paaralan sa pagtatanghal ng "Bayle sa Kalye," at ngayong taon ay muli nitong napanatili ang titulo sa parehong kompetisyon.

Sa pamamagitan ng makulay na koreograpiya, sabayang galaw, at kahanga-hangang pagtatanghal na sumasalamin sa mayamang kulturang Pilipino, namayani ang delegasyon ng ANHS laban sa iba pang mga kalahok. Ang kanilang pagganap ay naging bunga ng ilang buwang masusing pagsasanay, disiplina, at pagtutulungan ng buong koponan.

Mahalaga rin ang naging papel ng kanilang mga coach na sina Ma'am Jolien Kate Mindoro, Sir Rhafie M. Mabunga, at Ma'am Ryna Rose Manago, gayundin ng kanilang trainer na si Marz Rovira, na walang sawang gumabay at nagbahagi ng kanilang kaalaman upang maihanda ang mga mag-aaral para sa kompetisyon.

Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang mga mananayaw sa kanilang mga coach, trainer, at sa School Head ng Agutay National High School na si Sir Andrew C. Reyes sa patuloy na suporta, paggabay, at paniniwala sa kanilang kakayahan. Ayon sa mga mag-aaral, malaking bahagi ng kanilang tagumpay ang inspirasyon at suporta na kanilang natanggap mula sa pamunuan ng paaralan at sa kanilang mga tagapagsanay.

Sa panibagong kampeonatong ito, muling pinatunayan ng Agutay National High School ang kahusayan ng mga mag-aaral nito sa larangan ng sining at kultura. Higit pa sa tropeo, ipinakita ng kanilang tagumpay ang kahalagahan ng pagtutulungan, disiplina, at pagmamalaki sa kulturang Pilipinoโ€”mga pagpapahalagang patuloy na isinusulong ng paaralan.

๐Ÿ–‹๏ธ๐’๐’‚๐’Š๐’‹๐’‚๐’ ๐‘ด๐’๐’“๐’‚๐’
๐Ÿ“ท ๐‘ฌ๐’›๐’†๐’Œ๐’Š๐’†๐’ ๐’€๐’†๐’ ๐‘น. ๐‘ฎ๐’‚๐’“๐’„๐’Š๐’‚

๐—”๐—ด๐˜‚๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ก๐—›๐—ฆ ๐—š๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ ๐Ÿญ๐Ÿฎ ๐—ฆ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐˜€ ๐—Ÿ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜ ๐—ž๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐˜„๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒAgutay, Magdiwang, Romblon โ€” Lumahok ang 18 Grade 12 na ma...
25/07/2026

๐—”๐—ด๐˜‚๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ก๐—›๐—ฆ ๐—š๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ ๐Ÿญ๐Ÿฎ ๐—ฆ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐˜€ ๐—Ÿ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜ ๐—ž๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐˜„๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Agutay, Magdiwang, Romblon โ€” Lumahok ang 18 Grade 12 na mag-aaral ng Agutay National High School (ANHS) sa Project Kasimanwa 2026 ngayong Hulyo 25, 2026. Layunin ng programa na tulungan ang mga mag-aaral sa kanilang paghahanda para sa college entrance examinations at scholarship examinations sa pamamagitan ng libreng review at mock examination.
Isinagawa ang programa sa pamamagitan ng Google Meet, habang ang pangunahing venue ay sa San Agustin, Romblon. Sa kabila ng online na setup, naging aktibo ang pakikilahok ng mga mag-aaral sa review session at mock examination, na naging makabuluhan at puno ng bagong kaalaman.

Nagpapasalamat ang Agutay National High School kay Ms. Princess Mae Ballera sa kanyang boluntaryong oras at paggabay sa mga mag-aaral sa buong programa. Nagpapasalamat din ang mga mag-aaral sa mga lecturer ng Project Kasimanwa 2026 sa kanilang pagbabahagi ng kaalaman at mahahalagang estratehiya na nakatulong sa kanilang paghahanda para sa kolehiyo.

Lubos ding nagpapasalamat ang mga mag-aaral kina Mr. Jiro Reyen Romano at Mr. Robert Simon Rosas sa pagbibigay ng pagkakataon sa Agutay National High School na maging bahagi ng Project Kasimanwa 2026.

Pinasasalamatan din ng mga mag-aaral si Sir Andrew C. Reyes, School Head ng Agutay National High School, gayundin sina Ma'am Kristy Salac at Ma'am Juliet Epecto, mga tagapayo ng Grade 12, sa kanilang suporta, paggabay, at paghikayat sa mga mag-aaral na lumahok sa nasabing programa.

Sa pamamagitan ng Project Kasimanwa 2026, mas naging handa at mas naging kumpiyansa ang mga kalahok sa pagharap sa mga pagsusulit para sa kolehiyo, na magsisilbing mahalagang hakbang sa kanilang pag-abot sa mas mataas na antas ng edukasyon.

๐Ÿ–‹๏ธ๐‘ฉ๐’‚๐’ƒ๐’š ๐‘ฑ๐’‚๐’๐’† ๐‘น๐’๐’ƒ๐’๐’
๐Ÿ“ท Ezekiel Yen Garcia
Ms. Princess Mae Ballera
Ms. Kristy Salac
Ms. Juliet Epecto

Address

Agutay National High School
Magdiwang
5511

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ๐‘ฏ๐‘ผ๐‘ต๐‘ฐ'๐‘ป ๐‘ท๐‘จ๐‘ต๐‘ผ๐‘ณ๐‘จ๐‘ป posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share